CHAPTER 9

5 3 0
                                    

"thank you, thank you for giving me a chance again. I will not promise but as long as you love me I will do everything for us to stay together." Kitang kita ko sa mga mata niya kung gaano siya kasensiro sa mga salitang binibitawan niya. Kilala ko siya at alam kong gagawin niya ang mga iyon.

"To be honest, loving you again is not easy scratch that, minamahal pa rin kita kahit na yung mga panahon na tinalikuran mo ako. Andami kong what ifs sa totoo lang, pero kailangan kong labanan yung takot na yon. Dahil kapag nanaig yung takot sa buhay ko never akong sasaya."

Madamdaming sabi ko. Living in this world is not easy, you bad days and good days. Tama nga yung sinabi ng babae kanina at nagpapasalamat ako na ginising niya ako sa mga takot ko sa buhay. Andami ng taon ang nasayang, masyado akong nasaktan sa mga taon na yon. Sapat na siguro ang lahat para naman piliin ko ang kasiyahan ko.

"I love you babe, I really do. Pasok kana baka hinihintay kana ni tricia" halata sa mga mata niya ang kasiyahan. Kasiyahan na humahaplos sa puso ko. Na miss ko ito, yung mga panahon na nag uusap kami para sa future naming dalawa.

"Sige good night, ingat ka sa pag d-drive okay?" paalala ko ditto.

"Syempre naman, para mas matagal kitang makasama hindi ako pwedeng mapahamak. Sige na pumasok kana" pagtataboy niya sa akin. At natatawa nalang ako sa ka-kornihan niya. Tumalikod na ako, at bago pa ako makapasok ng gate

"wala bang goodnight kiss dyan? Kahit sa pisngi lang" pahabol na sabi niya. Namula naman ako bigla. Jusko ang lalaking ito walang kahihiyaan. Wholesome tayo babe hahahaa charot. Kainis kinikilig ako grr.

"wala kaya umalis kana pagtataboy ko dito" at pinipigilan na huwag humarap sa kanya.

Baka pagtawanan na naman ako nun kapag nakita niyang namumula ako, mas lalong nang-aasar yan kapag ganon ang nagiging reaksyon ko. Kita ko naman ang pag ngisi niya ng humarap ako. Pinagtaasan ko lang siya ng kilay , siya naman ay nag sign na pumasok na ako sa loob. Ngunit bago ako tumalikod muli, dali-dali akong tumingkayad para maabot yong pisngi niya at sabay takbo papasok sa loob.

"HOYY!!" nabibigla niyang sabi. Gusto ko sanang makita ang reaksyon niya kaso tinablahan na ako ng kahihiyan.

"Sana pala humarap ako para sa lips tumama. Good night babe! See you in my dreams!" habol pa nito sabay tawa . Alam kong nakangisi siya ngayon. Nang marinig ko ang mag andar ng sasakyan niya saka lang ako kumalma. Naka sandal ako sa pinto at hanggang ngayon ramdam ko ang kahiyaan at pamumula.

"ARRGHHH! "

"HOY! HUWAG KANG MAINGAY BABAITA KA! May natutulog na bata" gulat naman ako sa babaeng sumulpot sa harapan ko at nakataas ang kilay ngunit hindi nakatakas sa akin ang ngisi niyang nang-aasar. Umiwas naman ako ng tingin at dumiretso sa kusina

"nakita ko yun HAHAHAHAHAHA. Nakakatawa kayo, parehas na feeling teenager kaloka. Ang tanda tanda na eh" sabi niya at tawang tawa. Palibhasa walang lovelife kaya bitter. Hindi ko nalang siya pinansin

"anyways, kailan mo sasabihin sa kanya ang totoo tungkol kay tricia?" napa ubo naman ako matapos marinig ang tanong niya. At talagang tinapat pa talaga kung kailan ako umiinom ng tubig!.

"hindi ko alam, humahanap pa ako ng tyempo" maikli kong sagot matapos kong maka-recover sa pagkasamid. Buti nalang hindi lumabas yung tubig sa ilong ko kundi ang hapdi kaya! At yuck.

"hmm paano naman si alez?. Kailan mo ipapakilala kay tricia bilang totoong ina niya?" natigilan naman ako sa tanong niya bigla.

"karapatan ni tricia malaman at may karapatan din si alez" dagdag niya

"alam ko, next week sasabihin ko na kay tricia ang lahat pero hindi ko siya pwedeng biglain dahil bata pa siya. Saka alam mo naman ang dahilan ni alez" napakibit balikat nalang siya

"uuwi na ako hinahanap na ako sa bahay" napatingin naman ako sa orasan. Pasado alas nyube na.

"Dito ka nalang kaya matulog? Gabi na eh baka antukin ka sa daan"

"kung pwede lang, kaso kailangan kong umuwi kahit tinatamad akong mag drive. May mga kailangan kasi akong files na bukas na ang presentation at naiwan ko pa sa bahay kaya kailangan ko talagang umuwi." Sabi nito at nauna nang lumabas sa kusina. Sumunod naman ako sa kanya at nakitang nag aayos siya ng mga gamit.

"sige ingat ka ah!. Salamat pala sa pagbabantay kay tricia." Hanggang ngayon wala pa rin kasi si nanay ineng. Dapat kahapon pa siya nakaluwas kaso may emergency na nangyari at wala akong choice kundi guluhin si alliah sa bahay niya. Okay lang naman dito dahil napamahal na siya kay tricia.

"okay lang ano ka ba. Saka napalapit na rin ako sa bata, at ayaw ko namang kung kanino mo siya iwan. Sige na huwag mo na akong ihatid sa labas. Sarado mo mga pinto at bintana. I-double check mo na rin. Alis na ako bye" Kinuha na niya ang mga gamit niya at bumeso sa pingi ko. Inabangan kong makasakay siya at makaalis ng bahay ngunit bago yun nag paalala muna akong mag text siya kung nakauwi na siya at mag-ingat. Siya kasi ang babae na kapag nagmamadali walang pakialam sa traffic light kaya minsan ayaw kong sumabay sa kanya kapag nasisira ang kotse ko o kapag nagpapa car wash ako.

Mabilis ang pagdaan ng mga araw. Araw-araw nanliligaw si kurt sa bahay at kilala na din siya ni tricia. Magkasundong-magkasundo nga ang dalawa.

parang mag ama silang tunay ano? bigla kong naalala ang sabi ni alliah isang araw ng maabutan niya sila tricia at kurt na naglalaro sa sala.

minsan nga ayan na din iniisip ko. Hahahahah may pagkakataon nga na gusto kong magselos dyan kay kurt kasi madalas na siyang piliin ni tricia kaysa sa akin. Ang lalaking iyon, inaagaw pa ang anak ko napangiti ako ng makita ko kung paano mag effort si kurt mapalapit lang kay tricia.

"hindi ba sabi mo, hindi mo kilala ang tunay na ama ni tricia?" hindi ko alam ngunit ng marinig ko yon ay kinabahan ako. Alam kong may ibig itong sabihin ngunit ayaw kong tanggapin ang mga ito

"paano kung si kurt pala ang ama ni tricia? Tignan mo oh, andami nilang similarities na dalawa" dagdag nito sabay turo sa dalawa.

"ayaw ko ng pinaparating mo. Saka huwag na nga natin pag usapan yan" pag iiwas ko na tanong. Hindi ako bulag para hindi ko mahalata ang pagkakapareho nila kurt at tricia sa madaming bagay. Minsan naiisip ko ang mga sinasabi ni alliah ngunit ayaw tanggapin ng utak ko.

"babe tulala ka na naman" napabalik ako sa realidad. Tama baka mali si alliah. May mga case naman na madaming pagkakapareha ang isang tao. napailing nalang ako, ano ba itong mga niisip ko. Nakakainis naman si alliah kung ano anong pinapasok sa utak ko

"ah wala may naisip lang ako" pag iiwas ko

"babe, nasa harap mo na ako, iniisip mo pa rin ako. Baka mapagod na ako niyan bigla. Kasi kanina pa ako tumatakbo sa isip mo" nakangisi niyang sabi.

Ang yabang talaga ng isang to. Bago ko pa siya mabara ay narinig ko na ang pag doorbell ng pinto. Si alez na siguro iyon. Ngayon ang araw na sasabihin ko kay kurt ang totoo at ipapakilala ko naman si tricia sa tunay niyang ina.

Umalis ako sa harap niya at dumiretso sa pinto. Bumungad sa akin ang fresh na fresh na si alez. Ganda talaga ng kutis ng babaeng 'to kaya ang ganda din ng anak ko eh, pero mas mana sa akin yon.

"Bagay sayo ang damit mo. Kahit ano atang idamit mo ay babagay sayo" sabi ko dito. Napatawa naman ito sa sinabi ko. Nilakihan ko ang pagbukas ng pinto at pinapasok siya. Pagpasok naman niya ay sinara ko na din ang pinto.

"Hello, pasensya na ngayon lang ako ulit naging available. May gusto ka---"

"ALEZ!?" napalingon naman ako sa pinanggalingan ng boses na iyon.

"KURT?" nagtataka at natatakot na tanong ni alez.

~~~

How Love WorksWhere stories live. Discover now