Private

20.6K 139 8
                                    

Mabilis kumalat sa media ang mga pictures ni Jacob sa Punta Fuego kung saan may yakap siyang babae sa tapat ng kanyang sasakyan.

Hindi kita ang mukha ko dahil sa yakap ni Jacob. Habang tinitingnan ko ang pictures na nagkalat sa social media ay takot at mangha ang naramdaman ko.

Takot dahil sa mga nagseselos niyang mga fans na pilit inaalam ang babae sa larawan. Mangha dahil sa sobrang ganda ng kuha ay para talaga kaming magka-sintahan na magkayakap sa gitna ng gabi.

Jacob never comment about the issue. Magaling niyang naiiwasan ang mga tanong ng reporters.

"I can't believe you!" Bungad sakin ni isang araw ni Jane ng pag buksan ko siya ng pintuan. Tinapat niya sa akin ang cellphone niya na may larawan namin ni Jacob.

Gulantang ako sa kanyang ipinakita.

"This is you! That's your clothes in Punta Fuego! I swear to god!" Nilagpasan niya ako at pumasok sa loob. Muli niya akong hinarap.

"Wait a minute... sa school, ikaw din ang pakay niya hindi ba?" Aniya

Pailing pa lang ako ay may kasunod na siyang tanong

"Tell me honestly, secret girlfriend ka ba ni Jacob Lucre?"

"No! Hindi ko siya boyfriend." Finally ay nakasagot ako.

"Then, what's the meaning of those events? Seems like he's following you around! Please enlighten me." Pabagsak siyang na-upo sa sofa at humalukipkip.

Huminga ako ng malalim at na-upo rin sa kanyang harapan. The reason why I did not tell her this, is because I thought no one will know that I exist, the girl who owns the ring hanging on the chest of the famous Jacob Rye Lucre. Pero nahanap niya ako.

I tell everything to Jane that day, at halos hindi siya makapaniwala sa narinig, kung sa ibang pagkakataon ay iisipin kong hindi siya naniniwala.

It's a whirlwind emotions I felt that week dahil sa usap-usapan sa media and it's almost hard to take. It was like a nightmare that turned into fantasy.

Ang nalaman ko sa Punta Fuego tungkol kay Auntie, at ang biglang pag-sulpot ni Jacob. I'm not even sure if that's a reality..

Ang kawalan ko ng cellphone ay dahilan ng pag-aalala ni Auntie kaya nandito ako ngayon sa mall malapit sa aking condo para bumili.

Ang maliit na cellphone na may matigas na keypads ang napili ko dahil mura lang, at yun lang ang abot ng aking budget.

Nakabili na rin ako ng sim card. Sa mall kung saan ako bumili ay nadaanan ko ang isang poster na nagsasabi na ibinebenta na ang tickets para sa nalalapit na concert ng The Chase.

All of them wearing black shirts in that poster, in retro vintage red bricks wall as backdrop.

Si whayne nasa kanan nakasandal sa wall nakatingin sa langit ng nakapikit, si James nasa kaliwa, nakalagay ang mga kamay sa magkabilang bulsa, nakatingin sa gilid at kita ang earing niyang cross.

Si Nate at Jacob ay nasa gitna, Nate holding a guitar habang ang isang paa ay nakasandal sa brick wall, then there's Jacob naka-upo sa sahig, ang isang tuhod ay naka-taas at naka-patong ang isang braso doon.

Siya lang ang nakatingin sa camera ng kunan ito. His stone cold eyes gives me chill.

Huminga ako ng malalim, sana maka-ipon agad at makabili ako ng ticket. Kinuha ko ang bago kong cellphone at tinawagan na lamang si Auntie para ibalitang may cellphone na ulit ako at malaman niya ang aking bagong numero.

"Mabuti naman at nakabili ka na, Ipadadala ko ang pera ngayon sa account mo para hindi mabawasan ang allowance mo."

"Auntie.. hindi na, may ipon naman ako, hindi mababawasan ang allowance." Sabi ko sa mababang boses

Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon