Chapter 32.1

10.3K 181 2
                                    

AUTHOR'S NOTE: THIS IS UNEDITED VERSION. I will finish this story before I temporarily stop writing due to some circumstances I don't have any control of. By now everything is in HİATUS.

*************

I TRIED TO STOP the shakiness in my knees as I saw the pale-stricken face of Dom. “We better get dressed,” I told him which we did as fast as we can.

Oh God. Hindi sa ganitong pagkakataon ko inisip kung paano malalaman ni Daddy at Mommy ang tungkol sa akin. Hindi rin sa ganito nila makikilala si Dom. But life sometimes sucks and you were subjected to extreme scenarios pushing to you to the edge to test your limits. Then you have to make a choice on how to react with the ill situation and you were not even given enough time to weigh things up so that everything will be at it’s best at the end.

Hinawakan ko ang mga kamay ni Dom saka marahang pinisil. Ramdam kong kahit anong assurance ko sa kaniya lately na hindi ko siya itatanggi kahit kanino, the look in his eyes and the slight trembling from his hands are telling me he was recollecting the past. His past from Cedric kung saan itinanggi siya sa kaniyang mga magulang. 

“Hey, relax,” sabi ko sa kaniya. Walang tigil ang kalampag ng pintuan. “We’ll get through with this. Just remember, I love you.”

Tumango siya. His eyes flickering with the tears starting to form in his eyes. “I love you too,” huminga siya ng malalim. “I’m scared for us.”

He just voiced out what I also felt in my heart. “Don’t be.”

“Bey, this is so stressful to you.”

Pinilit kong ngumiti para makahuguot ng lakas para sa aking sarili. “As long as you’re here with me, we’ll fix things up. Ngayon bago tuluyang mawasak ang pinto, bubuksan ko na pero gusto ko ipangako mo na manatili ka sa likod ko. I would not let any blow from my father to strike you. Okay?”

Humigpit ang hawak niya sa kamay ko saka tumango. Nasa likuran ko siya nang lumapit kami sa pintuan, magkahawak ang aming mga kaliwang kamay. Parang tinatambol ang dibdib ko sa pinipigilang kaba nang hawakan ko ang doorknob.

“Huminahon ka,” narinig kong sabi ni Mommy kay Daddy. “Walang mangyayari kung idadaan mo ito sa init ng ulo. Huwag tayong gumawa ng eskandalo dito. Kausapin natin ng masinsinan ang anak mo.”

“Kita mong ayaw nga niyang buksan!”

“Sino ang magbubukas ng basta-basta para salubungin ang galit mo?”

Biglang tumigil ang pagbayo sa pinto. Maraming segundo bago ko muling narinig magsalita si Daddy. “Kanino bang bahay ito?”

Ako ng kinabahan para kay Mommy. “Kay Clarence,” ramdam ko ang hesitation sa boses niya.

Lalong tumaas ang boses ni Daddy nang magsalita. “Bakit nandito si Niko sa bahay ni Clarence? Alam mo ba ang tungkol dito?” Wala akong sagot na narinig kay Mommy. “Sinuway niya ang utos ko pagkatapos kinunsinti mo.”

“Kailangan lang maliwanagan ng anak mo. Huwag nating gawin sa kaniya ang kagaya ng nangyari kay Clarence. Imbes na gawin ang lahat para matulungan, itinaboy natin siya.”

Narinig kong nagsimulang umiyak si Mommy. I felt my heart starting to tear into pieces. I still love her kahit most of the time sunod-sunuran siya sa dominanteng father ko. Alam kong mahal niya kami ni Kuya Clarence, hindi lang niya alam kung saan huhugot ng lakas ng loob to stand up against my father. Hearing her like this is a big leap towards her passive traits. Dahil alam niyang walang masama kung kinunsinti man niya ako dahil sa ganoong paraan din naiibsan ang guilt feeling sa puso niya for the last three years na hinayaan niyang palayasin ni Daddy ang aking kapatid.

Niko & Dom - A Bedspacers Romance (SSPG - COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon