Chapter 30.1

13.4K 235 25
                                    

WE'LL GET through with this Baby.

Iyon ang umaalingawngaw sa isip ko habang hawak ni Niko ang aking kamay papasok ng apartment. Pagkasara niya ng pinto, tumingin siya sa mga mata ko. Ramdam ko sa mga kamay niya ang bahagyang panginginig bunsod ng pag-aalala na pilit niyang itinatago sa akin at ipakitang hindi siya apektado sa pagbabanta ni Cherryl.

Fuck. I was still feeling a little broken sa nangyari sa amin ng Tatay ko at supposed to be kailangan ko si Niko na i-comfort ako sa ngayon. My father just disowned me. Pero isang malaking bagay na nakawala ng pagkadisgusto ko sa nangyari ay ang pag-amin ni Niko na mahal niya ako sa harapan ni Cherryl. Isang bagay na hinding-hindi nagawa ni Cedric at walang balak gawin. Tapos na ang eksena ko habang ang kaniya is like a disaster waiting to happen.

Later.

Now it's about him and no longer about me. Niko needs me now more than ever. Humarap ako sa kaniya, wrapping my arm around his waist pulling him closer. "Okay ka lang Bey?"

"That's cute," sabi niyang pilit na ngumiti na ang tinutukoy ay ang pag-shortcut ko sa tawagan namin. Ayoko ng Babe dahil iyon ang tawag sa kaniya ni Cherryl. "Bey."

Lalo pa lang cute pakinggan when he said it. Feels like heaven in my ears.

"Kung ang iniisip mo ay ang tungkol sa mamayang gabi," tumingin ako sa kaniyang mga mata, I want him to know I understand how he felt right now, "mas maganda sigurong pumunta ka and do what you have to do. Okay lang sa akin na itago mo muna iyong tungkol sa akin. Sa atin."

Umiling si Niko. "No. I told you I'm not Cedric. Sabihin na ni Cherryl sa mga parents ko ang gusto niyang sabihin but I won't let her win against me... against us."

"Anong sasabihin mo sa kanila tungkol sa akin?"

Natigilan si Niko, maybe he thought about what happened to Kuya Clarence before and the future that lies ahead once he go against his parents. "Basta hindi kita itatanggi, Dom. Tandaan mo iyan."

"Kung hindi mo masabi ngayon sa akin, paano mo pa masasabi ang nasa isip mo kapag kaharap na sila?" I tried to sound low but I can't help the fear of the possibility of him denying me in front of his family overpowered me, eating my heart out making my voice edgy.

Nagtungo ako sa kusina, kimuha ang pitsel at nagbuhos ng tubig sa baso. He followed me and stand himself beside the kitchen counter. Pilit kong pinipigilan ang panginginig ng kamay nang itaas ang baso para uminom. Oh God, I shouldn't be like this. Ngayon ako higit na kailangan ni Niko.

"Huwag mo akong ikumpara kay Cedric, Bey."

"Hindi kita ikinukumpara-"

"Kung hindi, bakit ramdam ko sa boses mo ang pag-aalinlangan?" Kinuha niya ang mga kamay ko, marahang pinisil. "Maniwala ka, ipaglalaban kita. It's just that..."

"It's just what? Sabihin mo sa akin."

"Natatakot ako."

"Na itaboy ka din nila gaya ng nangyari sa Kuya Clarence mo?"

Umiling siya. "Expected ko ng mangyayari iyon the day they will finally know I am gay even before you walk into my life. Ang ikinatatakot ko lang kapag itinakwil na nila ako, maybe I couldn't be good to you anymore. Tinalikuran mo ang Tatay mo kanina because I assured you the moment you walked away from them, ako ang bahala sa iyo, na sagot kita."

I cupped his jaw between my palms, his hands followed touching the back of my hands. "Don't ever think that way, Bey. Whatever happens, always remember ikaw lang, devoid of all the material things in life except your love, sapat na sa akin."

"I could be penniless if they kick me out."

"Money is not everything. Your parents may have the money but they will remain poor for throwing away the two priceless gifts given to them by God and that is you and your brother. Their lost will be my gain, for I will have you to complete me."

Niko & Dom - A Bedspacers Romance (SSPG - COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon