Chapter 3: Regrets

228 13 0
                                    

ALAS OTSO na noong makaalis kami ni Jihan sa ospital. Nakatulog na nga rin ito sa byahe kaya wala akong ibang choice kundi buhatin ang mabigat ng anak. Hindi ko alam kung anong oras na marahil pero sigurado akong kanina pa nag-aantay si Rod sa labas ng bahay. O kung wala, saan ko naman iyon maaaring hanapin? Lalo pa't naiwan ko pa ata ang cellphone sa loob ng bahay.

Ganoon na lang ang gulat ko nang matanaw ko ang isang pinagtutulungang mabuhat na lalaki sa tapat ng bahay. Maliit lang ang eskinita roon kaya halos okupado na ng nagbubuhat at ng lalaki.

Palapit nang papalit, doon ko lang naaninag na si Rod nga iyon kaya agad agad na akong tumakbo. Mabuti ay inalalayan siya ng kapit-bahay naming si Filimon.

"Nakahandusay na 'yan kanina dyan. Buti nakita ng mga bata at nagsabi sa akin," palinawag nito nang tuluyan akong makalapit.

Mabilis kong ibinukas ang bahay saka ibinaba ang tulog na si Jihan sa papag. Isinunod ko namang alalayan ang asawa pagkatapos kong magpasalamat kay Filimon. Bago ko pa ito tuluyang mahawakan, sinalakay na ako agad ng amoy ng alak.

Lasing pa siya?!

Naospital na ako't lahat pero uminom lang siya? Teka, hindi lang siya basta uminom ha— nagpakalunod siya sa alak!

Dahil tuluyan na akong nanghina, tuluyan ko na ring nabitawan ang lalaking inalalayan. Agad itong kumalabog sa kahoy na sahig.

Doon tuloy ay nagising na siya. Mabilis itong tumayo habang nanlilisik ang mga mata.

"Ano ba?!" singhal nito sa akin.

"Lasing ka?" Well, that's too obvious pero wala naman akong ibang pupwede pang sabihin. Para kasing bigla lang nablanko ang utak ko.

"Pakealam mo–"

"Rod? Ano bang problema?" marahan pero naiinis ko na ring sabi. Bigla rin kasing bumalik sa isip ko ang ginawang pagsusumbong sa akin ni Jihan kanina.

Pasuray suray itong naglakad para makaupo sa plastik na upuang naroon. Bago pa man siya bumulusok ay nilapit ko na siya agad para alalayan pero agad niyang sinakwil ang mga braso ko.

What the hell?

"Matutulog na ako," sabi pa nito. Nananatiling nakapikit.

"Ano bang problema, Rod? It's been a week! Kailan mo ba ako papansinin? Akala ko ba hindi ko napapansing iniiwasan mo ako?" halos ibulong ko na lang ang mga sinasabi ko.

Gusto ko siyang makausap pero ayaw ko rin namang maistorbo pa ang tulog na anak.

Muli, sa hindi mabilang na pagkakataon, wala akong natanggap na sagot sakanya.

My mind immediately went black. Sobra sobra na rin ang pagkainis dahil sa pagkadismaya.

How dare he? Paano niya nagagawang lagpas lagpasan lang ako? Balewalain? Anong nangyari sa lalaban kaming dalawa?

"Punyeta naman, eh!" hindi ko na napigilan ang pagsigaw. "Pinagpapasensyahan lang kita nung mga nakaraang araw pero ngayon sobra ka na—"

"Sobra na ako?!" halos mapaatras ako sa biglaan nitong pagsigaw. Rod Antonio is a calm person. Ni hindi nga iyan nagagalit, eh. O kahit mainis o mairita.

Ngayon lang.

Ngayon lang, matapos ang apat na taon, niya ako nagawang pagtaasan ng boses.

"Sobra na pala ako, edi maghiwalay na tayo!" sabi niya pagkatapos ay madiing ipinikit ang mga mata.

Agad namang napaawang ang bibig ko. Gusto ko pa ngang itanong sa sarili ko kung sino marahi lang nagsabi ng mga katagang iyon dahil kung hindi ko mismo harap harapang nakitang lumabas iyon sa bibig ni Rod ay kahit kailan, hindi ako maniniwala.

Her Awaited AnswerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon