Chapter 13: Bring him back

172 6 0
                                    


Third person's point of view

"JEWEL, sige na naman. Kailangan mong kumain. Ayaw mo bang makauwi? Inaantay ka na ni Jihan sa bahay," malambing na sabi ni Jelo sa anak na nakaupo nga sa kama nito ay napakalayo naman ng isip.

Ilang beses na niyang sinusubukang pakainin ang anak, iba-ibang putahe at sinasadya niya talagang ang mga paborito ni Jewel ang ihanda.

Pang-ilang beses na iyon simula noong magising ang babae isang linggo na rin ang nakakaraan. Ang sabi ng doktor, kailangan pa rin iyon ipagpasalamat. Medyo nagiging responsive na si Jewel kahit puro pagtango at pag-iling lang ang nagagawa niya.

Saka lang ito nakakapagsalita ng mahahabang salita tuwing nagwawala, kaya hindi na rin nila pinilit.

"Why are you doing these?" Takot man sa posibleng mangyari, masaya pa rin si Jo na marinig magsalita ang anak. Malamig man at nakakatakot ang pagkakasabi, alam niya pa ring mas tumataas ang tsansang gumaling si Jewel.

"Anak, kumain ka muna. Hindi ba favorite mo 'to noon? Favorite rin 'to ni Jihan, 'nak! Nako, nakakatuwa ang batang 'yun..."

"Why are you doing this?"

Natahimik si Jelo. Posibleng hindi maganda ang kahihinatnan ng pag-uusap nilang mag-ama lalo pa kapag sinagot niya ang anak.

"Bakit ka nandito? Bakit mo hinayaan si Mommy?" Malumanay lang ang pagkakasabi noon ni Jewel kaya kung hindi mo nakikita ang mukha niya ay aakalain mong kalmado siya.

Kitang-kita ni Jelo ang lahat — ang pagragasa ng mga luha ngg anak at ang labis nitong panginginig. Sa puntong iyon, gusto na niya tumawag ng doktor, gusto na niyang saklolohan ang anak.

Oo, marahil nga at hindi siya naging mabuting ama kay Jewel pero kahit kailan hindi naalis ang pagmamahal niya sa anak.

Ang pagkawala ng asawa ang siyang naging turning point niya. Kailangan niyang magbago, kailangan niyang ayusin ang sarili at ang buhay dahil si Jewel na lang ang mayroon siya.

Alam niyang huli na ang lahat pero hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa. Hindi na siya susuko sa kahit ano pang hirap sa pagkakataong ito — pagkakataong mas kailangan siya ng anak.

"Anak, mahal ka ni daddy. Hindi man ako 'yung perfect na daddy na gusto mo–"

"Nasaan si Rod?"

Napuno ng katahimikan ang lugar. Tanging ang paghikbi at ang maya't mayang pagsinghap ni Jelo ang maririnig.

Talagang ninenerbyos na siya. Kailan nga ba ang huli? Siguro ay noong itinatayo niya pa lang ang JL Automotives. Pero ngayon... iba ngayon dahil ninenerbyos ito dahil sa kalagayan ng anak.

"Anak, kain ka na muna. 'Pag gumaling ka na, aalis na tayo rito at magkasama na kayo palagi ni J-Jihan..." Sinubukan niyang muling pakainin ang anak pero sa isang iglap, nagkalat na lugaw na ang nasa mga bisig at hita nito.

Gusto na niyang magalit — pagalitan ang anak pero wala siyang ibang magawa kundi maawa. This is not her Jewel. That motherfuck Rod Antonio, ano marahil ang ginawa nito sa anak niya?

"Nasaan si Rod?"

Nanatili siyang tahimik, pinakikiramdaman lang kung gaano kabasa ang slacks suot.

Her Awaited AnswerWhere stories live. Discover now