Chapter 6: Forget Me Not

211 9 1
                                    


"KUMILOS ka na dyan, Señorita! Kanina pa nag-aabang si Kuya Kiel mo sa baba. Ihahatid ka niya sa opisina. Siya na rin ang bahala sa'yong maghatid sa kwarto mo roon pati na ang mag-orient," tuloy-tuloy lang ang naging pagsasalita ni mommy. Hindi ito magkamayaw sa kakapabalik-balik at kakabilin. "Siya nga pala! Siguradong nasa opisina na kami bago maglunch kaya sa amin ka sasabay. May mga ipapakilala sa'yo ang daddy mong importante."

Wala ako halos naintindihan pero isa lang ang sigurado ko. Hindi ito basta bastang panaginip.

Nang maimulat ko ang mga mata kanina, umasa akong magulong bahay na ang sasalubong sa akin. Ang palahaw ni Jihan at ang nagmamadaling si Rod dahil late na sa trabaho ang akala ko ay bubulaga sa akin pero hindi.

Paggising ko, andito akong muli sa amin. Kumportable akong nagising sa malambot na kama at malamig na kwarto.

Minamaligno ba ako? O baka tama si mommy! Baka nakadrugs ako ng hindi ko alam!

"Jewel naman..."

"Yes po, mommy. Susunod na po 'ko. Ingat po kayo ni Daddy," sabi ko na lang kahit sobrang naguguluhan pa rin.

Hindi ko rin siguro kailangan pang pilitin ang sarili. Ang mahalaga ngayon, kasama ko si mommy. Pupwede akong makabawi sakanya.

"Mommy..."

"Ano na naman, Jewel?" Hawak na niya ang doorknob sa kwarto ko pero bumaling pa rin ito sa akin. Mukhang naiinis na dahil kitang kita na ang mga guhit sa mukha nito.

"I love you," dagdag ko. Natawa na lang noong tinaas lang ni mommy ang kilay niya at tiningnan ako na para bang sinasapian ako ng maligo saka tuluyang lumabas sa kwarto.

Kung ano man ang nangyayari, sigurado naman akong pumapabor ito sa akin. I'll be grateful, tatanggapin ko ang pagdating ko rito maging ang pag-alis — kahit hindi ko pa wari kung kailan.

"Nakuha mo ba lahat, Je?" Agad-agad kong tinanguan si Kuya Kiel pagkatapos ako nitong mahatid at masabihan sa lahat ng mga kailangan kong gawin. Pati na iyong mga kailangan kong i-accomplish ngayong araw.

Gumawa ng sandamakmak na reports, magpunta sa deliberation meetings ng mga heads. Pagkatapos, kausapin ang kung sinong pupwedeng magtrabaho ng sirang aircon ko sa opisina.

"Kalma ka lang, Kuya. Alam ko na po, salamat."

Sa sinabi kong iyon, hindi na rin siya nqgtagal sa sarili kong opisina kaya madali ko na ring nagawa ang mga dapat kong gawin. Sinimulan ko ang araw sa harap ng laptop na naroon. Mabuti medyo na brief na ako ni Kuya Kiel kaya hindi ako aanga anga ngayon. Tuwing may hindi naman ako nakukuha ay mabilis kong sinesearch sa kung ano anong website o hindi kaya nanonood ako ng kung anong tutorial sa YouTube.

May mga naalala pa akong iilan mula sa pinag-aralan namin ng college pero karamihan naglaho na talaga sa utak ko. Apat na taon ring wala akong ibang iniisip kundi ang panggastos sa bahay maging ang mga kailangan ni Jihan at ng asawa.

Sa naisip ay halos maimukmok ko ang sarili sa mesang kaharap. Gulong gulo na ako sa nangyayari. Natulog na ako, eh. Natanggap ko nang hindi ko na makikita pang muli si mommy pero walang nangyari. Paggising ko, andito pa rin ako.

Nananaginip pa rin ba ako?

Pero imposible namang hindi pa ako nagagawang magising. Paniguradong hahanapin ako ni Jihan. Paniguradong iistorbohin ako nito sa pagtulog at kukulitin.

Pinilit kong ituon ang atensyon ko sa ginagawa. Hangga't maaari hindi ko hinahayaan ang sarili kong mag-isip ng kung ano ano.

Ipinangako ko na rin sa sarili kong babawi ako kay mommy — maging kay daddy. Babawi ako sa lahat ng naging pagkukulang ko sakanila noon. Alam kong pagkatapos ng lahat, magiging useful pa rin ang panaginip nito dahil nagawa kong makasama ang ina.

Her Awaited AnswerWhere stories live. Discover now