Chapter 10: The family

163 5 0
                                    


"MAY problema ba, 'nak?" Nagtaas ako ng tingin kay mommy na nasa tabi ko na. Imbes na sagutin ay mahigpit ko lang siyang niyakap kahit kanina ko pa pinipigil ang pag-iyak.

Ngayong araw na ito ay paniguradong naglalakihan ang mga eyebags ko. Hindi ko kasi nagawang makatulog kagabi kakaisip. Idagdag mo pa ang walang habas kong pag-iyak na dagdag pa sa mamaga ng mga mata ko.

Bakit gano'n? Iniyak ko na lahat pero hindi pa rin nawawala yung sakit?

"Ayos lang ho ako, Ma. NagNetflix lang kagabi kaya hindi ako nakatulog nang maayos. Kumain na po kayo, susunod na po ako." sabi ko saka siya nginitian at yumakap ulit. "Mahal na mahal po kita, Mommy."

Nang makalabas siya ay pinilit ko na ang sarili kong gumalaw. Kaysa magmukmok dito maghapon, mas mabuting pumasok na lang ako sa opisina.

Isinarado ko ang utak ko. Para tuloy akong patay na pinipilit na lang maglakad. Ang totoo, hindi ko na alam kung saka ako magsisimulang mag-isip. Kung ano ang uunahin kong isipin.

Naging tahimik ang pag-aalmusal ko kasama si daddy at mommy. Pagkatapos, mas pinili ko nang mauna sa kanila. Sinabi kong may dadaanan pa ako at bibilhin kahit ang totoo ay wala naman talaga akong plano. 

Nag-aalangan man at nag-aalala sa mga kinikilos ko ay wala na silang nagawa, pati na si mommy. Tumuloy akong mag-isa, pinilit kong magmaneho kahit ko alam kung saan marahil ang tungo ko.

I'm sick of it!

Bakit ba nangyayari sa akin ang lahat ng ito?

Madiin kong inapakan ang brake ng sasakyan nang makita ang batang lalaki na nasa gitna ng daan. Umiiyak ito at wala ni isang kasama.

"Jihan..."

Sa naisip ay dali-dali akong lumabas ng sasakyan. Patakbo ko itong nilapitan at saka niyakap. Pero hindi katulad ng anak kong titigil tuwing mararamdaman ang mga yakap ko, hindi nagawang tumigil ng batang lalaki dahilan para kumalas ako sa yakap.

"You are not Jihan," matamang sabi ko kahit kinakapos na na rin ng hininga dahil sa nararamdamang sakit.

Magulo ang utak ko nang binuhat ko ang umiiyak na batang lalaki. Naghanap kami ng pulis o ng gwardya sa isang malapit na mall.

Nang makarating at pinaupo kami ng gwardya sa maliit na mga upuan at pinag-antay, doon lang ako nagkaroon ng oras para tuluyang makausap ang lalaki.

"'Wag ka nang umiyak, okay? We're safe here. Hinahanap na nila ang mama mo. Pero mas mabuti kung sasabihin mo samin ang pangalan mo, pwede ba?" Laking tuwa ko nang tumigil siya sa pag-iyak at nanahimik. Hindi nga lang nasagot ang tanong ko.

"A-Anong pangalan mo?" pag-uulit ko pa.

"Rodney..." sabi niya sa mahinang boses. Madali ko iyong naintindihan kaya siguro apat na taong gulang na ito pataas.

"Hi, Rodney! Alam mo ba kung anong pangalan ni mama mo?"

"Mama!"

"Rodney!"

Agad akong napalingon sa papalapit na ginang. Naka-tshirt at pantalon ito at nakatali ang buhok. Halos kuminang rin ang malaporselana nitong mukha na mukhang hindi man lang dinaanan ng puberty sa sobrang kinis. May mga butil na rin ng luha sa kanyang mga pisngi.

"Mama!"

Agad ding tinungo ni Rodney ang ina saka niyakap. Sa tanawin na iyon, mas lalo ko lang naramdaman ang pangungulila ko sa anak.

Miss na miss ko na rin si Jihan. Miss na miss ko na ang anak ko...

"Nako, Ma'am. Maraming maraming salamat po. Pasalamat po akong kayo ang nakakuha sa anak ko. Marahil kung ibang tao ay di na siya binalik. Thank you, Ma'am." Ngumiti na lang ako at tumango. Hindi ko na nabanggit na muntik ko pa itong masagasaan kanina dahil sa paglagi ni Rodney sa kalsada.

Napuno nang pagpapasalamat ang lugar bago kami gumayak papalabas sa mall.

"Ma'am? Pagpasensyahan na po ninyo, ano... pero kayo ho ba si Ms. Jewel ng JL Automotives?"

Bahagya akong napatigil at tiningnan muli ang babae maging ang anak nitong si Rodney. Rodney...

"Ako nga 'yun," sabi ko at sinundan ng mahinang halakhak. Gusto ko lang maitago ang nerbyos na nararamdaman dahil sa naiisip.

Posible kaya?

"Papunta po kasi kami sa kompanya ninyo, Ma'am. Gusto niyo raw ho kaming makausap?"

Parang biglang naghintuan ang mga tao sa paligid, lahat ay parang sumabay sa biglaang paghinto ko. Ilang ulit ko na ba sinabing hindi ako makapaniwala?

Hindi ko inasahang makikita ko nga ang mag-ina niya rito. Hindi ko inasahang totoo ngang may mag-ina siya.

Nanghihina man ang mhga tuhod ay dumeretso ako sa paglalakad. Isa pa, hindi ba at ideya ko naman ito? Ako nga ang nakiusap kay Rod na makita sila.

"Ay! Hindi pa po pala ako nagpapakilala," gagad niya saka tumawa ng napakahinhin. Bagay na mas lalo lang nagpadagdag sa insecurity ko. Napakaganda niya.. at bagay na bagay siyang maging asawa ni Rod.

"Ako ho si Courtney. Eto naman ang anak namin, si Rodney." Kinuha niya ang kamay ni Rodney at iwinagayway iyon sa akin. "Rodney, mag-hello ka naman. Siya si Ma'am Jewel."

Nang marinig niya ang pangalan ko ay agad na nagliwanag ang mukha ng bata. "Totoo po ba? Ililibre mo kami sa zoo?"

Halatang nagulat doon si Courtney kaya agad niyang hinatak ang anak papalapit sakanya at pinagsabihan.

Yumukod ako ng kaonti at sinubukang ipantay ang mukha kay Rodney na malaki pa rin ang ngiti. "Yup. Ililibre ko kayo sa zoo," sabi ko pa.

Napansin ko namang agad na nakaramdam ng hiya ang kanyang ina.

"Yes! Sasamahan mo kami 'di ba?" I was taken aback by his question. Wala naman kasi iyon sa plano. Ang sinabi ko lang kay Rod ay sasagutin ko ang lahat ng gastusin... wala sa usapang sasama ako.

"Rodney, baka busy si Ma'am Jewel–"

"Mama, gusto ko po siya kasama. Mabait siya," paliwanag naman ni Rodney.

Sa totoo lang, awtomatiko akong napapangiti tuwing nakikita ko batang lalaki. Nawawala na lang iyon at napapalitan ng nakakamanhid na sakit kapag naiisip ko kung kanino siya anak.

Agad akong nag-ayos ng tayo at hinarap muli si Courtney. "Sabay na kayo sakin," pilit ang ngiti kong sabi.

Mababait silang tao. Ayoko namang mabahiran iyon at magsungit-sungitan. Nahihiya man ay napilit ko na rin silang sumakay sa sasakyan. Naisip kong mas madali kasi iyon. Kung magcocommute pa paniguradong mas mahihirapan pa.

Hindi na ulit nagsalita ang babae. Well, hindi naman talaga palasalita ang awra niya. Mukha itong tahimik lang at isang tanong isang sagot.

Hindi ko maiwasang hindi ikumpara ang sarili ko sa babae, mula ulo hanggang paa. She's an angel. Sobrang mahinhin at bagay na bagay para kay Rod. Nakakapanliit. Nakakasakit.

Mahihigpit ang hawak ko sa manibela nang mai-park ko ang sasakyan. Nanghihina man, wala akong ibang magagawa kundi magpatuloy. Sabay-sabay pa kami noong nagtungo sa maintenance office. Bawat hakbang ay pakiramdam ko... pinapatay ko lang ang sarili ko. Bawat hakbang ay parang iniimbitahan ko lang ang sakit na pumasok sa sistema ko.

"Papa!" Malalaki ang ngising sinalubong ni Rod ang anak. Agad niya itong kinarga nang makalapit sakanya at hinalik-halikan.

"Papa, isama na natin si Ma'am Jewel."

Sabay na napatigin sa akin ang mag-asawa. Wala tuloy akong choice kung hindi balingan din sila. Pagmasdan kung gaano sila kasayang tingnan biglang pamilya.

"N-Nako... pampamilya lang 'yan," tapat na saad ko.

"Sige na po, please?" pakiusap ni Rodney habang karga pa ng ama. Wala silang ibang ginawa ni Courtney kundi antayin ang isasagot ko habang may ngiti sa mga labi.

The pain is unbearable. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin...

"S-Sige... s-susunod ako," sabi ko saka nagpaalam. Marahan ko pang kinawayan ang pamilyang iyon palayo na parang natural sa akin ang lahat — na parang hindi masakit.

Her Awaited AnswerWhere stories live. Discover now