Chapter 19.4

14K 222 28
                                    

“Tumawag nga pala sa akin ang father mo, hindi ka raw kasi niya makontak,” pagkuwa’y sabi ni Jim. The badass sounded as if we’re just in a middle of a casual conversation.

Hindi nga ako makokontak ni Daddy at pinatay ko ang cellphone ko kanina at sunod-sunod ang mga text ni Cherryl habang nagka-klase. Puro mga hate messages at nairita na ang professor namin sa kakatunog ng phone ko habang nasa kalagitanaa ng discussion. Hanggang ngayon nakalimutan kong buhayin.

“Better call your Dad unless you want me to call him and tell the good news.”

Tumingin ako sa kaniya, kung nakamamatay lang ang titig siguradong wala pang isang segundo patay na siya. “What do you want from me Jim?”

He smiled rubbing his palms in-front of him. “Nakausap ko ang Daddy mo. Niyaya niya akong mag-attend ng birthday party niya this coming Sunday. Siyempre hindi ako tumanggi at sinabi ko rin na kasama ko si Cherryl na labis niyang ikinatuwa.”

Umiling ako. “Are you nuts? Nakipag-break na ako sa pinsan mo kaya hindi na siya pwedeng sumama sa amin.”

“Sinong nagsabing break na kayo?”

“Bingi ka ba? Kasasabi ko lang.”

“Well, hindi pa kayo break. Truth is she’s just waiting for my signal to come with us here. Sabi ko lang may pag-uusapan pa tayo and what you did earlier is just nothing but a prank,” sabi niyang sinundan ng ipit na pagtawa.

“Jesus! I can’t believe this.” Napatutop ako sa aking noo as I felt a slight painful pulse tingling inside my head.

“You better start believing, Niko. Maliit na bagay lang ito in order to keep my mouth shut and the picture from appearing everywhere.”

Fuck! Talo na ako. I don’t have any other choice.

“One more thing, for your own good, stay away from Dom.”

Jim is not even my father or my ex-girlfriend but he’s acting more like one. I feel so powerless, a feeling that no one would wanted to be into. “If I do my part of this bargain, how can I be sure I can trust you?”

Nagkibit-balikat lang si Jim. At that instant I was imagining strangling his neck until he’s breathless. “As if you have any other choice to take.”

Trying my luck to put some sense inside his nutty brain I said, “We may not be best buds, Jim but I consider you as a friend,” Maybe he would soften his heart a bit and would have second thoughts about this and changed his mind. “You don’t have to force me doing this.”

Tumalikod siya. “You’ve got yourself already a deal. I’ll tell Cherryl to come over.”

“Shit Jim,” napalakas na ulit ang boses ko. “Why the hell are you doing this to me?”

Pero hindi ako pinansin ni Jim. He just walk away.

Bakit ganoon? Kung kelan gusto kong gawin ang tama para sa amin ni Dom saka naman pumipigil ang tadhana? Tama ba si Mommy sa pananaw niya na never akong magiging masaya kagaya ni Kuya Clarence kung ito ang buhay na pipiliin ko?

Nang makita kong nakangiting palapit si Cherryl, may bumulong sa isip ko: It’s show time!

//Sa Likes at Votes nyo masaya na ako. Pag nag-comment pa kayo baka mapatalon na ako...

Niko & Dom - A Bedspacers Romance (SSPG - COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon