Chapter 1 - Welcome To Manila

2.7K 117 20
                                    

HER POV

Umalis ako do'n at naglakad papunta sa kwarto naming magkakapatid para makapag isip. Inaamin ko, gusto ko ang alok na trabaho sakin ni tita Elizabeth. Isa sa pangarap ko ang makapunta ng Maynila. Sabi kase no'ng ibang mga kapitbahay ko na minsan nang nakapunta do'n, sobrang ganda daw nang tanawin do'n at marami pang pagkain na wala dito samin. Marami din daw'ng mga matataas na gusali kagaya ng mga building, hotel, restaurant, mall, at marami pang iba na hinding hindi mo makikita dito saamin. Kaya nga sinabi ko sa sarili ko na magsusumikap akong mabuti para makapunta do'n eh. At sabi ko pa na isasama ko ang buong pamilya ko.

Pero iba ata ang dahilan nang pagpunta ko do'n. Pupunta ako do'n para magtrabaho at higit sa lahat, hindi ko makakasama ang pamilya ko kapag pumunta ako do'n. Gusto ko munang magpahinga para makapag isip ako ng maayos. Haist. Papasok na sana ako sa kwarto naming makakapatid ng makita kong nakaawang ang pinto at nakita kong nag uusap ang dalawa kong kapatid.

"Kuya Cyd, ang ganda pala nung bagong laruan ni Ariel 'no? Ang sabi niya, binili raw yun ng Papa niya na nagt-trabaho sa Manila. Pinadalhan nga raw sila ng mga masasarap na pagkain. Eh tayo kuya, kailan natin mararanasan ang gano'n."

"Sasha, alam kong gusto mo rin makabili ng gano'ng laruan. Pangarap mo na 'yon simula nung 3 years old ka palang diba? Ako nga rin gusto kong makabili ng coloring book tsaka mga krayola kase pangarap kong maging architect paglaki ko. Pero alam mo naman ang sitwasyon natin ngayon diba? Mahirap lang tayo at hindi natin kayang bumili ng mga gano'n. May sakit si Itay kaya hindi niya kayang magtrabaho, si Inay hindi tayo maiwan iwan dahil ayaw niyang pabayaan tayo, at si ate Katria naman naghahanap ng trabaho para magkapera tayo. Tanggapin na lang natin na hanggang inggit lang tayo, Sasha."

"Alam ko naman 'yon, kuya."

"Sshh, wag kang mag alala. Pag nagkaroon naman tayo ng pera sasabihan ko si ate na bilhan ka ng mga gusto mo. Kahit ikaw na lang muna bago ako. Alam mo namang love na love ka ni kuya diba."

Biglang sumikip ang dibdib ko sa narinig ko. Matagal na nilang hinihingi ang mga gano'ng bagay kay Itay no'ng nakapagt-trabaho pa siya kaso hindi ni Itay nabili ang mga gusto nila dahil biglaan siyang nagkasakit. Hindi naman pwedeng unahin ang mga ganoong bagay dahil mas importante ang mga gamot ni Itay. Alam kong lungkot na lungkot sila no'n kase nangako sa kanila si Itay pero sinabi nilang naiintindihan daw nila kase mas mahalaga ang kalusugan ni Itay.

No'ng nakapagtrabaho naman ako sa kabilang baranggay bilang BANTAY BATA 163 hiniling din nilang bilhan ko sila kapag nakaluwag luwag na ako. Pero sa kamalas malasan ay naubos na ang bigas namin at sumabay din ang bayarin ng kuryente at tubig at kapag hindi kami nakapagbayad ay puputulan kami pareho. Labag man sa kalooban ko ay hindi ko sila nabilhan dahil mas kailangan namin ng makakain, tubig, at kuryente kesa sa mga bagay na hinihingi nila.

Kahit naman ako noong bata pa ako ay gusto ko ring bilhan ang ng mga bagay katulad ng hinihingi ng mga kapatid ko. Nakita ko sila sa akin noong bata pa ako at kagaya ng sitwasyon namin ngayon ay wala rin kaming gaanong pera. Kailangan kase naming ipunin ang pera na kinikita ni Itay noon dahil kabuwanan na si Inay sa kapatid kong si Cyd at nag aaral pa ako noon. Naisip ko na wag na lang sabihin kay Inay at Itay ang gusto ko lalo na't mas kailangan ni Inay ang pera para sa panganganak niya.

Lumaki ako na hindi nararanasan makatanggap ng mga ganoong bagay. Pero kahit kailan hindi ako nagtampo o nagalit man lang sa mga magulang ko. Maintindihin kase ako tao at hindi marunong magalit. Pwera na lang kung hamunin na naman ako ni VeraMundo. Aba! Syempre magagalit talaga ako 'no, palaban din kaya ako pero marunong din ako matimpi. Lol. So 'yon na nga, ayokong maranasan din ng mga kapatid ko ang naranasan ko noon kaya parang gusto ko naring tanggapin ang alok saakin ni tita Elizabeth. Gustuhin ko man o hindi pero kailangan.

Helveryst Series #1 : Babysitting The Five Hot Jerks Where stories live. Discover now