Chapter 27.2

11K 198 18
                                    

KAKAIBA LALO ang pakiramdam ko habang papalapit ang kotseng minamaneho ko sa bahay namin. Kung noong birthday ni Daddy, parang bisita na ang turing ko sa pagpunta sa bahay namin, ngayon parang naging estranghero na akong tuluyan.

Nang umibis ako ng sasakyan pagkatapos maitabi sa labas ng gate, alam kong may nagbago. Pero hindi ang dinaanan ko sa subdivision namin, hindi rin ang malaking bahay namin o ang mga magulang ko ang nagbago.

Ako mismo.

Dahil ngayon alam ko na kung sino ako at tanggap ko na sa sarili ang tunay kong pagkatao. Habang tinitingnan ko ngayon ang bahay, hindi ko na maramdamang kabilang ako sa pamilyang nakatira sa loob. Sure it was the house that I grew up, but that version of Niko that hid himself inside the closet was already gone the day he met Dom sniffing his undies.

“Niko…” abot-tainga ang ngiti ni Daddy pagpasok ko sa loob ng bahay. Nasa sala silang tatlo, magkatabi sina Cherryl at Jim sa mahabang sofa at sa pang-isahan naman si Daddy. “Kanina ka pa namin hinihintay, anak.”

Hindi ko kayang ngumiti kaya blankong ekspresyon ang ipinakita ko sa kanila hanggang makalapit. “Nasaan si Mommy?”

Inokupa ko ang isa pang single na upuan sa may kanan ni Daddy kahit umisod si Jim para lagyan ng espasyo sa gitna nila ni Cherryl. Tumingin ako kay Cherryl pero umiwas siya sa akin at paglipat ng mata ko kay Jim, tinagayan niya ng alak ang isang baso at nilagyan ng yelo saka iniabot sa akin. “Inom ka muna pinsan.”

Habang nasa kotse kanina napagpasyahan kong mas makabubuti sa ngayon ang huwag gumawa ng eskandalo sa harapan ng Daddy ko kaya tinanggap ko ang tagay at pinilit na ngumiti kahit hindi iyon ang gusto kong ibigay kay Jim.

“Nasa kusina at tinitingnan ang niluluto na ating pagsasaluhan maya-maya,” tugon ni Daddy na nagniningning ang mga mata at masaya ang aura ng buong mukha.

Tumango ako at dahil wala akong balak inumin ang tagay, hinawakan ko lang ang baso sa dalawang kamay habang nakapatong ang mga siko sa taas ng aking mga hita. Halos paubos na ang laman ng bote ng alak na nakapatong sa center table at base sa medyo namumulang pisngi ni Daddy at leeg ni Jim, mukhang kanina pa nila inuutay-utay ang inumin.

Nanatili akong tahimik at halos dasalan ko na ang sarili na magpakakalma. Nakatingin lang ako sa papatunaw na yelong lumulutang sa alak nang basagin ni Daddy ang katahimikan ko.

“Gaya nga ng nasabi ko sa iyo Niko kanina sa telepono, nandito si Cherryl para ipaalam sa amin ng Mommy mo na buntis siya at ikaw ang ama ng dinadala niya.”

Parang nagpanting ang tenga ko sa huling sinabi ni Daddy. Parang mawawalan na ako ng kontrol sa sarili at gusto kong pahindian na kaagad ang paniniwala niya kundi lang mabilis na sumabad si Jim. “Hindi naman po nakapagtataka at ang dalawa pong ito ay malikot sa aparato lalo na’t kapag silang dalawa lang ang nasa boarding house.”

Tumawa ng bahagya si Jim na sinabayan din naman ni Daddy na proud na proud sa ganoong usapan kung saan niya napapatunayang lalaki ako at hindi katulad ni Kuya Clarence. Tumingin si Jim sa screen ng kaniyang cellphone saka itinagilid ito ng bahagya para ipakita sa akin ang kasalukuyang naka-flash sa screen. Kahit ilang piye ang layo ko sa kaniya, alam kong ang picture na kuha niya sa aming dalawa ni Dom ang kasalukuyang naroon.

The manipulative asshole is blackmailing me in front of my father and I was suddenly felt hopeless that I cannot do anything about it. Not now, not yet.

“Gusto ko munang matapos ang graduation ko bago ang kasal,” walang paligoy-ligoy na sabi ko. Kung nagkataong manipis ang baso baka nabasag na ito sa paghigpit ng hawak ko sa kamay.

“Kilala ko ang Tito ko, Niko. Hindi iyon papayag na lumobo ang tiyan ni Cherryl nang hindi kayo naikakasal.” Kahit ako ang kinakausap niya, sa Daddy ko nakatingin si Jim.

Sumang-ayon naman si Daddy. “Hindi rin ako papayag ng ganoon at ayaw kong pagdating ng panahon magtatanong ang apo ko sa akin kung bakit sa letrato ng kasal ng parents niya ay bakit malaki na ang tiyan ng Mommy niya.”

Huminga ako ng malalim. “Ikaw Cherryl, anong gusto mo?” saka pa lamng napilitang tumingin sa akin si Cherryl. Bakas ang pag-alala sa kaniyang mukha sa bahagyang pamumula ng pisngi. Guilty siya at hindi naman talaga ako ang ama ng ipinagbubuntis niya. Marahil kung sinong lalaking kinalantari niya noong nag-cool off kami.

“Papatayin ako ng Daddy ko kapag nalaman niyang buntis ako,” nagpahid ito ng luha sa mata kahit wala namang natulo. How melodramatic. Great actress indeed. “I want you to marry me Babe as soon as possible.”

Daddy leaned forward and sets his glass on the table. “Sang-ayon ako diyan at wala namang problema kung madaliin man natin ang kasal ninyo ni Cherryl anak. May plano na naman tayo dati na right after your graduation, magpapakasal na kayo ni Cherryl.”

I felt the lump forming in my throat. Plano ninyo iyan Dad, hindi ako kasali.

Repositioning himself to sit on the edge of the chair, Daddy faced me and forcing a strong eye contact between us. “Isa pa, ayoko ding magkaroon na kaagad ng gap sa pagitan namin ng magiging balae ko kaya ang mabuti pa, sasamahan na natin si Cherryl magsabi sa mga magulang niya tungkol sa kaniyang pagbubuntis para malaman nilang handa kang panagutan ang magandang nangyari at ituloy na sa pamamanhikan.”

Wala na akong nagawa kundi ang tumango nang tumingin sa akin si Jim while his thumb and index finger touching the screen of his cellphone alternately zooming in and zooming out the scandal picture.

Fuck you, Jim. May araw ka rin.

Nakinig na lang ako sa mga sumunod na usapan nila maging hanggang sa munting salu-salong inihanda ni Mommy. Tumango na lang ako nang itakda nila ang pagpunta kina Cherryl para mamanhikan tomorrow night at wala na akong balak pang kumontra para matapos na ang usapan at makaalis na ako sa bahay namin. At ng sa wakas matapos na ang lahat, nagpaalam na akong mauuna nang aalis. Sinabihan naman ako ni Daddy na isabay ko na sa pag-uwi sina Cherryl at Jim na tinanguan ko na rin lang.

Nanatili akong tahimik sa buong biyahe pag-uwi dahil alam kong para akong bulkang sasabog sa galit once magsalita ako at dumipensa isa man kina Jim at Cherryl. Baka maisipan kong ilaglag sa bangin ang kotse o ibangga sa poste pagkatapos kong tumalon palabas para matapos na kahibangan nilang ito.

Gusto kong wasakin ang mukha ni Jim na nakaupo sa pasenger’s seat, habang hawak ang cellphone na sinasadyang ikiling para makita ko ang picture namin ni Dom sa sulok ng isang mata ko habang nakikipagkwentuhan siya kay Cherryl.

Nang maihatid na namin si Cherryl sa dorm niya at makabalik na kami ni Jim sa boarding house saka lang ako nakahinga ng maluwag. Naisipan ko na ring kumuha ng iba pang damit ko sa kwarto at dalhin sa apartment ni Kuya Clarence. Naiayos ko na sa bag ang mga dadalhin, nakapagpalit na ako ng malinis na damit at nagawa ko na ang iba pang kinakailangan nang mapansin ko ang isang magazine sa may bandang ulunan ng aking kama.

Holy shit. BBakit may gay porn magazine sa kama ko?

 //Fuel my passion to keep me writing with your Votes and Comments on every parts...tc

Niko & Dom - A Bedspacers Romance (SSPG - COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon