Chapter 34

11.5K 207 25
                                    

Author's Note: UNEDITED VERSION pasensiya na at wala na akong time na magpaganda pa at ang mahalaga matapos hanggang ending... Salamat sa patuloy na pag-aabang at suporta...

*****

“Mahal ka ng tatay mo, Dom…”

Nananaginip ako. Sigurado iyon dahil matagal ng pumanaw si Nanay pero nandito siya ngayon. Nakatalikod sa isang puting hagdanan na paakyat sa nakasisilaw na liwanag ang mga baitang. Usok ba o ulap ang nasa paligid? Ewan ko. Ang alam ko lang, she was dressed in white, like an angel in glowing skin.

“Mahal ka ng tatay mo,” ulit niya. Ngumiti saka tumalikod at nagsimulang humakbang paakyat ng hagdan.

Nakapako ako sa aking kinatatayuan. Tinawag ko siya at sa paglingon niya, nagtanong ako, “Pwede ba akong sumama na lang sa inyo?”

Umiling siya. “Hindi mo pa oras anak. Isa pa, iiwanan mo ba ang mga taong malapit sa iyo?”

Kumirot ang aking ulo. Ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata. Unti-unti akong nagmulat. Nakakita ako ulit ng liwanag. Una’y malabo saka biglang luminaw. Nakita ko ang ilaw sa puting kisame. Nakarinig ako ng mga nagkakagulong tinig pero bago ko pa mawawaan ang mga sinasabi nila, napapikit na ulit ako at muling nilamon ng dilim.

Sumunod na panaginip ko, nakalampas na ng ilang baitang sa hagdan si Nanay. “Kaya mo bang iwanan ang mga taong malapit sa iyo?”

Pumikit ako at sa muling pagmulat, naroon na naman ang malabong liwanag. Pagkaraan ng ilang segundo, luminaw ang tingin ko sa ilaw at sa kisame. Ang bigat ng pakiramdam ko, parang may nakadagan sa aking katawan sa pagkakahiga ko sa kama. Hindi ko maigalaw ang aking ulo kaya inilibot ko ang aking mga mata sa paligid.

Para lang akong nasobrahan sa alak kagabi at namental block ng tuluyan na paggising hindi ko maalala sa aking isip kung anong nangyari at kung nasaan ako. Pumikit ako ulit at sa muling pagdilat, nakita ko ang mukha ni Emma na nakatingin sa akin.

“Thanks God, you’re awake, Dom,” malakas niyang sabi.

Narinig iyon ng kung sinomang nakadukmo sa gilid ng aking kama na tanging buhok lang ang nakikita ko at nakadikit ang kamay sa aking braso. “Dom…”

“Kuya Jake?” Bakit kaya siya nadito?

Tumango siya saka pinisil ng bahagya ang aking kamay. “Dom. Buti gising ka na.”

“It’s been three weeks, Dom. You’re in comatose. Now you’re back,” masayang sabi naman ni Jeff na kapapasok lang ng silid at tumayo sa may paanan ng kama.

Anong three weeks? Ako nasa state of coma?

Tumingin ako pababa sa aking katawan. Sementado ang aking kaliwang kamay kaya pala hindi ko maikilos. Sinubukan kong igalaw ang aking mga daliri at sumunod naman sa dikta ng aking isip. Naramdaman ko na rin ang benda sa aking ulo. Ang bahagyang paghapdi ng mga sugat ko sa likuran at ibang bahagi ng katawan.

Nang medyo mawala ang pagkahilo ko saka alng ako muling nakapagsalita. “Si Jim…” pabulong kong sabi nang magsimulang bumalik sa aking alaala ang mga nangyari. Ganoon na ba katagal akong tulog? Three weeks?

“Siya ba talaga ang may gawa nito?” tanong ni Jeff.

Tumango ako trying to erased the horrible memories na feeling ko kagabi lang nangyari.

“Naaresto siya ng mga pulis the following day na gawin niya ito sa iyo. Iyong lalaking tumulong sa iyo para madala ka sa ospital ay siya ring nakasaksi sa nangyari at na-videohan pa nga raw ang paggulpi sa iyo,” tugon ni Jeff.

Napapikit ako. Naalala ko ang pag-atake ni Jim sa akin. Ang galit sa kaniyang mukha. Oh God, who would have thought na magagawa niya iyon sa akin?

“Wala ka ng dapat ipag-alala, Dom,” sabi naman ni Cherryl na nabasa yata ang aking isip. “Nakakulong na si Jim hgayon, hindi ka niya masasaktan pa.”

Niko & Dom - A Bedspacers Romance (SSPG - COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon