Epilogue

351 16 8
                                    

"NAUNA na ako. Iyon kasing anak mong 'yon, napakabagal parati kumilos," padaskol kong sabi saka dali-daling ibinaba ang hawak na picnic mat. Sandali ko iyong nilatag saka pagod na umupo.

"Napakalayo naman kasi ng lugar mo!" singhal ko agad. Napahawak pa ako sa paa kong mukhang nagsisimula nang manakit.

"Kasi nga ito ang paboritong lugar ni papa–"

"At dito kami unang nagdate," pagpapatuloy ko sa sinabi ng anak na kararating lang. Nang mailapag nito ang mga dalawang pagkain ay agad ko iyong inasikaso.

"Dito mo unang niyaya sa date si papa," sabi bigla ni Jihan na parang itinatama ang sinabi ko.

"Hoy! Ang papa mo kaya nag-aya sakin!" Mahina kong hinampas ang anak na hindi pa rin tumitigil kakatawa. "Ikaw kaya, diba? Patay na patay ka sakin eh."

"Ma, lumakas hangin ah."

Tumawa na lang ako at saka uminom ng tubig — pagod pa rin ako dahil sa paglalakad. "Si papa mo 'yun, sabi niya oo daw."

Wala na kaming ibang nagawa kundi ang tumawa. At katulad ng nakagawian, dito namin palilipasin ang maghapon. Mabuti na rin na covered ang lugar, free rin kami para mahiga.

"Pa!" Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang biglaang pagbabago ng boses ng anak. Mas naging masigla iyon ngayon.

And he's back with that... again.

Niloloko nito ang sarili niyang masaya siya.

"Graduation na namin sa susunod na linggo at alam mo na. Valedictorian po ako! Gumagawa nga po kami ng speech nitong si mama, actually ilang linggo na rin kaming gumagawa at hindi matapos. Si mama kasi napakaiyakin!"

"Hoy, Jihan narinig ko 'yun!" Hindi na nakipagtalo ang anak kaya mas lalo akong natahimik.

Alam ko ang nararamdaman nito. Alam kong nangungulila na rin ito at hindi nito kailangang magkunwari. Ipikit ko ang mga mata ko, bukod pa kasi sa hindi ko kayang makita ang anak na tuluyang bumigay ay alam kong mahihiya siya panigurado.

"Pa, hindi ko na po ata kaya..."

Nakatalikod ako sa anak habang nakahiga sa dalang picnic mat. Napakagat na lang ako sa labi para sana mapigilan ang paghikbi.

"Palagi na lang po... palagi na lang po kapag aaward-an ako, gusto ko po kayong kasamang umakyat sa stage." Ilang sandali pa, rinig ko na rin ang paghagulgol ng anak. Nanghihina man, pinilit ko nang umupo at daluhan si Jihan.

"Pa, miss na miss na kita. Hindi ko po alam pero dapat po diba, hindi ako masyadong attached sainyo? Bata pa po ako noong umalis kayo papunta sa Dubai tapos nung b-bumalik kayo..." Kitang-kita ko ang pagyukom ng kamao niya. Pansin ko rin ang pagiging kapos nito sa paghinga dahil sa pag-iyak.

"Pa, hindi ko na po alam ulit kung paano. Kung bakit... pinaiintindi naman ni mommy pero wala po akong naintindihan. Pa, I want you here. Lahat na po pinagdasalan kong ibalik ka pero hindi naman nila ako pinagbibigyan!"

Mahigpit kong niyakap ang anak. Pagkatapos noong nangyari, hindi namin ipinaramdam kay Jihan na mag-isa siya. Palagi naming pinaparamdam na mayroon siyang ako, Tita Faye at Tito Andrei pero mahirap naman talagang kumpletuhin ang isang taong may iba pang hinahanap.

Sobrang sakit mawalan ng asawa. Higit pa marahil sa sakit na maiisip ng lahat.

Sobrang sakit din ang mawalan ng anak.

Ang pagkamatay ni Rod ay nagkaroon ng malaking epekto kay Jihan. Yes, he still at his best on academics pero nawala na ang malakas ang loob na si Jihan.

Wala na ang masiyahin at matapang na anak. Nawala na ang lahat ng iyon kasabay rin ng pagkawala ni Rod.

Pero mas lalo ko lang minahal ang anak. Mas lalo kong kailangang maging matatag dahil kung hindi ay paniguradong hindi namin kakayaning dalawa.

Her Awaited AnswerWhere stories live. Discover now