Punta Fuego

24.3K 157 8
                                    

Present

"Ms. Ricio got the highest point. Second is Ms. Arce!"

Tumili si Jane sa aking gilid, agaw eksena iyon, kaya lahat ng classmates namin ay nakatingin sa kanya.

Abot tenga siyang nakatawa at nag- peace sign sa ingay na ginawa.

"Parang ikaw pa ang highest Jane ah!"

Komento ng isang lalaki naming classmate, nagtawanan ang lahat.

"If you're not even in top 10, don't talk to me."

Ganti ni Jane habang naka talk to the hand sign siya sa classmate namin na iyon.

"Oooohhhh.. burn!"

Sigawan naman ng mga kalalakihan. gumawa pa ng ingay ang iba ay kinalampag ang mga arm chair nila at nag tawanan.

"That's enough! Listen now."

Umiling ako kay Jane na panay ang irap at ibinalik ang tingin sa harapan at nakinig ng huling litanya ni Miss Zacarias bago ang bakasyon.

Ng sa wakas ay ideklara na dismiss na ang klase ay nag-hiyawan na ang mga classmate ko at nagmamadaling lumabas ng room, isa na doon ang kaibigan ko na agad akong dinala sa Chapters cafe na malapit lang sa aming paaralan.

Kahit bakasyon ay maraming din naman ang tao sa Cafe na ito, kapag naman may pasok ay halos walang mapwestuhan dahil puno ng estudyante na dito na nagrereview pagkatapos ng klase.

"May plano ka ba ngayong bakasyon Tasha?"

Agad niyang tanong sa akin habang inilalapag niya sa lamesa ang inorder niyang dalawang kape at dalawang cake na magkaiba ang flavor para sa amin.

"Tulad ng dati. Part time dito."

Tipid kong sagot. Nabitin sa ere ang huling cake na ilalapag niya sa lamesa sa sagot ko.

"What? again?"

Padarag siyang naupo at hinarap ako.

"look,  it's not like you need this job, you are well provided."

"Na hindi ko alam kung saan nanggagaling."

Napaawang ang kanyang bibig at mabilis ding itinikom at huminga ng malalim.

"Don't you trust your Auntie Noemi?" Maingat niyang tanong.

Just when I thought na tapos na siya ay ibinabato niya sa akin ang napakahirap na tanong na ito.

Yumuko ako at pinaglaruan ng tinidor ang cake na para sa akin. Simula pa lang ng dinala ako ni Auntie dito sa Maynila iisa lang ang hiling niya sakin, na pagkatiwalaan ko siya at wag ng magtatanong pa. Basta mag-aral daw ako ng mabuti at makapagtapos.

Parang ang dali lang pakinggan noon at gawin, pero habang dumadaan ang taon mas lalo lang dumadami ang tanong sa utak ko.

Sana pagkatiwalaan din niya ako na maiintindihan ko na kung ano man ang dahilan niya. Tatlong taon na din ang lumipas, I am old enough to understand.

Mula sa cake ay itinaas ko ang tingin ko sa kanya

"Ikaw? Saan ka naman pupunta ngayong bakasyon?" Pagiba ko ng usapan.

Her face expression shifted into excitement at tuluyang nakalimutan topic kanina.

"I'll go to the beach this time."

She nodded. Siguradong sigurado ang kanyang plano na parang walang makakapigil.

"Ng magisa ulit?" Dugtong ko.

Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon