Chapter 24 - Sick

1.2K 60 2
                                    

KATE CHANDRIA'S POV

Nagising ako dahil sa tunog na narinig ko, parang mga boses na nag-uusap. Sinubukan kong gumalaw ng konti pero namamanhid ang katawan ko kaya napangiwi nalang ako. Hindi ko alam kong nasa'n ako kaya pinilit kong buksan ang mga mata ko. Nung una hindi ko masyadong maaninag ang paligid dahil blurred pa ang mga mata ko, tanging ilaw at puting silid lang ang naaninag ko. Maya maya ay may bigla akong naramdamang humawak sa'kin.

" Ate? May masakit ba sa'yo?." Saka ko lang nalaman na si Akken pala 'yun. Minulat ko ulit ang mata ko at ngayon ay nakikita ko na ng malinaw ang paligid. Nakahiga ako sa isang puting kama at iba na ang suot ko ngayon. May mga bandage na naman ako sa braso ko at hinawakan ko ang tuhod ko sa ilalim ng kumot, mas malaking benda ang nakalagay. Meron din akong dextrose sa kamay ko na konektado sa isang plastic ng tubig.

" Hey, you alright?." Napalingon naman ako kay Raizer, nasa harapan kona silang lahat ngayon, silang lima. Dahan dahan akong tumango at sinubukang umupo pero napapikit ako dahil sa sakit ng ulo ko.

" Shit. Don't move, you haven't recovered yet." Inalalayan naman ako ni Cohen na isandal ang likod ko sa headboard ng kama. Giatay! Grabe pala talaga ang natamo ko sa stock room.

" Wait, I'll call the doctor to check her." Lumabas si Shael sa kwarto kaya bumaling ang tingin ko sa kanila. Nakasuot na sila ng pambahay at magulo ang buhok nila.

" Kumain na ba kayo?." tanong ko. Gusto ko rin sanang tanungin kung bakit dito nila ako dinala kung sinong nagdala sa'kin dito. Sino namang magbabayad sa bills dito?!

" Oo ate, kanina pa. Ang tagal mong gumising eh kaya nauna nalang kami. Ikaw, kailangan mong kumain para bumalik ang lakas mo. Para ka nang lantang gulay."

Ngumiti ako ng pilit kay Akken at ginulo ang buhok niya." Okay lang ako. Strong naman si ate." Sinabayan ko pa ng konting tawa para hindi siya mag-alala. Ayokong maging malungkot ang isang 'to.

" She need to eat first. You should go home now, you have classes tomorrow. Ako nang bahala rito." sambit ni Daron sa kanila. Nasa gilid ko siya at nakatayo lang. Hindi siya umupo sa kama katulad ng ginawa ng tatlo. Sabagay, nakakailang din naman kung pati siya uupo rin.... nakakahiya. Single lang din ang kamang 'to kaya maliit lang at pang-isang tao lang ang kasya, nakikisiksik lang yung tatlo sa may binti ko kahit na may extrang upuan naman.

" Your face is red. You're really sick." Gulat akong napatingin kay Raizer sa sinabi niya at napahawak sa mukha ko. Hindi nalang ako sumagot dahil baka kung ano pang sabihin ko.

" Let us not interrupt her. She's not feeling well right now. We'll get out when the doctor arrives." saad naman ni Cohen kaya napatango yung dalawa. Lahat sila ay nakatingin lang sa'kin. As in nakatitig sila. Jusme! Alam kong ang panget ng itsura ko ngayon dahil hindi ko pa naman natitingnan ang sarili ko sa salamin. Baka may tuyong laway sa gilid ng labi ko o may muta sa mata ko. Asar!

" Ano ba kayo?! Alam kong kyut ako pero hindi niyo 'ko kailangang titigan ng ganyan. Takte! Hindi ako makagalaw sa ginagawa niyo." inis kong sabi sa kanila. Agad naman sila nagsitayuan at hindi na tumingin sa'kin. Lumilingon lang sila sa paligid na parang mga tanga! Antokwa!

" The doctor is here." Agad kaming napalingon kay Shael nang bumukas ang pinto at kasunod niya ang isang lalaking doctor. Gwapo rin siya pero hindi ko type. Yung mga kagaya ni ano yung type ko.... basta kayo nang bahalang mag-isip. Tanong ko nga lang. Bakit ba palagi nalang napapaligiran ng gwapo ang kyut na si ako?! Char.

" Labas na kami, ate. Ingat ka, dadalaw ako dito bukas." Kinawayan ako ni Akken at ganun din ang ginawa ko sa kanya. Tinanguan ko lang yung dalawa bago sila lumabas.

Helveryst Series #1 : Babysitting The Five Hot Jerks Where stories live. Discover now