Chapter 11 - The Pianist And The Singer

1.4K 90 8
                                    

KATE CHANDRIA'S POV

"Nawala lang ako saglit tapos ganito na sasalubong sa'kin pagbalik?! Gad! Ngayon na nga lang ako makakapagpahinga kase day-off ko tapos bibigyan niyo pa ako ng trabaho?!" Napahilamos ako sa buong mukha ko at napasabunot sa buhok ko.

Lahat sila nakaupo sa mahabang sofa habang ako nasa harap nila at sinesermonan sila. Pareho naman silang hindi makaimik. Si Shael, Raizer, at Akken nakayuko, si Cohen naman pinaglalaruan ang daliri niya habang si Daron nakaiwas ng tingin.

"Pasok sa kwarto niyo," pagpipigil na boses ko. Nagkatinginan pa silang lahat at nag-aalangan na pumasok."Pasok," ulit ko kaya wala silang nagawa kundi sumunod at unakyat papunta sa kwarto nila.

Napahinga ako nang malalalim tapos umupo sa sofa na kinauupuan nila kanina. Plano ko pa naman sanang matulog o di kayay manood ng movie kasama sila ngayon kaso nasira na. Imbis na makakapagrelax ako ngayon ay maglilinis ako ng buong bahay dahil sa ginawa nila.

Binasag lang naman nila ang mga vase dito sa living room at nagkalat pa ang mga sirang unan pati mga CD na pinapanood nila kanina. At 'yong sa CR kanina, lahat ng mga nilabhan ko na natuyo na sa araw, basang basa na lahat at uulitin  ko na namang labhan dahil sobrang dumi na ulit. Pati mga undies ko pinaglaruan pa nila. Argh.

Pumasok ako sa kusina para sana uminom ng tubig kaso bumungad sa'kin ang mga basag na baso at mga nagkalat na harina, itlog, baking soda at iba pang mga gamit na pangluto. 'Yong mga pinagkainan din nila na chocolates, popcorn, at pizza nagkalat ang mga lalagyan.

Napapikit nalang ako dahil sa init ng ulo ko. Kanina ang saya saya ko pa dahil bonding namin ni Ri-Ri tapos pagbalik may naghihintay pala sa'king malaking sorpresa. Ang ganda nga ng sorpresang inihanda nila eh, sa sobrang ganda feeling ko mamamatay na ako pagkatapos. Jusko! Ilang paghihirap pa ba ang dadanasin ko sa mansiong 'to?!

Sinimulan ko nang linisin lahat ng kalat dito sa living room. Niligpit ko 'yong mga sirang unan at 'yong laman na mga feathers ay nilagay ko sa plastic dahil tatahiin ko na lamang 'to kapag may libreng oras ako. 'Yong mga CD, binalik ko sa lalagyan na box at nilagay sa ilalim ng flat screen TV. Sinunod ko naman ang mga bubog ng basag na vase at dinustpan at nilagay sa trash can. Nagkasugat pa nga ako dahil pinulot ko 'yong maliliit na piraso ng bubog. Napadaing naman ako dahil patuloy ang pagdugo ng kamay ko pero tiniis ko na lang at tinapos ang pagliligpit.

"What happened to your hands?"

Napaigting naman ako ng may biglang magsalita sa likod ko. Si Daron lang pala at hindi siya nakatingin sa'kin kundi sa kamay kong patuloy na dumudugo.

"Nasugatan lang ng bubog pero maliit lang naman. Pumasok kana ulit sa kwarto mo hindi pa ako tapos maglinis dito," sagot ko.

Nagulat naman ako ng bigla niya akong hinila at pinaupo sa sofa. Umalis siya at pumasok saglit sa kusina at pagbalik niya, may dala na siyang first aid kit. Agad naman akong tumayo at pipigilan na sana siya ng hinila niya ako ulit para paupuin.

"Ano ba?! Okay lang naman ako, hindi naman malaki oh. Mamaya ko na lang gagamutin 'to dahil marami pa akong gagawin." Hindi niya naman ako pinakinggan at walang sabi-sabing nilagyan ng alcohol ang bulak at nilagay sa sugat ko. Napadaing naman ako dahil sa sobrang hapdi.

"Stay still."

" Dahan dahan lang kase, masakit kaya," reklamo ko.

Hinipan niya naman saglit at nilagyan ulit ng alcohol ang sugat ko. Todo kagat naman ako sa labi ko kapag nilalapat niya ang bulak.

Takte! Hindi niya ba alam na nasasaktan ako kapag dinidiin niya ang bulak sa kamay ko?! Walang puso talaga ang isang 'to.

"It's already finished." Nilagyan niya ng band aid ang sugat ko bago niya binitawan ang kamay ko.

Helveryst Series #1 : Babysitting The Five Hot Jerks Where stories live. Discover now