Chapter 16: Real family

181 7 0
                                    

"JIHAN, sit down. Maraming tao sa likuran mo," pabulong kong sabi sa anak na kanina pa palinga-linga at mukhang may hinahanap habang maigi pa ring pinakikinggan ang kanilang principal na nagsasalita sa stage. Ngayon ang moving up ng anak at nakuha niya ang pinakamataas na grado sa buong batch nila.

Katulad ko, excited na excited din si Faye lalo pa't tinawagan ako ng babaeng iyon ng alas-singko ng madaling araw. Hindi ko na nagawang maikwento sakanya ang nangyari kahapon at malabo ring maikwento iyon ni Andrei kaya posibleng wala pa rin itong kaalam-alam ngayon.

Rod Antonio is back!

Well, sa kasamaang palad nga. Ilang beses ko pa man ding hiniling na sana nananaginip lang ulit ako pero malabo na iyon ngayon.

Sisinghalan ko na sana ang anak nang biglang tumunog ang cellphone na hawak. It was Andrei at mukhang umagang-umaga ay mambubwisit na naman.

Dr. Andrei Sager
8:36am


Dr. Andrei Sager

Puso mo bantayan mo

Jewel

Ano ako tanga?

Dr. Andrei Sager

Seriously, kung sa ulo lang ang problema kaya pang magawan ng paraan. Pero heart yan

Jewel

Ang korni mo

Dr. Andrei Sager

Je I'm dead serious. Sana mas ihanda mo sarili mo ngayon

Jewel

Bat ka ba tagalog ng tagalog?


Pilit kong iniiba ang usapan. Para saan pa kasi kung pagsasayangan namin ito ng oras.

"May nakaupo ba dito?" Muntik pa akong mapatalon sa biglaang boses na narinig. Gusto ko ulit pagsisihan ang pag-aangat ng tingin. Bumungad kasi sa akin ang nakangiting si Rod.

Awtomatiko namang uminit ang ulo ko. Kung minamalas ka nga naman, oh! Bakit ba yan nagpunta rito?!

"Papa! You came!"

Halos umusok ang ilong at tainga ko sa sobrang pangigigil. Hindi lang dahil sa nandito siya kundi sa sitwasyon.

Jihan's very happy! Walang mapaglagyan ang galak niya at mukhang proud na proud dahil ngayon lang niya nakasama ang ama sa mga ganitong pagkakataon.

Kitang-kita kung paano magkayakapan ang dalawa, kung paano sila magtawanan at magkwentuhan.

Nanginginig ang mga kamay ko nang sinimulan kong kalikutin ang telepono. I need to call Faye!

"Jihan!" Tatlo kaming sabay-sabay napatingin sa babaeng kararating lang. Kitang-kita mula sa kinauupuan ko ang panlalaki ng mata ni Faye. Ang gulat ay mabilis na napalitan ng nag-aalab na galit dahil sa nakita.

Pilit kong sinalubong ang kaibigan, mahigpit ko itong hinagkan at saka bumulong.

"Please... the event's very important to Jihan. Ayokong makagawa tayo ng gulo rito, Faye. Let this pass," pagkukumbinsi ko sa kaibigang ilang beses ng umikot ang mga mata.

"Kailan pa 'to?" Bumitaw ako sa pagkakayap ko sakanya pagkatapos ay saka humarap sa babae. Mas kalmado na ang mukha nito ngayon. Mukhang naiintindihan naman ang sinabi ko.

"Nakita siya ni Jihan sa mall kagabi then ito, ininvite niya pa." Nakita kong napailing-iling ang kaibigan. Maya-maya pa ay malalaki ang ngising bumaling kay Jihan.

Her Awaited AnswerWhere stories live. Discover now