Chapter 17: Annulment

193 7 0
                                    

"ANG AGA mo naman!" singhal ni Faye sa kararating lang at humahangos pang si Andrei. Huli man, naiintindihan ko naman lalo pa't mukhang pinili lang nitong humabol.

Ang pigura niya kasi, parang biglang tinanggal lang ang labcoat at dumeretso na ito galing sa hospital.

"Manahimik ka, Tanda. Atleast ako may regalo kay Jihan," pabalang na sagot nito kay Faye saka nakangiting hinarap si Jihan. "Jihan!"

Naglabas ito ng maliit na susi mula sa bulsa kaya agad kaming napasinghap ni Faye. Knowing how rich Andrei could be...

"Siyam na taong gulang pa lang ang anak ko! Bibigyan mo talaga siya ng kotse?" sigaw ko. Hindi na pinapansin ang iilan pang dumadaan.

"Oo nga! Dapat 'yung nanay na lang!"

Agad na nalukot ang mukha ni Andrei at nag-ikot ng mata, bagay na mas lalo pa naming ikinatawa.

"What's that, Tito?" Narinig na lang naming pagtatanong ni Jihan na mukhang excited na excited din.

"Do you still remember nu'ng tinanong ka ni Tito Andrei kung ano 'yung gusto mong gift if you did great in your class?" Mabilis na tumango si Jihan. Agad namang umayos ng tayo si Andrei, hawak ang susing inilabas kanina at saka binuksan ang compartment ng sasakyan.

Pasimple pa kami nitong tiningnan na parang nang-aasar. Bwisit na lalaki rin to. Akala namin susi ng kotse na regalo nito kay Jihan, 'yun pala nasa compartment lang yung regalo.

"Electric scooter! Wow!"

Dahil sa ganap na katsismosahan namin ni Faye, agad namin silang sinundan at pinilit na makita rin ang sinasabi nitong regalo.

At mapapanganga ka na lang talaga. Bumili siya ng ganiyang regalo para kay Jihan?!

Ilan ba ang halaga niyan? Knowing Andrei, alam kong hindi ito mahilig bumili ng mga gamit sa bansa. Mas gusto nito iyong galing pa palagi sa bansa niya.

"It's so cool! Thank you so much, Tito Andrei." I already knew that Jihan was speechless. Oo, speechless na siya sa lagay na yan lalo pa't sobrang madaldal ang anak ko.

Naspeechless ata at wala ng ibang ginawa kundi yakap-yakapin ang doktor.

Doon ko pa lang nagawang isipin ang kanina pa tahimik na kasama namin. Maharan akong bumaling sa nakatayo lang na si Rod hindi malayo sa kinaroroonan ngayon ni Jihan at Andrei.

Napako ang tingin nito sa anak pero malinaw na malinaw ang ekspresyong nakikita sa mga mata nito - pain.

•••

"Tito, eto nga po pala si Papa. Papa, si Tito Andrei po... doktor po siya." Napahinto ako sa biglang pagpapakilala ng anak sa dalawa. Mabuti na lang at nagawang ngitian ni Andrei si Rod at nakipagkamay.

Napagdesisyunan naming humanap muna ng makakainan dahil mukha na namang gutom na leon si Faye. Kaya lang, gaano man namin gustuhing hindi isama si Rod ay wala rin kaming nagawa sa kagustuhan ni Jihan.

Gusto nitong makasama ang ama. Oo, naiintindihan ko naman. Kung nangungulila man ito o ano, pero kailan pa namin ipapaalam kay Jihan ang totoong sitwasyon.

"Naaawa ako kay Jihan, Je. Wala siyang alam, hindi niya alam kung ano ba talaga 'yung nangyayari kaya umaasa siya... umaasa siya sa wala." deretsahang sabi ni Faye.

Alam ko naman yun eh. Hindi ko lang rin talaga alam kung paano sisimulang sabihin kay Jihan. Siguradong hindi niya maiintindihan... siguradong masasaktan ang anak ko - iyon ang pinakahuling bagay na gusto ko para sa anak.

He doesn't deserve all these. He deserves to be happy. Pero ano nga ang gagawin ko? Ang paniwalain siyang okay lang ang lahat kahit purong kasinungalingan lang ang mga iyon o sabihin sakanya ang totoo at hayaan siyang masaktan?

Her Awaited AnswerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon