Chapter 19: Regrets

187 5 0
                                    

NAGKUKUMAHOG akong makapasok nang tuluyan sa ospital nang makasalubong ko si Andrei.

Tahip tahip ang kaba ko. Ang anak ko lang ang nasa isip. Anong nangyari? Is he okay?

Then blame Rod afterwards.

Kasalanan itong lahat ng lalaking iyon. Bakit pa siha bumalik? Bakit pa siya nagparamdam?

"Jewel–"

"Where's my son?! Where's Jihan? Anong nangyari? Bakit nandito siya? Is he good?"

Andrei, then, looked at me flatly. Mukhang naboburyo ito dahil sa pagiging OA ko.

Of course, I will overreact! That's my son!

"Nasa tapat ng room 206 si Jihan," kalmado nitong sabi.

"What?! Teka, ano ba talaga nangyari? Bakit andito si Jihan–"

"Jewel!"

Inirapan ko na lang ang lalaki at hindi na nagpasalamat. Dali-dali akong naghanap ng elevator at nagsimulang maghanap ng kwartong iyon na nasa ikalawang palapag.

Abot-abot ang kaba ko. Ni hindi ko na nga alam kung tama pa ba ang ginagawa ko. Mukha akong bangkay na naglalakad sa pasilyo ng ospital.

"Jihan!" Nang makita ang anak na nakatayo sa di kalayuan sa eksaktong tapat ng pinto ng isang kwarto, agad ko itong dinaluhannat niyakap.

"Pinag-alala mo si Mommy! Why did you do that? How are you?" Madali kong inikot ang anak, naghahanap ng mga sugat o dugo sa parte ng katawan nito pero wala akong nakita.

Well, I should be happy right? Hindi siya napano pero bakit nandito siya sa ospital?

"You are not hurt, right? Wala namang internal bleeding kaya hindi ko makita. What's happening?"

Sa sobrang pagmamadali ko, nauna ko pa palang tingnan ang katawan ng anak ko kaysa sa mukha nito kaya huli na para makita ko ang hindi magkamayaw nitong mga luha.

"J-Jihan... anong problema?"

Kung kanina hindi na mapagod pagod ang dibdib ko sa kakakabog, ngayon mas dumoble pa iyon ngayon.

"Ma, sorry po kung tumakas ako pero hindi po ako nagsisising ginawa ko 'yun."

Nang mag-angat ako ng tingin sa iilang taong kasamang anak ko sa tapat ng pinto ay parang tinanggalan ako ng karapatang huminga.

"M-Mama..." Nanghihina man ay napatayo ako, kinuha ako ang mga kamay niyo at mabilis na nagmano.

"Ano... pong ginagawa niyo rito?"

Muli kong tiningnan ang anak na hindi pa rin natitigil sa kakaiyak. Doon ay mas lalo ko lang nakita nang malinaw na hindi lang pala si Mama ang naroon. Nandoon rin ang mga kapatid ni Rod.

"Ate Rian, Riza? Anong nangyayari?"

Sa puntong iyon, maaaring may alam na ako sa nangyayari pero gusto kong kumpirmahin nilang mali ako. Na mali lang at nasa isip ko lang itong lahat.

"Mama... si Papa," sabi ni Jihan sa pagitan ng kaniyang mga hikbi.

Para agad akong tinakasan ng naipong lakas. Anong ibig nitong sabihin? Bakit nasa ospital ang mga ito?

"H-He's here?" Nanginginig ang mga kamay ko nang sinumulan kong ituro ang nakasaradong pinto. Huli na para malaman kong isa pala iyon sa mga ICU ng ospital.

Isa-isa ko silang tiningnan pero sa bunsong kapatid lang ni Rod na si Riza ako nakakuha ng maliliit na tango. Kahit ang mama ni Rod ay tahimik lang ring umiiyak sa gilid.

Her Awaited AnswerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon