Chapter 23.3

12.4K 201 22
                                    

More than thirty minutes later, nasa loob na ako ng mismong bahay nina Tiya. Naabutan ko siya sa dining table at subsob ang focus sa preparasyon ng kaniyang lesson plan. Pagkaupo ko sa katapat na bangko saka lang niya napansin ang aking presensiya.

Ibinaba niya ang reading glasses na nakakwintas sa kaniya. Hinawi ang buhok na nalaglag sa kaniyang pisngi na sumama sa salamin saka isinukbit sa taas ng tainga. Babaeng version siya ng Tatay ko. Manipis na labi, matangos na ilong at may kakapalang kilay.

“Hindi ko alam kung paano ako sasabihin sa iyo ito Dom.”

“Okay lang Tiya, diretsahin mo na lang,” balot ng pag-aalala ang aking boses.

“Nakarating sa akin ang nangyari kagabi sa inyo ni Jim. Nagreklamo siya at ilan sa mga bedspacers tungkol sa iyo. Hindi raw sila kampanteng makasama ka sa boarding house lalo na sa common CR.”

Napasinghal ako. Ramdam kong nagsimulang nanulay ang galit sa aking dibdib. “Iniisip ba nila na dahil ganito ako, dadakmain ko na lang mga pagkalalaki nila ng basta-basta? Na wala na akong ibang iisipin kundi ang pagnasaan ko ang mga katawan nila? Ganyan ba ang tingin nila sa mga kagaya namin? Ganyan ba ang tingin mo sa akin Tiya?” nanikip bigla ang aking dibdib.

Parang nag-panic naman si Tiya sa reaksiyon ko. “Dom huwag mong sabihin iyan. Hindi ako naging ibang tao sa iyo. Nang mamatay ang nanay mo ako na ang naging pangalawa mong ina. May mga bagay lang siguro na mahirap talagang basta-basta tanggapin na lang lalo na ng mga relihiyosong taong kagaya ko at ng tatay mo. Mga bagay gaya ng kung ano ka at kung anong buhay ang pinili mo. Don’t get me wrong. Pamangkin kita, parang anak na ang turing ko sa iyo. It’s just that there are things na kailangan ng sapat na panahon para tuluyang matanggap, kailangan ng mahabang exposure para masanay and I am not closing my door for that time to come.”

“Pinaaalis mo na ba ako Tiya?” dumagundong ang dibdib ko sa maari niyang isagot.

“Dom, gusto kong umuwi ka muna bukas sa inyo para mag-usap kayo ng Tatay mo. Then we’ll see what we can do about this when you get back.”

I nodded helplessly because there are no other options to take.

She took a deep breathe then gave her foreseeable plan indirectly. “But don’t let your hopes up. You see, lately nagkukulang na ang padala ng Tito mo at ang renta ng mga bedspacers ay naging importante na rin sa akin para sa mga gastusin dito.”

God I know where this is headed. Nagpapasok ng pera sa kaniya sina Jim at kung sino man ang mga naengganyo niyang kasamahan nila na nagreklamo samantalang ako excess baggage kay Tiya at pinagkakagastusan pa niya. Maliwanag kung sino ang pipiliin ni Tiya kung sakali.

Oh God, kung paalisin ako ni Tiya, ibig sabihin matitigil na rin ako sa pag-aaral. Imposible namang suportahan ako ni tatay lalo na ngayong nalaman niyang may ginawa akong hindi maganda para ikagalit niya.

Isinuot ulit ni Tiya ang salamin saka ibinalik ang atensiyon sa ginagawa hudyat na tapos na ang aming pag-uusap. “Mag-usap na lang tayo ulit pagbalik mo. Naipangako ko sa tatay mo na uuwi ka bukas ng umaga,” narinig kong sabi niya habang papalabas ako ng kusina.

Para akong wala sa sarili na lumabas sa pintong nagdudugtong sa bahay nina Tiya at sa hallway ng boarding house. Pumasok ako sa aming silid. Wala si Jeff na kahit papaano’y mapaglalabasan ko sana ng bigat ng damdamin. Gusto ko tuloy magsisi kung bakit hindi ako pumayag na samahan ako ni Niko.

Umupo ako sa gilid ng aking kama pagkatapos magpalit ng damit-pambahay. I don’t know if I am over thinking things pero iniisip ko na pag-uwi ko bukas hindi na ako makakabalik pa. Hindi ko na matatapos ang kurso kong Electrical Engineering. Magiging alalay na lang ako ni Tatay sa mga nagpapagawa sa kaniyang sirang tubo at nagpapalagay ng mga deepwell pumps na customer. Malamang hindi na rin kami magkita ni Niko. Pakiramdam ko gumuguho ang aking mga pangarap at lumalabo ang tingin ko sa aking kinabukasan.

Lumabas ako ng silid para magtungo sa CR at maghilamos. I was so caught up of my own emotions that I was not able to see them blocking my way.

“Saan ka pupunta?” mabalasik ang tinig ni Jim nang magsalita. Nasa likuran ang dalawa pang room mate nila ni Niko na mas maliit lang ng bahagya ang pangangatawan sa gym-buff build niya.

“Pupunta ng CR. May problema ba?” matigas kong pagkakasabi. Kung nandito lang si Niko marahil binatukan na niya ako para lunukin ang mga sinabi ko sa kaniya na mag-isip at huwag magpa-dalos-dalos.

“Hindi pwede. Panlalaki lang ang CR sa labas, hindi pwede sa nanlalalaki. No fags allowed. So back-off,” sabi niya na kung nakamamatay ang titig baka tumumba na ako at nakitlan ng buhay.

Ramdam ko na ngayon ang galit ni Niko kanina. Dahil ako na ngayon ang direktang apektado ng kagaguhan ni Jim. Sorry Niko, sabi ko sa sarili. Naghalo-halo na ang inis ko kay Jim, ang ginawa niyang pamba-blackmail kay Niko, ang pakikialam niya sa amin at ngayon ang napipintong pagkasira ng aking kinabukasan.

Humakabang siya palapit sa akin, isang ruler ang layo sa kagustuhang daanin ako sa sindak para umurong at tumakbo palayo. Iyon siguro ang gagawin ko kahapon, ganoon din siguro kaninang umaga, pero ngayon, hindi alam ni Jim na nag-transform ako within the span of several hours dahil sa kagagawan niya. Hindi lang din sa kaniya kundi sa lahat ng naging galit na kinimkim ko sa aking sarili, galit na idinulot ng pambabalewala ni Tatay, ng panggagamit ni Cedric at paglalaro niya sa aking damdamin. Galit na ramdam kong umipon parang bola na lumabas sa aking dibdib at dumaloy sa aking mga ugat at nagpakuyom sa aking kamao na dumapo sa mukha ni Jim at nagpahandusay sa kaniya sa sahig.

I caught him off-guard so he was horrified and his face was instanly filled with insurmountable fury. Hinawakan niya ang bibig na dumugo ang pumutok na pang-ibabang labi saka sumubok na tumayo. Nilusob ko siya para muling suntukin pero nahawakan na ako ng dalawa niyang kasamahan sa magkabilang braso.

Tumayo siya at tatlong magkakasunod sa suntok ang pinadapo sa aking tiyan. Siguro sa bigat ng nararamdaman ko kaya sa ikaanim ng tama ng kamao niya sa katawan ko saka ko lang naramdaman ang sakit at ang mga sumunod ay nakapagpadugo na sa aking bibig. Napayuko ang aking ulo pero hindi ako humikbi, pinigil kong mapadaing sa sakit. Hindi ako magmamakaawa kay Jim na tumigil siya, I won’t give him the pleasure and the satisfaction he wanted.

May isang bedspacer ang lumabas ng kwarto sa komosyong narinig at sumigaw ng “Tama na iyan!” na nagpatigil kay Jim at bumitaw ang dalawa pa sa pagkakahawak sa mga braso ko. Napahandusay ako sa sahig. Pumatak sa semento ang dugo mula sa gilid ng aking bibig.

“Tayo,” utos ni Jim saka itinaas ang kamay para iharang sa dalawang kasama. “Hayaan niyo kami. Laban namin ito.”

Pinilit kong tumayo kahit ramdam kong parang pinipilipit sa sakit ang aking sikmura. Nagtataka ako nang humakbang siya ng isa palapit sa akin, tumayo ng diretso na nasa gilid ang mga kamay at parang ipinain ng kusa ang kaniyang sarili.

Huli na nang malaman ko ang kaniyang motibo. Nasuntok ko na siya at bumalandra sa sahig nang marinig ko ang tinig ni Tiya.

“Dom, anong ibig sabihin nito?”

Hawak ang panga na inunahan akong magsalita ni Jim. “Nilusob po niya ako saka sinutok. Kita niyo naman po ang nangyari,” parang hindi makapatay-langgam sa bait ang tinig niyang sabi.

“Hindi ko inaasahang magagawa mo ang ganito Dom. Maganda pa siguro ngayon ka na umuwi sa inyo,” sabi ni Tiya na parang hindi na mababali pa ang sinabi.

Shit! Kasalanan ko pa ngayon.

Nang tingnan ko si Jim, kita ko ang mala-demonyo pero mumunting ngiti ng tagumpay sa kaniyang mga labi.

 //Fuel my passion to keep me writing with your Votes and Comments on every parts...tc

Niko & Dom - A Bedspacers Romance (SSPG - COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon