Concert

18.4K 114 2
                                    

Concert

Dumaan ang isang linggo ng mabilis at concert na ng The Chase! Simpleng puting dress puting sneakers ang aking suot na pinatungan ko ng denim na jacket at itim na sling bag. Kontento naman ako sa repleksyon ko sa salamin at komportable din ako sa suot kaya ito na ang napili ko.

Lumabas na ako ng kwarto ko at kinuha sa study table ang aking telepono. I checked if there's any reply from Jacob.

Ako:
Goodluck sa concert niyo tonight!

Pero walang reply. Nagtagal ang titig ko doon. Gusto ba niya talaga ako? Sinabi niyang girlfriend na niya ako ng huli kaming nagkita, pero pagkatapos noon ay puro text messages na lang kami at halos hindi pa siya nakakapag reply.  Doon pa lang, alam kong hindi ko na dapat pa iyon seryosohin.

Inalis ko sa aking isip ang malulungkot na bagay at masayang pumunta sa parking, dadalhin ko ang sasakyan dahil alam kong gagabihin. Ng buksan ko ang stereo ay automatic na playlist ng The chase ang tumugtog.

Tumunog ang maliit kong telepono at chineck ko ng nasa stop light ako.

Tam:
Good evening Tasha, nakita kong parehas tayo ng duty bukas. See you tomorrow sa Chapters!

Nag type ako ng reply.

Ako:
See you Tam! : )

Walang nakakaalam na pumupunta ako ng concert, kahit si Auntie ay hindi. Si Jane lang ang may alam.

Pinaandar ko na ang sasakyan ng mag green ang light. Maayos akong nakarating sa Arena,  ang dami ng tao na nakapila, karamihan ay kababaihan at hindi makaantay na makapasok sa loob. Matiwasay kong inabot ang aking ticket ng turn ko na para pumasok. Tinignan ng lalaking security ang likuran ng aking ticket at automatic na may iniradyo.

Kahit pila pa lang ay maingay na, ang ibang grupo ay kumakanta at naghihiyawan, pero kahit ganon ay hindi naman nagugulo ang pila. Marahil takot din sa mga security na malalaki ang katawan na nakapaligid.

"Miss dito ang daan." Natigil ako sa aking iniisip ng imuwestra sa akin ng security ang daan taliwas sa mga kasabayan ko. Isang security pa ang sumalubong sa akin para samahan ako sa tamang daan.

Nagtataka akong sumunod at ng makitang nasa pinakaharapan ako ng stage at kahilera ko ang iilang artista at sikat din na singer na pumunta sa concert na iyon ay hindi ko na napigilang tanungin ang lalaking security na nagdala sakin doon.

"Ah, mali po ata? Hindi po VIP ang ticket ko sir." Ngiwi kong sabi.

"Dito po ang puwesto niyo Ma'am. Naibilin na sa amin yan ni Nate." Sabi nito sabay pakita ng ticket ko na may pirma.

Unti-unting kumunot ang aking noo at inalala ang sinabi niya sa akin.

"Thank me later."

Laglag ang aking panga ng mapagtantong ito ang ibig sabihin non! Anong plano niya at naisip niya ito? This is not definitely a revenge for saying na hindi siya ang gusto ko sa grupo hindi ba? Pero kung parusa nga ito, panalo siya!

Dinig ko na nagbulungan na parang mga bubuyog ang mga kilalang personalidad sa paligid ko, ng marinig ang pangalan ni Nate. Hindi pa nakuntento at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Sino siya? A newbie?" Bulong ng isang teen star na morena.

Nailang ako bigla sa paligid, halatang lahat sila ay may sinabi sa buhay at karamihan ay kilala sa showbiz industry.

"Ah, uhm.. doon nalang po ako sa dapat kong pwesto." Nahihiya kong sabi, lalo na at nakakakuha na kami ng atensyon ng ibang kilalang tao na naroon.

Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon