Chapter 4: More than a dream

233 11 0
                                    


Salazar Residence, Taguig. 2016.

"SOBRANG sakit ng ulo ko," mahihina kong sambit nang dahan-dahan kong iminulat ang mga mata. Una kong napansin ang malambot na kama at napakagandang kwarto.

"Nasa ospital na naman ako?" walang ibamg sumagot kaya napagtanto ko ring wala akong ibang kasama sa kwartong iyon.

Nang subukan kong umupo sa hinihigaan ay tumodo lang ang pagsakit ng ulo kong nagmistulang parang binibiyak. Wala tuloy akong ibang choice kundi bumalik sa pagkakahiga at lakumusin ang unan.

Hindi ko tuloy maiwasang isipin ang naging sagutan namin ni Rod kagabi. Did I passed out? Kung ganoon, sino ang magdala sa akin sa ospital?

Pagkaraan ng ilang minuto ay nakarinig ako ng katok pero imbes na kumilos ay agad akong nagtulog tulugan. Mas mabuting pakinggan ko muna ang mangyayari sa paligid. Isa pa, tinatamad rin akong bumangon kaya mabuti na rin ito.

Malinaw sa paningin kong may pumasok na tao dahil sa yapak nito. Nang makumpirma kong mag-isa lang ang taong iyon ay naisip ko na agad si Rod kaya agad akong bumalikwas.

"Rod—"

"Sweetie!"

Sinalakay ng takot ang sistema ko. Nanlalaki ang mga mata na sinabayan din ng manginginig ng mga kamay.

Ang... bata niya tingnan. At mukha rin siyang masaya.

Agad na bumuhos ang mga luha ko. Ito ang unang beses na nakita ko siya ulit.

"Mommy..." dumapo ang palad ko sa bibig at marahang tinakpan iyon dahil sa lumalakas ng mga hikbi. "Mommy, I'm sorry. P-Patawarin mo ako... kung iniwan kita. Please, I'm really really sorry po. Patawarin mo ako, mommy—"

"Jewel Aleena!" natigil ako sa pagsasalita pero hindi ko pa rin nilulubayan ng tingin ang ina. Kung makikita ko lang siya palagi sa panaginip, paniguradong gugustuhin kong matulog madalas.

"Po?" nag-aalangan pa akong nagsalita. Talaga ba? Talaga bang makakausap ko ulit si mommy?

"Lasing ka ba?!" singhal niya sa akin. Noon, halos tumaas ang mga mata ko sa kakairap sa sobrang pagkapikon sa mga sigaw niya pero ngayon excited na excited akong marinig iyon — lalo na ang mga sermon niya!

"O siya, tumayo ka na! Inaantay ka na ni Jelo sa baba. Sabay-sabay na tayong magpupunta sa JL."

"Po?!"

Sa gulat, halos maitulak ko si mommy sa marahas kong pag-atras. Doon ko lang tuloy halos nailibot ang mga mata ko sa paligid.

No way... bakit parang sobrang swerte ko sa panaginip ko ngayon?!

"Nasa kwarto ko... ako." Mahinang batok naman ang nakuha ko kay mommy.

"Ano ba 'yan, Jewel! Umakto kang ganyan sa tatay mo, papagalitan ka na naman no'n."

Hindi na ako muling nakasagot pa. Masyado atang napatagal ang pagtulala ko sa sariling kwarto kaya sa sobrang inis ni mommy ay agad na niya akong iniwan at pinapasunod na lang sa pagbaba.

"My... room," hindi ko pa rin makapaniwalang sambit.

Napasigaw ako bago tuluyang magtatalonnsa sariling kama. Hindi iyon nagbago, ang lambot lambot pa rin noon. Maging ang iba't iba kong mga damit na nasa napakalaking ay naroon rin.

Hindi ko mapigilang sumigaw dahil sa excitement. Talagang pinaglalalabas ko ang mga damit na naroon at papalit palit na sinusuot iyon.

I miss my room! I miss my clothes!

Natigil ako sa pagsasalit salit ng damit nang biglang tumunog ang cellphone na nasa bed side table.

Wait, is... that my phone?!

Dali-dali ko iyong pinuntahan at tiningnan. "This is not my phone..."

Mukhang bago iyon at katatanggal sa box, sa likod naman nito ay nakamarka ang mahal na brand ng teleponong iyon.

From: Mommy
'Wag ka ng magdrama. Forget about your lost phone. Binili ko 'yan. Bumaba ka na rito, napakaingay mo.

Imbes na mainis, natawa na lang ako. Mukhang masyado nga akong maingay.

Magtitipa pa lang sana ako ng irereply nang tumawag na si mommy.

"Hello?"

"Ano ba? Iinisin mo na naman ba si Jelo? First day mo sa trabaho, don't disappoint him."

Teka... unang araw ko sa trabaho?! Pero wala na akong masyadong alam tungkol sa kompanya! Apat na taon na kaya imposibleng matandaan ko pa ang lahat ng inaral.

"Jewel!"

"Mommy! Opo, maliligo na po ako."

Naguguluhan man, wala na akong oras para kwestyunin pa ang sarili. Agad ko na munang niligpit ang mga kinalat sa kwarto at dumiretso na sa pagligo.

Saka ko na muna iisipin ang nangyayari, i-enjoyin ko na muna ang napakaggandang panaginip na ito!

"Nako, Mr. Dashman!" tawa lang ni daddy ang rinig sa buong opisina. "Ibang klase talaga 'tang anak kong 'yan. Wala ka nang makikita g ganyan katalented," dere-deretso pa nitong sabi.

Nagpakurap-kurap na lang ako. Bukod sa kaalaman kong hindi galit si daddy sa akin ngayon... bakit sa tingin ko, binibugaw pa niya ako sa ibang tao?

Pagkatapos ko maligo kanina, sinuot ko ang simpleng puting skinny jeans, pulang illusion bodice neckline na pinaresan ko nang pulang peep toe. Nakakapanibago lang pero masaya akong nagagawa kong ito muli ngayon. Kumain lang kami ng breakfast pagkatapos ay dumeretso na agad sa opisina para makipagharap sa kung sinong kasosyo ng ama. Habang nasa byahe nga kami ay sinigurado ko ring hindi mahiwalay sa ina. Kung hindi ko ito yayakapin ay tititigan ko naman ito ng matiim na dahilan para mas lalo lang itong mainis sa pinaggagagawa ko.

Natatawa na lang rin ako tuwing sisinghalan ako nito kapag naiirita na.

Nagpangalumbaba ako sa mesang naroon. Now, I'm getting bored. Umalis rin kasi si mommy kaya wala akong choice kundi samahan ang daddy ko ritong walang ibang ginawa kundi ibugaw ako sa kung sino sinong kausap.

Nabuhayan lang ako nang magvibrate ang cellphone na nasa mesa. Mas lalo lang nanlaki ang mga mata ko nang bumungad roon akg mensahe ni Faye.

+639269784***
10:24 am

+639269784***:
Jewel! Binigay ni Tita number mo. What now? BGC ulit? Faye here

Napahagikhik ako nang makuha ang sinasabi niya. This is getting exciting!!

Jewel:
Yup! Daanan mo ko?

Faye Angeles:
Oh, come on! Ako kaya ang sinusundo mo

Jewel:
What?

Agad kong naibaba ang hawak na cellphone. Teka, nagmamaneho ako?

Nakapag-aral akong magmaneho pero halos limang taon na ang nakararan. Malay ko ba kung marunong pa ako ngayon!

But aside from that, hindi ko pa rin napigilan ang pagiging excited.

Faye Angeles
11:23 am

Jewel:
Alright! See you, 6pm.

Faye Angeles:
You kidding me? Our nights starts at 8pm!

Jewel:
Teka, hindi ba magagalit si daddy niyan?

Faye Angeles:
Hahaha sira 22 na tayo, quit it girl

Padaskol kong hinampas ang cellphone ko sa mesa na nasa harap. Medyo malakas ang kalabog noon kaya nakakuha iyon ng atensyon nila daddy at kausap nito kaya mabilis akong nagkibit-balikat.

"I... I am twenty six."

This is so wrong.

Her Awaited AnswerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon