Chapter 11: Wake her up

162 7 0
                                    


"JEWEL, nakita mo ba si– Jewel? Jewel!" Hindi ko pinagtuunan ng pansin ang sinasabi ni mommy. Hindi ko rin iyon sinasadya.

Nagdere-deretso lang ako sa kwarto at doon ko pa lang nagawang pakawalan ang mga luhang kanina ko pa pinipigil.

"A-Ako dapat 'yun, eh! Ako dapat 'yung kahawak niya. Ako dapat 'yung kasama niya!" Isinarado ko ang pinto at sinimulan ang paghahagis ng kung anong makita dahil sa sobrang pag-alimpuyo. No!

"That should be me, not Courtney. That should be our Jihan not Rodney!"

Hindi matapos ang kalampagan ng mga gamit. Tinalon ko ang kama at saka siniksik naman ang mukha sa malalambot na unan.

Hindi ko na alam ang gagawin. Baka nababaliw na ako. O baliw na talaga siguro ako! This ain't normal.

"Asawa ko siya. I'm Jewel Antonio! Kasal kami, kasal kami ni Rod. We have a child for Pete's sake! Nasaan si Jihan?" 

Gusto ko pang pumalahaw ng iyak. Gusto kong saktan ang sarili, pero alam kong hindi mababago noon ang totoo.

Hindi mababago noon na talunan ako at naiwan ako ng lahat.

Sa gitna ng kung ano-anong naiisip, bigla kong narinig si mommy na kumatok. Mabilis kong inayos ang sarili ko. Pinahid ang basang basa ng mukha dahil sa sariling luha.

Dahan-dahan nitong pinihit ang pinto at bumungad sa akin ang mga ngiti niya. Ngiting parang sinasabi sa aking makakaya ko ang lahat at nandito lang siya.

Nang pinili nitong maupo sa gilid ng kama ko, wala na akong sinayang na panahon at nagkumahog na sa paghagkan sa ina. She's the one that's keeping me in tacked.

"Ma... ma, I'm sorry." panimula ko. Agad siyang napasinghap. Naisip na naman sigurado nitong nababaliw ako o nagda-drugs.

"Hindi niyo man po naiintindihan, gusto ko lang pong malaman ninyo na mahal na mahal ko po kayo. Sorry kung iniwan ko kayo kay daddy. Sorry kung nakuntento akong sa text lang tayo nakakapag-usap noon. Ma, I'm very sorry. Ma, kung ano... kung ano man po ang mangyari please, don't do it." Pasimple akong nag-angat ng tingin para sana tingnan ang reaksyon ni mommy pero matiim lang siyang nakatitig sa kawalan habang lumuluha.

"Y-You are not alone, Ma. We are fighting, right? Hindi man po tayo magkasama... pero lumalaban tayo. Ma, don't do it. Don't end those suffering, don't end everything. Andito pa ako, Ma. Fight with me..."

Hindi ko na natuloy ang pagsasalita dahil sa labis na paghagulgol. Marami pa akong gustong sabihin ngunit wala ng ibang lumabas sa bibig ko kundi mga hikbi.

I want to tell her how much I love her. Gusto kong balikan ang lahat ng mga masasayang alaala kasama si mommy. Gusto kong ikwento sakanya ang pagiging ina. Gusto kong ikwento sakanya kung gaano ko rin kamahal si Jihan. I want us to talk about Jihan's firsts; his first word, the first food he ate, his first walk... his cries and his laughs.

Gusto ko rin ipagmalaki ang nagawa ko biglang ina...  gusto kong matuwa siya sakin. Gusto kong sabihin ang lahat ng tungkol sa nabuo kong pamilya pero wala ng katuturan iyon ngayon.

Pamilyang hindi ko sigurado kung totoo o nabuo lang sa isang imahinasyon.

Malalamig ang mga kamay ni mommy nang sinubukan nitong hawakan ang pisngi ko at itaas saka ipantay sa mukha niya ang mukha ko. Katulad ko, hindi na rin natitigil ang mga luha niya sa pag-agos.

"Jewel, 'nak... hindi ako naging mabuting magulang sa'yo." Gusto ko siyang singhalan, gusto kong patunayan na hindi totoo ang sinasabi niya. Pero sa kabila ng lahat ng ito, hindi ko pa rin nagawang maibuka ang mga bibig para magsalita. Marahas akong umiling-iling pero nginitian niya lang ako.

"M-Mahal kita," ngumiti itong muli kahit pa panay ang paglabas ng mga luha sa mata nito. "Hindi ako mawawala sa tabi mo, Jewel. Kaladkarin man ako ng kamatayan kung saan, I will be forever with you. Babantayan k-kita palagi. Palagi akong bibilib sa mga ginagawa mo, palagi kitang ipagmamalaki. Nakagawa man ako ng masasamang bagay sa'yo noon, hindi nun mabubura ang love ni mommy para sa'yo. Tandaan mo 'yan palagi," gagad nito. Kapwa na kami kinakapos ng paghinga dahil sa labis ka pag-iyak.

Hindi ko na mga halos maaninag si mommy, malabo na ito sa paningin ko dahil sa puno ng luha kong mga mata.

"Jewel... I need to tell you this. 'Wag na 'wag mo hahayaang mawala ang para sa'yo. 'Wag mong pahihintulutan ang ibang taong sirain ang lahat ng pinaghirapan mong buuin..."

Kumunot ng sobra ang noo ko. Nagsimula na akong maguluhan. Imposible... sa sinasabi ni mommy ngayon parang may alam ito. Alam niya? Totoo ang lahat kung ganoon?

Hindi ko halos maaninag pero naramdaman ko ang malalamig na kamay ni mommy sa kamay ko. Marahan niya itong hinahaplos katulad ng ginagawa niya madalas noon para patulugin ako.

"Ayusin mo ang lahat, Jewel. Ibalik mo ang sa'yo..."

Gulong gulo man, nagawa kong higpitan lalo ang pagkakahawak ko sa kamay ni mommy. Nanlalamig ang mga ito at nanginginig. Napapangiti ako tuwing gumaganti siya sa paghigpit rin ng mga kamay nito sa pagkakahawak.

Mabilis na naglaho ang ngiting iyon ng maramdaman ko biglang lumuluwag ang kapit niya. Mas lalo akong nanigas sa kinauupuan.

"Mommy, no... please! Please don't leave me again. Ma! Ma, no!" Alam kong malalakas ang sigaw kong iyon pero hindi ko nagagawang marinig ang sariling boses. Hindi iyon narerehistro sa tainga ko kaya mabilis akong ginapang ng kaba.

Baka hindi rin naririnig ni mommy. Baka tuluyan na niya akong iwan.

Sa bawat pagluwag ng kapit, mas lalo ko lang tinatatagan ang mga kamay ko.

"Hindi! Walang bibitaw, Ma! Listem to me, please... hindi mo ko iiwan. Hindi mo ko i-iiwan ulit, 'di ba? Nagpromise ka kay Jewel, Mommy! Don't you ever let go of my hand!"

Pilit akong nagwawala, pilit kong hinihigpitan ang pagkakakapit ko sa kamay ni mommy kahit hindi na ito nakahawak pa sa akin.

"Anak... ibukas mo na ang mga mata mo, inaantay ka na nila."

Sa isang iglap, agad akong nakarinig ng nakakabinging sigaw. Mabilis kong iniharang ang mga kamay ko sa tainga dahilan para tuluyan kong mabitawan ang mga kamay ni mommy.

Pumalahaw akong muli sa pag-iyak. Gusto ko itong habulin pero hindi ko man lang magawang makagalaw. Nananatili rin ang nakabibinging sigaw.

Hindi ko na naririnig ang sarili kong paghikbi. Wala na akong naririnig na iba kundi ang matinis at parang sirenang sigaw ng kung sino.

Maya maya pa, bigla itong tumigil. Namataan ko ang sarili ko sa isang madilim na lugar. Ako lang mag-isa, umiiyak at takot na takot.

Nababaliw na ba ako?

Hallucinations... Am I crazy? Nasaan na ba ako?

Namayani muna ang nakabibinging katahimikan bago ako tuluyang makarinig ng hindi pamilyar na boses.

"Marahil nakasara ang mga mata niya pero andyan lang siya... inaantay niya kayo. Kayo lang ang makakapagpagising kay Jewel."

•••

Her Awaited AnswerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon