Chapter 1: Forty days

318 18 0
                                    

Four years later...

Tondo, Manila. 2020.

"MAMA, mimi." Karga gamit lang ang isang kamay, pinilit ko ring igalaw ang kabila. Binuksan ko ang maliit na sachet ng gatas, inilagay iyon sa tsupon at inihanda para inumin ni Jihan. Saka lang ako nakahinga nang maluwag noong pinili na nitong manahimik. Ibinaba ko na lang muna sa siya sa sahig na nagsisilbing upuan sa bahay at inasikaso naman ang paghihiwalay ng mga damit sa de kulay at puti.

Ipinikit ko na lang ang mga mata. Tatatlo lang kami sa bahay na ito at naglalaba naman ako ng tatlong beses sa isang linggo pero tambak pa rin palagi ang labahan. Pagkaraan lang ilang minutong pagkusot ng mga damit, pumalahaw na naman ng iyak si Jihan. Alam ko sa mga sandaling ito ay hindi siya titigil kaya wala akong ibang magagawa kundi huminto muna sa paglalaba at kargahin ang anak.

"Bakit na naman umiiyak ang Jihan ko, hmmm?" Tumigil siya at narinig ko ang mahihina nitong paghalakhak.

Parang nilusaw nito ang lahat ng pagod na kanina ko pa nararamdaman.

"I love you, Jihan." matiim kong sabi bago maluha luhang niyakap ang anak. His embrace gives me comfort. Masarap sa pakiramdam na maging magulang. It was actually my dearest dream. Nakikita ko ang sarili kong buong pusong inaalagaan ang anak. Nakikita kong naibibigay ko ang anumang gustuhin niya pero naglaho itong lahat ngayon... dahil pati ang panggatas ng anak ay madalas pa naming inuutang sa malapit na tindahan.

"Labu, Mama!"

Ilang minuto pa kaming nagkulitan, paminsan minsan ay kinikiliti ko siya kaya grabe ang paghalakhak nito at pagsigaw. Iyon na nga lang ang nagiging bonding namin madalas. Ni hindi ko man lang siya nadadala sa mga amusement park o hindi naman kaya mga mall para mamasyal at kumain.

Nahinto ang pagkukulitan naming iyon nang bumungkaras ng tunog ang cellphone kong nasa ibabaw ng maliit na mesa. It was my Tita Jessie. Hindi ko pa ito sinasagot ay tuloy tuloy na ang paghina ng tibok ng aking puso. Naninikip na agad ito dahil alam ko na marahil ang pag-uusapan namin.

"Tita Jessie..." Ibinaba ko si Jihan sa sahig at inabutan ng iilan nitong mga laruan. Mas lalo ko kasing naramdaman ang bigat ng anak dahil sa agad kong panghihina.

"Jewel, forty days ng mama mo ngayon. Sigurado ka bang hindi ka pa rin magpupunta?"

Alam ko na ang pag-uusapan pero nagmistula pa rin itong bombang basta na lang ibinagsak sa harapan ko. It was only a few words but I am starting to catch my breathe.

Bakit ganon, Ma? Nagpromise ka. Babalikan kita, itatakas kita...

Almost two months ago, they found my mom. Iyong mommy ko na hindi nakangiti kundi ang mommy kong wala ng buhay. She was found hanging with a rope around her neck.

At ang pinakamasakit sa lahat, hindi ko man lang siya nagawang makita. Hindi ko man lang siya nagawang mahawakan kahit sa huling sandali.

Ang sabi niya magiging malakas siya. Sabi niya aalagaan niya iyong sarili niya. Nangako siya... aantayin niya ako.

But she didn't make it.

Alam kong walang ibang may dahilan noon kundi si Daddy.

I should've saved her. Kung nandoon lang ako, kung kasama niya lang ako... hindi niya maiisip wakasan ang buhay niya.

The past few days, palagi kong iniisip na iniwan na niya ako. Iniwan niya ako kahit nangako siyang aantayin niya ako.

But the truth is, it was all me. Ako naman talaga ang nang-iwan. Kung hindi ko siya iniwan, kung dinamayan ko siya sa sakit dahil sa pananakit na ginagawa ni daddy sa kanya hindi siya magpapakamatay. Hindi siya panghihinaan ng loob.

Hindi siya mawawalan ng pag-asa.

Kung hindi ko siya iniwan, titiisin niya pa rin ang lahat katulad ng ilang taon na niyang ginagawa.

Pero umalis ako. Iniwan ko si Mommy. Iniwan ko siya at ngayon, wala na talaga siya. Wala na akong babalikan. Wala ng sasalubong at yayakap sa akin nang mahigpit.

Wala na akong rason para umuwi pa pero marami akong rason para magsisi.

"Jewel–"

"Hindi po ako makakapunta, Tita." sabi ko pagkatapos ay muling bumaling sa anak na busy maglaro.

"Jewel, you know na may babalikan ka pa. Bumalik ka na rito... we are your family."

"If going back means leaving my own family behind, I won't. Tita, may pamilya na po ako. Hindi na po ako 'yung batang Jewel na kukunin niyo kapag nagkagulo gulo. May anak na po ako, Tita... and he's the most amazing guy I know," dere-deretso kong sabi bago nagpaalam at ibinaba ang tawag.

Pasimple kong pinunas ang mga luhang halos matakpan ang mukha ko. I did it... again.

Napagtagumpayan kong magmukhang malakas sa harap ni Tita Jessie. Nagawa ko ulit, nagagawa ko na ng apat na taon.

Agad kong tinapos ang paglalaba. Hindi ko na rin sinayang ang oras at sinundan agad iyon ng pagsasaing at pagluluto.

Bumili ako ng tig-benteng gulay sa tindahan sa harap ng bahay at nagprito ng itlog para kay Jihan. Hindi katulad ng ibang bata, hindi ko talaga pinalalabas si Jihan para makapalaro.

Alam kong hindi rin ako malapalagay. Delikado at magulo sa labas kaya ayoko nang madamay ang anak ko.

Pinapakain ko ang anak noong kumalabog ang kahoy naming pinto. Hindi na ako nagkamali noong iniluwa noon si Rod na magulo ang ayos.

Gulo-gulo ang buhok niya at gusot gusot ang damit pero sa kabila nito, nagawa niya pa ring ngumiti at kargahin si Jihan para madaliang kulitin.

"Kain ka na," sabi ko. Doon ay nagtaas siya ng tingin sa akin at dali-dali akong hinalikan sa noo.

"Magbibihis lang ako sandali. Sabay-sabay na tayo," sagot niya habang ibinaba na si Jihan. "Kumusta ang araw mo? Pagod ba?"

Iilang salita lang pero nabalik na naman ako sa pagngiti. Hindi man kami pinalad sa mga pinansyal na bagay, naging consistent naman si Rod sa pagpaparamdam ng pagmamahal nito. 

Sa apat na taon, wala itong pinaglagpas na araw para kumustahin ako.

"Okay lang ako. Sige na, bihis na muna para makakain."

Sa apat na taon, nasanay na ako sa ganoong uri ng pamumuhay. Kaya lang, tuwing naiisip ko ang kinahinatnan ni Mommy... at kung anong buhay ang maaari naming maibigay kay Jihan lalo na paglumaki ito, hindi ko maiwasang mawalan din ng pag-asa.

Nang sumampa ako sa higaan matapos kong patulugin rin si Jihan, binalak ko ring kausapin si Rod.

Nitong mga nakaraang araw kasi wala ng ibang bumabagabag sa akin kundi iyong pagkawala ni mommy na ni minsan ay hindi namin nagawang pag-usapan.

Hindi ko maisip kung bakit.

Hindi ko maisip kung bakit hindi man lang niya ako nagawang kumustahin tungkol sa pagkawala ni mommy.

Hindi niya man lang ako tinanong kung ano ang plano kong gawin.

"Rod..." nahiga ako sa tabi niya at saka tumingala sa kisame. Gusto kong magkwento sakanya, gusto kong sabihin lahat ng hinaing ko at umiyak kasama siya. Gusto ko ring makipagkulitan makalimutan ko lang ang kung anong iniisip.

Gusto ko ring maramdamang hindi ako mag-isa. Na handa niya akong damayan... na handa siyang makinig.

"Mommy's gone and I didn't had a chance to be with her until her last day. Ni hindi ko man lang siya mabisita. G-Gusto ko siyang puntahan pero... wala na rin akong rason para bumalik. I... I don't know, sobrang sakit lang. Nangako siya, eh. Nangako siyang aantayin niya tayo. Babalikan ko siya..."

Umaasa ako ng sagot sa katabi pero nang hindi ako makarinig ng kahit ano, doon ko na ito binalingan.

Ang mahihina na lang nitong hilik ang sumagot sa akin.

Mukhang wala akong ibang choice kundi makipaglaban na naman sa kung anong sakit at iniisip.

"Mom, please... help me."

Her Awaited AnswerWhere stories live. Discover now