After Party

19.6K 110 3
                                    

After Party

Galit kong hinawi ang kamay na nasa bibig ko, siya naman ang nagulat at tumayo ng maayos.

Hiningal ako sa kaba at takot, akala ko ay may kikidnap na sa akin. Matalim ko siyang tinignan, dahan dahang nawala ang saya sa mukha niya at sumeryoso na.

"I'm sorry. Hindi ko dapat ginawa yun."

Unti- unti akong kumalma at naisip na ganito rin siguro ang takot na naramdaman niya ng wala akong paalam na sumakay sa kanyang sasakyan. Bumuga ako ng hangin bago magsalita.

"Pasensya din, nung sumakay ako bigla sa kotse mo." Halos pabulong kong paghingi ng tawad. Quits na tayo. " Ano pala ang kailangan mo? Bakit mo ako hinila dito?" Agad kong pag-iba ng usapan.

Tumingin ako sa paligid at nakitang nasa tagong parte kami, ngunit kita ang isang puting pintuan na may nakalagay na 'Dressing room The Chase'

"Alam ko na kung sino ang gusto mo." Ngisi niya

Agad bumalik ang tingin ko sakanya, kita ko ang mapanukso niyang ngiti, uminit ang pisngi ko sa kanyang sinabi.

"Iyon ba ang dahilan kung bakit mo ako dinala sa harapan?" Kunot noo kong tanong.

"I'm just curious, kaya ko ginawa iyon." Aniya at nagkibit balikat.

"Hindi mo na dapat ginawa iyon." Sagot ko.

"Why? Hindi ba iyon ang gusto mo?" Tanong ni Nate.

Mataman ko siyang tinignan, kita ko ang ngisi at mapanuri niyang mata, kung sa ibang pagkakataon ay magpapasalamat pa ako sa pag-upgrade niya sa ticket ko, pero wala siyang ideya kung ano ang mayron ako kay Jacob, at wala narin akong balak pang ipaliwanag iyon.

"Ang gusto ko, manood ng concert ng matiwasay. Pero itinabi mo ako sa mayayaman niyong fans, at sa tingin ko hindi ako bagay doon." Sabi ko.

"What? Natatawa niyang tanong.

"Nagtataka ang mga babae doon kung bakit mo ako kilala. May nagsabi pa na bago mo akong P.A, at masyado ka lang mabait para iparanas sakin ang VIP." Pa konsensya kong sabi, kung makokonsensya siya.

"What?" Tanong niya sa mas mababang boses, ang ngisi niya ay unti-unting nawala.

"Oo, may dahilan kung bakit hindi VIP ang kinuha ko, bukod sa hindi ko afford, ay hindi ako nababagay doon." Sagot ko.

Kunot ang noo at seryoso siyang tumingin sa akin.

"Bakit ganyan ang tingin mo sa sarili mo?" Seryoso niyang tanong, sa sobrang seryoso akala ko galit siya.

Umawang ang bibig ko sa kanyang tanong, naghahanap ako ng pwedeng isagot pero wala akong maisip.

Sasagot na lang sana ako ng kahit ano ng may marinig kaming tunog ng takong na naglalakad palapit sa amin, tumabi siya sa akin at inilapat din ang likod niya sa pader para magtago.

Isang babae ang nasa tapat ngayon ng pintuan, ang suot nitong black na trench coat at ang pula nitong high heels ay nagsusumigaw ng karangyaan. Ang makintab at alon-alon nitong buhok ay halatang alaga sa salon. Nakatalikod ito sa amin kaya hindi ko makita ang kanyang mukha.

Nagaalangan itong kumatok sa pintuan na nasa harapan, sa huli ay kinuha na lamang nito sa bulsa ang cellphone, huminga ito ng malalim bago mag dial. Ng ilagay ng babae sa tainga niya ang cellphone ay siyang pag vibrate ng cellphone ni Nate.

Agad lumipat ang tingin ko sa kanyang bulsa kung nasaan ang umiilaw niyang cellphone. Nag angat ako ng tingin sa kanya ng parang wala siya balak sagutin iyon. Ngumiwi siya sa akin at kinuha ang cellphone sa bulsa at ng makita ko ang screen 'Maureen is calling'.

Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon