SPECIAL CHAPTER

8 4 0
                                    

ALEZ POV

Napatitig ako sa picture ni tricia. Kuha ito noong kasal nila jolina at kurt. Sobrang saya niya at ang mga ngiti niya ay abot hanggang mata. Hindi ko maiwasan mainggit sa mga litrato nilang tatlo. Naiinggit ako kay jolina sa totoo lang, dahil siya ang nakasaksi ng lahat ng mga pangyayari sa buhay ng anak ko. Hindi ko din mapigilan ang mapait kong pag ngiti, sana ako ang kasama niya pero hindi maari.

Sa totoo lang ayaw ko siyang ipamigay noon dahil anak ko siya. Anak ko siya sa lalaking mahal ko. Kaso anong magagawa ko kung nakasalalay ang buhay niya? Hindi ko kakayaning mawala siya sa akin ngunit mas hindi ko kakayanin kapag kinuha nila siya. Alam ko ang mangyayari kapag nagkataon, may tyansang patayin nila ito. Noong nalaman ng mga magulang ko na buntis ako at si kyle ang ama, hindi nila matanggap at pilit nila akong pinapabalik ng U.S. at sinabi nilang ipalaglag ko ang bata. Ayaw ko at hindi ko gagawin kaya sabi ko bigyan nila ako ng panahon babalik ako.

Noong mga panahon na iyon lumayo ako kay kyle. Alam niyang buntis ako pero nagtago ako hanggang sa makapanganak na ako. Agad agad kong binigay kay jolina ang bata bago pa malaman ng mga magulang ko na nagsinungaling ako tungkol kay tricia. Sinabi ko sa mga ito na nakunan ako at nagluksa kaya matagal akong nakabalik. Nawalan na din ako ng komunikasyon kay kyle matapos ko siyang pagtaguan. At huli ko ng nalaman na namatay pala siya sa aksidente. Aksidenteng alam ko na hindi totoo. Alam kong may kagagawan ang mga magulang ko sa nangyari. Harap harapan nilang pinapamukha sa amin na tutol sila at balak nila akong ipakasal sa iba. Hindi ko alam kung bakit tutol sila sa aming dalawa. Wala naman kaming ginawang mali o ano. Ngunit huli ko ng nalaman na mayroon palang hidwaan sa pagitan ng mga magulang namin.

Makalipas ang taon, akala ko lumipat na ng bahay si jolina ngunit nagpapasalamat ako na hindi. Sobrang saya ko na makasama ang anak ko kahit saglit lang at walang kasing saya ang nararamdaman ko noon na sa unang pagkakataon tinawag niya akong MAMA. Ang sarap sa pakiramdam kaso ramdam ko din ang lungkot dahil alam kong hindi iyon magtatagal. Tama nga ako dahil pinabalik na ako ilang linggo lang pagkatapos kong bumalik ng Pilipinas. Hindi ko pa nasusulit ang mga taon na nawala sa pagitan namin ng anak ko ngunit wala akong magawa. Pinapabalik na ako ng asawa ko. Oo, asawa ko. Tinuloy ng mga magulang ko ang desisyon na ipakasal ako isang taong hindi ko naman kilala. May mahal siyang iba at ganon din ako. Kaso ang kaibahan nga lang yung akin ay wala na, patay na. Alam ko din ang mga ginagawa ng asawa ko sa likod ko. Alam ko na nakikipagkita pa rin siya sa taong mahal niya.

Lahat ng paghihirap ko sa kasal namin na iyon ay ginagawa ko para sa anak ko. Ayaw kong malaman nila na buhay siya. Handa akong magtiis huwag lang siya mapahamak. Handa akong magmahal ng palihim at makita lang ang mga litrato niya, at least doon nakikita kong masaya siya.

Sobrang nagpapasalamat ako na tama ang taong pinag-iwanan ko sa anak ko. Tama lang na kay Jolina ko siya iniwan at hindi sa kung saang bahay ampunan. Doon alam kong mamahalin niya ang anak ko. Alam ko din ang mga saksripisyong ginawa niya lalo na ang pagtalikod sa kanya ng kanyang mga magulang at ni james. Sa aming dalawa alam kong mas may karapatan siya sa anak ko. Ako man ang nagluwal kay tricia pero hindi kayang pantayan niyon ang bawat sakripisyong ginawa ni jolina dito.

"oh nandito pala ang asawa ko" napairap nalang ako ng makita ko ang asawa ko

"wag ngayon" inis na sabi ko at tinalikuran siya.

"bakit ba kasi hindi ka nalang tumakbo sa kasal? Tignan mo tayong dalawa ang naghihirap. No, hindi pala mas naghihirap ako dahil sayo. Hindi ko makasama ang babaeng mahal ko dahil nakatali na ako sa babaeng walang ginawa kundi ituloy ang kasal."

Hinawakan niya ako sa braso ng mahigpit. Gusto kong pumiglas ngunit hindi ko magawa. Naawa ako sa sarili ko. Pero mas naawa ako sa kanya. Dahil sa kagustuhan kong iligtas ang anak ko, kahit labag sa loob ko nagpakasal ako sa kanya. Naalala ko ang mga panahon na nagmakaawa siya sa aking tulungan siyang huwag matuloy ang kasal ngunit wala akong ginawa kundi mag bingi-bingihan para sa kaligtasan ng anak ko. Kaya ganon nalang ang galit niya sa akin ng matuloy ang kasal.

"alam mo ba ng dahil sayo sumuko na siyang mahalin ako? Alam mo ba ng dahil sayo nawalan ako ng anak? Syempre hindi mo alam kasi maka-sarili ka!" galit na sigaw nito.

Mas hinigpitan niya pa ang hawak niya sa akin. Nasasaktan ako pero kailangan kong tiisin. Ako naman ang may kasalanan ng lahat. oo makasarili ako, kung para sa kaligtasan ng anak ko. Awang awa ako sa kanya lalo na ng malaman ko ang tungkol sa pagkamatay ng anak niya at wala na naman akong ginawa kundi magbingi-bingihan at magbulag-bulagan sa lahat. Kahit naman gusto ko siyang tulungan at makipaghiwalay sa kanya hindi pwede kasi hawak ako sa leeg ng mga magulang ko.

Bigla nalang niya akong binitawan. Muntik na akong matumba, buti nalang naagapan ko agad. Umiiyak na naman siya sa harap ko ngayon. Ilang taon na kaming ganitong dalawa. Ngunit hindi ko alam kung hanggang saan nga ba naming kakayanin na huwag magkasakitan ng pisikal. Hanggang paghawak lang sa braso ang kaya niyang gawin. Never niya akong sinaktan ng higit doon kaya ganon nalang ang awa ko sa kanya.

Nilapitan ko siya at niyakap.

"sorry. Sorry" wala akong magawa kundi humingi lang ng sorry. Kasalanan ko naman talaga kung bakit siya nasasaktan ng ganito. Napatingala siya sa akin at may nakita akong desidido sa mga mata niya

"lets try to work out our marriage."

~~~

Thank you for reading!

How Love WorksWhere stories live. Discover now