Chapter 21 - Getting Worst

1K 55 2
                                    

KATE CHANDRIA'S POV

Pinaglalaruan ko ang kamay ko habang nakaiwas ang tingin dahil ayokong salubungin ang mga titig nila. Nakauwi na kami dahil pinayagan kami nung guard dahil nga sila ang may-ari ng university. Mabuti nalang at nadatnan na walang pasok kaya hindi kami nagcutting classes. Sinabi ko naman sa kanilang kaya kong maghintay sa loob ng clinic hanggang sa bumukas ang gate pero nag-insist si Shawn na iuuwi niya raw ako. Ewan ko kung bakit sumama rin yung apat.

Si Akken tanong ng tanong sa'kin kung anong nangyari at kung masama ba daw ang pakiramdam ko. Si Raizer minura ako kase hindi raw ako nag-iingat. Si Cohen naman sinabihan akong tanga kase padalos dalos raw ako. Si Shael din naiinis pero hindi sa'kin kundi sa gumawa nito sa'kin. At si Daron naman, hindi kumikibo simula pa kanina. Palagi lang siyang nakatingin sa'kin at hindi ko naman mabasa ang reaksyon niya.

" Gagawa muna ako ng assignment ate." Tinanguan ko si Akken kaya kinuha niya ang bag niya at umakyat. Sina Raizer at Cohen kanina pa nakaakyat dahil may gagawin rin daw sila na schoolworks. Si Shael naman, ayun natutulog sa kwarto niya dahil pagod raw siya at gusto niyang magpahinga.

" It's about 2 hours, drink your medicine." Inabot sa'kin ni Daron ang gamot ko pati na rin ang tubig. Sabi nung nurse pampabawas daw sa kirot ng pasa ko sa siko. Pero teka nga... ba't ba nandito pa siya?! Hindi niya naman siguro ako binabantayan diba?

" Matulog ka na rin baka pagod ka. Kung may kailangan kang gawin para sa school mo gawin mo na." Napangiwi ako dahil sobrang pait ng gamot ko. I mean, I know that's it's normal kase nga gamot 'to pero iba talaga eh. Gumuhit pa sa lalamunan ko, kairita.

" I'm not tired nor I don't have something to do." malamig niyang sagot. Alam kong sanay na'ko sa boses niya pero hindi ko rin mapigilang isipin kung galit ba talaga siya sa'kin o ano. Nakakatakot kase talaga siya magsalita eh.

" Ah... sige. Magluluto lang muna ako ng kanin tapos iinitin ko yung natirang ulam kaninang umaga. Marami pa naman 'yun." Sinubukan kong tumayo at nagawa ko naman ng maayos. Bakit nga ba naman hindi eh kamay ko lang naman yung napuruhan. Tsk. Feeling ko sa'kin napunta yung expired na katangahan ni VeraMundo kaya nawala sa kanya.

" I didn't ask."

Paalis na sana ako ng marinig ko 'yun. Inis akong lumingon sa kanya at tinaasan niya naman kaagad ako ng kilay niya. Bakit ba siya ganyan? Hindi ko talaga maintindihan ang ugali niya kahit matagal na ako dito sa mansion. Baka ng tama yung sinabi nila na 'Sometimes it took a year to know the person'. Sarap niyang suntukin hanggang tumagos sa atay niya.

" Edi skl. Share ko lang. Duh." Nagflip hair pa ako at tumalikod pero dahil hindi nakisama ang tadhana, natisod ako at mabuti nalang ay nakahawak ang isa kong kamay sa headboard ng sofa.

Narinig kong tumikhim siya kaya agad akong napalingon sa kanya. Napakagat siya sa pang-ibabang labi niya at hindi nakatingin sa'kin. Aaminin kong mas lalo siyang gumwapo sa ginagawa niya pero kahit na! Alam kong gusto niya akong pagtawanan sa katangahang nagawa ko. Panira kase ng moment 'tong paa ko. Hindi na nakisama, yowo!

" Silly. I'll be the one to cook this time, just take a rest." saad niya at biglang tumayo tsaka ako nilagpasan. Napakunot naman ang noo ko at nagtaka, marunong ba siyang magluto?!

Sumunod ako sa kanya patungong kusina dahil baka kung anong gawin niyang hindi tama. Hindi naman sa minamaliit ko siya pero mas mabuti na rin yung makakasiguro ako nang sa ganun ligtas, diba? Besides, I haven't seen him cook eversince I lived here. Ako kase ang gumagawa ng lahat at never ko naman siya naturuan dahil hindi naman siya nagpapaturo.

" Hoy! Alam mo ba kung pa'no magluto?! Baka maging abo tayo niyan sa pinaggagagawa mo!."

Tiningnan niya ako saka inirapan at sinuot ang apron." Would I represent to cook if I don't know how to? Sa'n nang utak mo lumipad sa pluto?!." Agad ko siyang sinamaan ng tingin. Kailan pa siya natutong magsalita ng ganiyan? Nagiging katunog niya tuloy ang pinagsamang Raizer at Cohen. Masungit at saka mayabang.

Helveryst Series #1 : Babysitting The Five Hot Jerks حيث تعيش القصص. اكتشف الآن