Chapter 29.1

10.2K 222 13
                                    

NIKO REMAINED silent and I felt that as if he wanted to say something. But he found himself ironically incapable of speech.

Alam ko ang impact sa kaniya ng komprontasyong ito. Kapag umamin siya na may namamagitan sa amin kahit hindi formal, Cherryl might out him to his parents immediately. Kung ide-deny naman niya ako, wala na siyang ipinagkaiba kay Cedric. I was already emotionally drained talking to my family a while back and this situation made the overall weighted feeling worst. I saw Niko’s adam’s apple moves as he swallowed several times.

God, I love him at ako ang nahihirapan para sa kaniya. Walang sinoman ang may karapatan na i-out siya nang hindi pa siya handa because that would be hell at ayokong maranasan niya ang ganoon. I want to hold his hand and squeeze it lightly so I can give him a clue that it’s okay at this time to deny me pero lalo lang lalala ang sitwasyon kapag nakita ni Cherryl so I decided na ako na lang ang kukuha ng patalim na isasaksak ko sa aking dibdib.

“N-nakisabay lang kasi ako sa kaniya Cherryl pauwi ng boarding house. K-kaya lang… may dadaanan pa siya dito sa apartment ng kapatid niya kaya kami dumaan dito.” Binalewala ko ang matalim niyang dila as the way she addressed me.

Nagtungo ako ng ulo, pakiramdam ko pinipiga ang aking leeg. Hindi ako tumingin kay Niko pero ramdam ko ang mga mata niyang nakatitig sa akin.

“Naku Babe, kaya lang kita sinundan dito kasi gusto kong sabihin sa iyo na na-inform ko na ang mga parents ko tungkol sa mamayang gabi,” narinig kong sabi ni Cherryl.

Ayoko silang tingnan dahil pakiramdam ko lalong maninikip ang dibdib ko sa pagkapit ni Cherryl na parang linta sa kaniyang braso. Habang nakapako ang tingin ko sa balat ng kendi at tuyong dahon sa aking paanan na gusto kong sipain, naintriga ako sa sinabi ni Cherryl.

“Kaya ini-expect na kayo ng parents ko around eight in the evening. At kagaya ng napagkasunduan natin kahapon kasama ng parents mo, hindi ko pa sinabi sa mga magulang ko na buntis ako.”

Her last words made me automatically look at her. Parang sinabugan ng bomba ang aking kinatatayuan na nanlaki ang mga mata ko. “Buntis ka?”

Hinigpitan lalo ni Cherryl ang pagkapit kay Niko. “Oo at mamayang gabi, mamamanhikan na sina Niko kasama ang parents niya to set the date of our wedding na mas mapapaaga compared to the initial plan na right after my Babe’s graduation.”

Niko locking his eyes with mine finally find his tongue. “I was trying to tell you about that Dom last night… and today pero hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon-”

“And why the hell you need to explain with this faggot?” Cherryl voice had risen in total disbelief.

That question muted again Niko and apparently immobile.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na patulan ang matalim na dila ni Cherryl. “Are you sure you’re pregnant?”

“What it is to you if I were?”

My brows drew closer and my face tightened as I answered her with a follow up question. “So ilang linggo ka ng buntis?”

Her fingers loosen their grip on Niko’s bicep and suddenly her face whiten as if I caught her off-guard with the question. “I don’t need to answer to you. Sino ka ba para tanungin ako ng ganyan?”

Kita kong tinanggal ni Niko ang pagkakahawak ni Cherryl sa braso niya saka humarap sa babae. “Then you need to answer to me.”

Bigla ang pagbawi ng facial expression ni Cherryl, from a wild cat ready to scratch my face, naging maamo at naglalanding pusa. “Anak mo itong dinadala ko, Babe.”

Nakakita ako ng pagkakaton na sumingit. “Why don’t you just answer the question, bitch?” binigyang-diin ko ang huling salata.

Binalingan ako ng tingin ni Cherryl over Niko’s shoulder. “Anong sinabi mo bakla?”

So inulit ko nga. “Just answer the fvcking question… bitch.”

Humawak siya sa mga braso ni Niko pero mabilis itong nakaatras. “Babe, ipagtanggol mo ako sa kaniya. Masama sa kalagayan ng baby natin ang ma-pressure ako.”

“Bakit kasi hindi ka makasagot?” Umiling si Niko at nagtagis ang mga bagang. “Ilang linggo na nga ba ang dinadala mo?”

Averting her gaze to Niko’s shoulder, she finally answered. “F-five weeks…”

Mabilis akong nagkwenta sa aking isip despite feeling a slight heaviness in my stomach “That was during the time na nag-break kayo ni Niko,” sabad ko.

Uminit ang ulo ko sa realisasyong pinipikot niya si Niko. My God, after her cousin Jim blackmailed Niko, siya naman ngayon ang pumaparaan.

“Hindi kami nag-break ni Niko,” halos pasigaw ng sabi sa akin ni Cherryl. Humakbang ito palapit sa akin pero napigilan ni Niko nang humarang sa harapan ko.

“We did,” malamig na sabi sa kaniya ni Niko.

Running out of words to tell us, yumakap siya kay Niko tucnking her chin above his left shoulder. “Ikaw ang ama nito Babe, I swear.”

Niko pulled her out of his torso. “No Cherryl, alam mong hindi ako dahil kahit minsan we never did unprotected sex.”

Tumingin sa akin si Cherryl and trying to divert the topic away from her, she touched her flat stomach and asked, “Kaya mo ba itinatanggi ang anak mo because of him?”

Fuck! May alam siya base sa mga tingin niya sa akin.

Hindi sumagot si Niko kaya ako ang sumalo sa kaniya. This bitch won’t stop bugging him to come out and I won’t let that happen. “What the fuck are you talking about, Cherryl?” Tumingin ako kay Niko, he opened his mouth then closed again. “Hindi na lang ako sasabay sa iyo Niko, kaya ko ng umuwing mag-isa sa boarding house.”

Cherryl smiled. “You should have done that the moment you saw me, you fantasizing pervert. Get lost. Anoman ang pinag-uusapan namin ng Babe ko is none of your damn business.”

Chill. Dom. Chill.

Tumalikod ako. Parang plastic bag na binubuhusan ng ganta-gantang bigas ang dibdib ko sa bawat paghakbang ng aking mga paa. My hands balled into fists controlling the emotion gripping my whole body. I need to be strong. I need to do this hanggang handa na si Niko na siya mismo ang mag-out sa sarili.

The realization that I love Niko so much sink in my mind down to my bleeding heart. Hindi kailanman naging ganito ang naramdaman ko kay Cedric. As if kakayanin kong ako na lang ang masaktan kesa makita ko siyang nahihirapan.

Oh God. I love him deeply.

//Fuel my passion to keep me writing with your Votes and Comments on every parts...tc

Niko & Dom - A Bedspacers Romance (SSPG - COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon