Chapter 20: You're not leaving

266 9 0
                                    

ILANG beses akong nagbuntong-hininga bago tuluyang pumasok sa kwarto ni Rod. Hindi pa ako halos nasanay sa maraming tubong nakakabit sa asawa kahit ilang linggo na siyang nakaratay roon.

Asawa.

Ngayon ko na lang halos natanggap. Ngayon ko na lang nagawang lunukin ang mga sinabi ko noon maging ang pagkamuhi.

Maaaraming hindi ko siya magawang patawarin dahil sa ginawa nito sa akin pero hindi ko kayang mawala ang lalaki.

He was still my savior. Nagawa niya akong iligtas kay daddy, nagawa niya akong ipaglaban kay daddy. Nagawa niyang panindigan ang lahat ng pangako niya at mga pinangarap namin.

Hindi ko siya mapigilang sisihin kung bakit. Bakit hindi niya sinabi? Bakit hindi kami nagtulungan para masolusyunan ang problema? Bakit itinaboy niya ako noon? Bakit siya naglihim? Bakit at paano niya nakuha ang sakit? Bakit kailangan niyang mahirapan nang ganito?

"Gumising ka na nga. Marami akong itatanong sa'yo." Ginusto kong pagaanin ang loob ko pero hindi rin ako nagtagumpay.

Marami akong sinabing masama tungkol sa lalaki. Ginusto ko pa nga siya patayin noon sa sobrang galit pero iba pala no? Iba pala kapag totoo na ang nakikita mo. Iba pala kapag imbes na maamong mukha lang ni Rod ang masilayan ko ay puro pa mga tubo na iba-iba ang laki ang naririto.

Nahihirapan siya.

Hindi namin alam kung kailan marahil siya gigising. Ilang linggo na pero kahit kailan hindi ko pa rin matatanggap ang nangyayari.

Ni hindi ko na nagawang umuwi sa bahay kaya mismong si daddy na ang nagpunta sa akin dito. Doon niya rin nalaman ang nangyari. Ilang beses siyang humingi ng tawad dahil baka raw galit ako sa pag-aalok niya kay Rod ng trabaho pero wala rin siyang kaide-ideya na may sakit pala ang lalaki. Inaamin nitong gusto niya talagang paalisin si Rod pero hindi sa ganoong sitwasyon.

Hindi ko alam kung napatawad ko na siya o nagalit ba talaga ako. Pakiramdam ko kasi wala na akong ibang nararamdaman kundi sakit... sakit na makita ang asawang pilit na nilalabanan ang buhay niya — kahit sobrang hirap na.

Ilang beses na siyang nag-agaw buhay. Ilang beses na rin siyang ni-revive ng doktor at doon alam kong pilit pa siyang nakakapit. Alam kong gusto niya pang gumising kaya mas tinatagan ko ang loob ko.

He's fighting... for us. Kaya dapat tatagan ko rin ang loob ko dahil alam kong kakayanin niya ang lahat.

He's a perfect husband.

Hindi ko makakalimutan noong unang buwan namin matapos kaming ikasal at lumalaki na noon ang tyan ko dahil sa pagbubuntis kay Jihan, kung paano niya ako pagsilbihan at patawanin. Kung paano nito nagagawang pagaanin ang lahat kahit hindi namin sigurado kung ano ang naghihintay sa amin sa mga panahong iyon. Kahit kailan, hindi siya umalis sa tabi ko. Hindi niya ginatungan ang lahat ng sermon at galit ko sakanya. Hindi nito, kailaman, inisip ang sarili — palaging kami ni Jihan. Kung paano kami at kung anong kailangan niyang gawin para maging maayos ang pamilya.

Kaya bakit hindi ko agad napansin ang mga pagbabago. Bakit hindi ko agad napansing may hindi na tama?

Ni hindi niya man lang inisip ang sarili niya. Hindi niya magawang unahin ang sarili niya at sa kahuli-hulihan ng lakas niya ay nagtrabaho pa rin siya para sa amin ni Jihan.

Samantalang ako, walang ibang inisip kundi ang nararamdaman ko. Noong nawala si mommy, para akong nawalan ng pakpak. Ang gusto ko makausap ang asawa at pagaanin niyang muli ang loob ko. I thought it is all about me! Na noong naghahangad ako ng comfort mula kay Rod, hindi niya na pala kaya. Noong nilalabanan ko ang asawa, nilalabanan niya rin pala ang sakit.

Her Awaited AnswerWhere stories live. Discover now