Right time

18.3K 111 3
                                    


Tulad ng sinabi ni Uncle alas-singko nga ako nakarating sa Punta Fuego, dalawang stop over lang ang aking ginawa, hindi naman ako inantok sa byahe, sadyang kailangan ko lang ipahinga ang paa sa pag drive at kinailangan ko rin kasing kumain.

Inabutan kong umiinom ng kape ang mag-asawa habang nanonood ng balita. Gulat na gulat si Auntie sa pagdating ko,saglit akong pinagalitan dahil sa hatinggabi kong byahe. Pero sa huli ay tinanong kung kumain na ba ako.

Hayan sya at halos di makatayo, pero ako parin ang iniisip niya.

Pinagtimpla ako ni Uncle ng Kape kahit sinabi kong ako na, ilang beses ko tinignan kung saan ang pilay ni Auntie para masigurong ayos lang iyon, kahit na check naman na ng doktor.

"Hindi ba tumama ang ulo mo Auntie?" Hindi ko mapakaling tanong.

"Hay nakung bata ka! Hindi. Kumalma ka na at ayos lang ako." Kunyari ay iritadong sabi ni Auntie Noemi.

Ngiting asong umiiling naman si Uncle habang nilalapag sa hapag ang tinimplang kape para sa akin.

Hindi ko alam kung kailan at paano naging maayos muli ang dalawa, ang mahalaga sa akin ay maayos na sila at hindi nagtatalo.

"Okay po." Suko ko.

Mukha nga namang maayos na si Auntie kahit hindi pa makalakad. Kaya kapag may kailangan siya ay agad kong kinukuha tulad kunyari ng remote kapag gusto niyang manoond ng tv.

"Magpahinga ka muna sa taas at malayo ang naging byahe mo." Sabi ni Auntie pag dating ni Uncle galing sa pamimili sa palengke para sa magiging tanghalian.

Hindi na ako tumanggi, ng dumating ako at nakitang ayos si Auntie kanina ay doon ko lang naramdaman talaga ang pagod. Umakyat ako sa aking dating kwarto, naroroon pa ang mga dinikit ko sa wall na mga posters ng hinahanggan kong artista.

Inilapag ko sa side table ang aking back pack at kinuha ang dalawa kong cellphone. Balak kong i charge ang mga ito. Nakita kong halos lowbat na ang maliit na phone, habang ang iphone ay empty na talaga. Pag charge ko ay naligo ako sa maliit kong cr, ang mga damit ko sa cabinet ay luma at maliit na, pero kasya pa naman sa akin.

Pag higa ko ng kama ay nakatulog ako agad dahil sa pagod. Nagising na lang ako sa araw na dumadampi sa mukha ko, unti-unti kong minulat ang mga mata ko at nakitang mataas na ang sikat ng araw. Tinignan ko ang orasan ng maliit kong cellphone at nakitang alas-dos na ng hapon.

Bumaba ako para icheck ulit si Auntie, pagbaba ko ng kahoy na hagdan ay naabutan kong nanonood ng teleserye si Auntie, habang nasa tabi niya si Uncle na may binabasang libro sa sala, sa lamesita ay may bananaque at malamig na tubig.

Parehas nila akong nilingon ng lumikha ng langitngit ang hagdan pagbaba ko.

"Tasha, kumain ka na, nagluto ng tinola ang Uncle Samuel mo, kung ayaw mo naman mag kanin ay ito ang meryenda, hindi ka na namin ginising para mag tanghalian dahil alam kong pagod ka."

Mas pinili kong tumabi sa kanila sa sala at kumain ng bananaque, nakinood narin ako ng teleserye na ngayon ko lang napanood.

Ang mga ganitong simpleng bagay sa Punta Fuego ang talagang namimiss ko, lalo na nung nabubuhay pa sila Mama at Papa. Huminga ako ng malalim at inalis na iyon sa aking isipan.

Naging magaan ang pakikitungo sa akin ni Uncle hindi tulad dati, mukhang maayos na talaga ang dalawa at pinagpapasalamat ko iyon.

Sila na lang ang pamilya ko at ayokong pati silang dalawa ay magkasira pa. Sana ay dito na lang ako ulit tumira, walang problema ang maynila sa akin pero mas dama kong nasa bahay ako kapag narito ako.

Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon