Chapter 12

23.5K 307 38
                                    

HINDI KO inaasahan na within a few hours magkakaroon ng transition ang nararamdaman ko. Mula masaya dahil sa nangyari sa amin ni Dom kagabi, naging kabado ng bahagya sa attempt kong klaruhin kay Cherryl ang status ng relasyon namin. Balik ulit sa masaya sa pagpayag ni Dom na makipag-meet sa akin for lunch. Nauwi sa pag-aalala kay Kuya Clarence. Pagkainis kay Brix. Nakaramdam naman ng lungkot sa pag-cancel ko sa lunch namin ni Dom. Pagkainis sa sarili ko sa hindi ko pagpayag sa alok ni Dom na samahan ako. Pagkabugnot ko sa kakatwang ikinikilos ni Jim.

At ngayon habang binabaybay ko ang hallway ng ospital papunta sa silid ni Kuya Clarence, ramdam kong parang ang bigat ng ulo ko. Naghahalo-halo na ang mga nasa isip ko. For so many years, ngayon lang ako nagkaganito. Biglang nabulabog ang dating manageable kong mundo.

And it’s because of Dom.

“Hey, pasok!” anyaya ni Kuya Clarence. Hindi ko pala namalayan na ilang segundo na akong nakatayo sa may pinto ng kaniyang silid.

Umupo siya sa kama, nahila ang nakatusok sa kaliwang kamay na hose ng dextrose na nakasabit sa isang metal na posteng de-gulong at paapubos na ang laman. Ahit ng bahagya ang buhok sa taas ng kanang noo na nakabenda.

Lumapit ako sa gilid ng kama, tinanggal ang backpack bag sa aking balikat saka ipinatong sa isang couch na nakadikit sa dingding. “Kumusta ka na?” tanong ko sa kawalan ng sasabihin.

“Okay na ako.”

“Ano ba kasing nangyari?”

Imbes na sumagot, kinuha niya sa ilalin ng unan ang wallet niya saka kinuha sa loob ang ATM card at inabot sa akin. “You know the pin,” sabi niya.

Of course I know the pin. Hindi naman ito ang unang beses na ipinagwidro ko siya para ilabas ng ospital. “Jesus! Anong ginagawa mo sa sarili mo Kuya? Look at you. Guwapo ka, may magandang trabaho. I don’t understand why you opted to settle for less? Okay sana kung mabait ang lalaking iyon pero itong ganito. Fuck!”

Lumungkot ang mukha niya na parang maiiyak. “Hindi mo talaga ako maiintindihan because you are not in my shoes. You have everything around you Nik. You have your parents-”

“Stop this crap. They are also your parents!” I said cutting him off.

“OO. Bago ko sinabi sa kanilang bakla ako. Pero pagkatapos noon I am only on my own. Kahit hindi ko maintindihan na anak nila ako pero bakit nagawa nila akong tiisin. Pinalayas nila ako dahil ayaw nila sa kung ano ako. I didn’t make myself like this neither did they. They want me to be cured and change me. But I’m not sick and there’s nothing to be changed. This is me!”

Natigilan ako. That time three years ago before he outed himself to our parents, that exact time I realized where I am actually now. About to burst and longing to come out and become the real me. And now more than ever, it is scaring the shit out of me.

Iniisod ko ang backpack sa kaliwa saka ako umupo sa couch. Parang akong nanghihina. Tumingin ako sa mga mata niyang puno pa rin ng hinanakit all these years. “Naiintindihan kita Kuya.”

Umiling si Kuya Clarence, nalaglag ang highlighted light brown na bangs ng buhok niya sa gasa sa kaniyang noo. “Paano mo ako maiintindihan when you are as straight as a galvanized pole?”

Because I am like you but not strong enough to face it!

“Paano mo maiintindihan Nik when you have people around you to cling on when you have problems when I only have Brix who accepted me and loved me for who I am?”

Bumalik na naman ang inis ko nang marinig ko ang pangalan ni Brix. “Kung mahal ka niya hindi ka niya sasaktan. Kung mahal ka niya bakit ka nasa ospital ngayon? Bakit wala siya dito sa tabi mo?”

Niko & Dom - A Bedspacers Romance (SSPG - COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon