Complicated

18.3K 111 2
                                    

Complicated

Sa Mansion nila Jane kami tumuloy, pag park ko sa kanilang malawak na garahe ay agad siyang bumaba, ganoon din ang ginawa ko.

Lumingon si Jane sa akin at nagtanong "Anong oras ka sa Chapters bukas?."

"Alas-dos ng hapon, bakit?" Balik tanong ko.

Tumango si Jane sa sagot ko "Dito ka na matulog." Aniya

"Ah-" may sasabihin pa sana ako pero agad na naglakad si Jane papasok ng mansion. Sabagay, mas gugustuhin kong may kausap ngayon, paniguradong hindi rin ako makakatulog sa condo agad.

Binuksan ko ang trunk at kinuha ang gym bag doon na may mga kompletong damit at toiletries, hinanda ko talaga ito incase of emergency.

Agad akong sumunod kay Jane pagkatapos.

"Good evening po Miss Jane, Miss Tasha." Salubong sa amin ni Manang Cedes habang inaabot ang gym bag ko, nagaalangan akong bitawan iyon, pero mabilis niya itong nakuha.

"Magandang gabi din po." Magalang kong sagot.

Ngumiti naman ang matanda. "Ilalagay ko na lang po ito sa kwarto ni Miss Jane.

Ang malaking chandelier sa ginta ng grand staircase nila sa tingin ko ay nagbago, noong huli akong nagpunta dito para mag group study kami ay rose gold ito na malaking spiral. Ngayon ay kulay silver ito na pabilog at parang Swarovski.

Palaging sa kwarto niya ang tuloy namin, pero this time ay ibang daan kami patungo.

"Saan tayo?" Hindi ko na napigilang itanong.

"We will drink." Nakangisi niyang sagot sabay bukas ng pinto na hindi ko pa napapasok sa mansion na iyon. Well lagi lang naman ako sa kwarto niya nakakapasok.

Pagbukas niya ay bumungad sa amin ang malaking Jacuzzi na may dalawang sun lounger sa harapan, sa gitna nito ay isang center table. Sa gilid ay may Sauna bath, kahilera naman ang bar na puno ng mamahaling alak ang estante. Ang ambi light sa bawat gilid ng kisame,gilid ng jacuzzi at gilid ng bar ay nakaka relax

Laglag ang panga ko sa ganda ng kwarto, ni hindi ko alam kung anong tawag sa parte ng mansion na ito.

Tumuloy si Jane sa bar at kumuha ng dalawang whiskey glass, binuksan niya ang di ko akalain na refrigerator dahil kakulay ito ng wood na ginamit sa bar, kumuha siya ng ice cubes at nilagyan ang glass. Isang bote ng alak ang kinuha niya na may nakalagay na 'Remy Martin'

Bihira kaming uminom ng alcohol, hindi ako pamilyar sa mga alak, pero mukhang matapang na alak ang isang iyon. Nilagyan niya ang parehas na baso at halos mapuno iyon.

Sa unang pagkakataon ay gusto kong uminom noon, nakainom na ako ng alak pero hindi pa ako nalasing ng sobra. Sabi nila masarap uminom kapag may problema.

Nag-angat ng tingin sa akin si Jane na para bang nababasa niya ang isip ko. Kinuha niya ang isang baso at inabot sa akin. Agad ko namang kinuha iyon at inamoy, napangiwi ako, mukha ngang matapang ang isang ito.

Nagpunta si Jane sa kung saan at pag labas ay naka swimsuit na black na ito, tali na rin ang kanyang buhok.

"May bagong swimsuit diyan, there's the bathroom, you can change there." Aniya habang papunta muli sa bar para kunin naman ang isa pang baso, tapos ay dumeretcho na ito sa Jacuzzi

Tinignan ko ang puting swimsuit na nasa ibabaw ng sun lounger, ang medyo umuusok na tubig sa jacuzzi ay nakaka engganyo. Tinikman ko ang alak at napangiwi ng gumuhit ito sa aking lalamunan. Agad na uminit ang aking katawan.

Natawa naman si Jane sa hitsura ko. Inirapan ko lang siya at ipinatong sa center table ang baso at kinuha swimsuit.

Sige mag relax tayo!

Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon