Chapter 27.3

11.4K 226 41
                                    

WALA NAMAN SA loob ng kwarto iyong dalawa pang bedspacers na kasamahan namin at lumabas naman si Jim para maligo kaya out of curiosity, sinimulan kong buklatin ang magazine.

Tinanggal ko ulit ang aking tshirt at sapatos saka nahiga ako sa aking kama na naka-shorts lang at medyas na puti. Habang tinitingnan ko ang mga larawan ng mga lalaking nakahubad at mga iba pang kuha ng mga lalaking nasa aktong pagtatalik, bigla kong namiss si Dom saka naalala ang naunsiyaming tuksuhan namin kaninang umaga bago kami nahuli ng Kuya Jake niya. Ang pagpayag ko sa gusto niyang magpalit kami ng puwesto sa pagtatalik sa unang pagkakataon sana na baka nangyari sa loob ng kanilang banyo kung hindi pumasok ang kaniyang kapatid at dumating ang kaniyang ama.

Kumislot sa loob ng aking shorts ang aking sandata kaya ibinaba ko ang aking zipper at hinatak ng bahagya pababa ang bukas kong shorts. Ipinadausdos ko ang aking kanang kamay mula sa aking batak na abs papasok sa loob ng aking underwear saka sinimulan kong himasin ang aking tarugo hanggang tumigas at lumabas ang ulo sa garter ng pula kong brief.

Sa pagkakatayo ng nakabuklat na magazine sa aking abs na hawak ko sa centerfold ng kaliwang kamay, hindi ko na tuloy namalayan na nakapasok na pala si Jim sa loob ng kwarto at sinimulang panoorin ang aking ginagawa. Naramdaman ko lang ang kaniyang presensiya nang bumaba ang gilid ng kutson ng kama sa pag-upo niya sa tabi ng aking paanan.

Unti-unti kong ibinaba ang magazine na tumakip sa aking abs. Pansin kong nagsimulang bumilis ang paghinga ni Jim sa pagtaas-baba ng kaniyang maskuladong dibdib. Basa pa ang kaniyang buhok at may mga butil-butil na tubig ang buong katawan na hahangaan mo ang ganda ng physique dahil sa halos araw-araw na pagpunta sa gym. Nakaalsa ang parteng harapan ng puting bath towel na nakatapis sa kaniyang midsection, ebidensiya na tinigasan na siya sa naabutang hubad-baro kong katawan at paghimas ko sa aking tarugo habang nakatingin sa gay porn magazine.

Kita ko ang paggalaw ng kaniyang Adam’s apple sa sunod-sunod na paglunok ng laway habang nakatutok ang mga mata sa pinkish na ulo ng aking tarugo. Bumagal ang ginagawa kong paghimas sa aking sandata hanggang tuluyan ko ng itinigil. Nakapasok pa rin ang aking mga daliring nakabalot sa katawan ng nag-uumigting kong pagkalalaki sa loob ng brief samantalang nakalabas ang ibang parte ng mahabang katawan at ang mala-makopang ulo na may malaking butil ng pre-ejaculate sa biyak sa dulo.

“Nakalimutan ko palang itago sa ilalim ng kama ang magazine kong iyan,” namumula ang hasang at sa mababang tinig na pahayag ni Jim na tumingin sa akin. Ipinatong sa binti ko makalampas sa natatakpan ng medyas ang kaniyang kaliwang kamay at naramdaman ko ang init ng kaniyang palad sa aking balat at ang panginginig ng kaniyang kamay sa nakita kong antisipasyon sa kaniyang mga mata sa posible at ramdam kong gusto niyang mangyari.

Nakatingin lang ako sa kamay ni Jim nang unti-unting pinagapang niya mula sa aking binti paakyat sa aking tuhod. “Nik, wala namang problema kung pakasalan mo si Cherryl.”

Napasinghap ako nang mula sa tuhod ay ipasok niya ang kamay sa loob ng laylayan ng aking shorts sabay umisod ng pagkakaupo palapit sa aking beywang. Hinawakan ko ang kamay niya para pigilang umabante nang makarating na sa itaas ng aking kaliwang hita sa loob ng aking shorts at ilang pulgada na lang aabot na sa aking singit.

“Huwag Jim…”

Idinikit niya ang kanang hintuturo sa kaniyang mga labi para senyasan akong tumahimik. “Para wala ka ng problema pa Nik, pakasalan mo na lang si Cherryl. Kalimutan mo na lang si Dom. Kung sex lang ang hanap mo, kaya ko rin namang ibigay iyon sa iyo ng buong puso at hindi magiging komplikado ang buhay mo at tuluyang masira ang relasyon mo sa iyong mga magulang.”

Nilakasan niya ang puwersa ng kaniyang kamay sa pag-abante pero nagawa ko pa ring pigilan kaya imbes na paakyat, pinadausdos niya pababa sa gilid ng aking hita. Napasinghap ako sa kiliti ng paghimas ng kamay niya sa dakong iyon na isa sa erogenous zone ko.

Niko & Dom - A Bedspacers Romance (SSPG - COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon