CHAPTER 8

5 3 0
                                    

"sorry na late ako. Traffic" sabi ko agad pagkadating ko sa meeting place namin.

Its been years and yet nandito ulit kami kung saan kami laging tumatambay after class. Ang shop na ito ang saksi sa lahat ng memories na meron kami. Mula sa umpisa na ako lang mag-isa, hanggang sa dumating siya sa buhay ko. At sa huli ako din pala ang maiiwan ulit na mag isang naghihintay sa kanya nang ilang taon pabalik-balik dito. Kaya sinong mag-a-akala na babalik ulit kami dito. Hindi bilang mag kaibigan, hindi bilang manliligaw at nililigawan kundi bilang parehas na ordinasyong tao na closure nalang ang nagbibigay tulay sa dalawa para matapos na ang lahat.

"it's okay, kadarating ko lang din" tumayo pa siya at pinaghila ako ng upuan. Nagpasalamat naman ako pagkatapos. Still, the same kurt but does your feelings remain the same?

"Spill. Hindi ako pwedeng magtagal may anak na naghihintay sa akin"

"kumain muna tayo, please. Omorder na ako ng mga dati nating inoorder. Ayun pa rin naman ang gusto mo diba? Or bago na?" marahan niyang tanong

"wala naman nagbago e, ikaw lang naman sa ating dalawa. Anyways okay sige kumain muna tayo. "

Baliw ka jolina! Ano ba mas papalalain mo pa ata ang gulo sa pagitan niyong dalawa. Still bitter self? Of course NOT!. WHY WOULD I?

"may problema ba? Kanina ka pa umiiling dyan, ayaw mo ba ng inorder ko?" ayy shems nakakahiya

"no its okay. May naalala lang akong pusa na ang sarap tirisin" awkward na ngiti ko pa sa kanya.

Pagkatapos naming kumain, dali dali akong pumunta muna nang comfort room. Napatingin ako sa salamin. Ito na yon wala ng atrasan ito

"kaya mo ba self? Kalma lang. kung ano man ang problema or marinig mo wala ng magbabago kaya kumalma ka okay?" nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga.

"alam mo ate gurl, sobrang lalim naman ata ng problema mo pero kung anuman yon lagi mong ta-tandaan na hindi lahat laging good days. May mga pagkakataon na madaming bad days pero hindi yun sapat para sumuko ka sa hamon sa buhay. Gamitin mo yung mga bad days na yon lalo na ang mga lesson para mas maging matatag ka" napalingon ako sa nagsalita.

Kakalabas lang niya ng cubicle. All black ang outfit niya mula sa make up, lipstick, damit, hanggang sapatos, naiiba lang ang buhok niyang blonde. Maputi din siya at maganda. Napatitig ako sa mga mata niya wala akong emosyon na nakikita para lang siyang walang kinakausap or sinasabi. Sobrang plain. Tinignan niya din muna ako bago tumalikod, at doon lang ako natauhan. Kailangan ko nang lumbas.

"kaya mo ito jolina! Fighting!" pagpapalakas ko pa nang loob ko at desididong naglakad pabalik sa pwesto naming kanina.

"umalis ako kasi kailangan ako ng pamilya ko. My brother died in a car accident na alam naming sinadya naman talaga. Hanggang ngayon hindi pa rin namin nahahanap ang tunay na may kasalanan sa pagkamatay niya. Hindi ako nakapag paalam dahil nawala din ang cellphone ko ng araw na iyon. Sa kakamadali kong lumipad papuntang U.S. hindi ko namamalayan na nawala ang phone ko. Gusto ko mang hanapin ngunit hindi na ako nabigyan nang pagkakataon." huminga muna siya ng malalim bago ituloy ang sasabihin niya.

"Pagkadating ko agad sa U.S. andami nang pinagawa sa akin ni Papa. Iniwan niya sa akin lahat ng mga iniwan ni kuya. Wala akong alam sa ibang business na iyon kaya ang ginawa nila pag-aralan ko iyon hanggang sa ma-master ko. Ayaw ni papa ng pumapalpak. Kasabay ng pagtra-trabaho ko ay hinahanap ko din ang totoong may kasalanan kung bakit nawalan ako ng kapatid. Ang laki ng iniwan sa akin ni kuya na responsibilidad at sa dami yon nawalan ako ng oras para kausapin ka kahit saglit lang."

"Yung araw ginagawa kong gabi, at ang gabi ginagawa kong araw. Araw-araw naiisip kita, sayo ako kumukuha ng lakas sabi ko sa sarili ko balang araw magkikita ulit tayo at kapag dumating ang araw na yon hindi na kita papakawalan pa. lagi kong naiisip na sana dumating na ang araw na yon at ito nga dumating na kaso huli na ata ako."

Nakita ko ang sakit sa mga mata niya. Gusto kong punasan ang mga luha niya pero naestatwa na lang ako sa mga narinig ko. So ayun pala ang dahilan. Kilala ko ang mga magulang niya, na meet ko na sila ng isang beses ng pinakilala ako ni kurt bilang nililigawan niya. Mabait naman sila pero halata ang pagiging istrikto. Lahat ng kilos laging parang may bilang at bawal magkamali kaya hindi na ako magtataka kung bakit hindi nga niya magawang kontakin ako.

"gusto kong umuwi na sa Pilipinas pero kada sinusubukan kong umuwi lagi nila akong tinatakot at si mama, hindi ko siya kayang iwan ng mga oras na yon. Nawalan na siya ng isang anak at hindi ko na hahayaan na mawalan ulit siya ng isa pa. Sa araw at gabi alam kong umiiyak siya, nagpapanggap na masaya kapag kakain na o nakatingin kami sa kanya pero kapag mag-isa nalang siya doon na bubuhos ang mga luha sa mga mata niya. Kaya patawad, patawad kung ngayon lang ako. Patawad kung nahuli na ako, pero pwede bang humiling pa ng isang pagkakataon? Bigyan mo sana ako ng chance ulit. Magsisimula ako ulit manligaw sayo mula sa umpisa, pero this time gusto ko sa simbahan na ang tuloy. Please" hinawakan niya ang mga kamay ko at unti-unti itong tinaas papunta sa mukha ko. May kung ano itong pinahid sa pisngi ko at hindi ko namamalayan na umiiyak na rin pala ako.

Ano ba ang dapat kong gawin? Mahal ko siya, no, mahal na mahal ko pa rin siya sa kabila ng lahat. Gusto kong pumayag sa gusto niya pero natatakot ako. Paano kung? Napatigil ako mag isip ng mga what ifs nang maalala ko ang mga sinabi ng babae kanina.

'alam mo ate gurl, sobrang lalim naman ata ng problema mo pero kung ano man iyo lagi mong tatandaan na hindi lahat laging good days. May mga pagkakataon na madaming bad days pero hindi yun sapat para sumuko ka sa hamon sa buhay. Gamitin mo yung mga bad days na yon lalo na ang mga lesson para mas maging matatag ka'

Tama siya, hindi dapat ako magpatalo sa kung ano mang hamon sa buhay. Masyado ng maraming nangyari, sapat na siguro yung mga bad days para maging good days naman lahat nang susunod na araw sa buhay ko. Gusto ko din naman sumaya sa piling ng taong mahal ko ngunit lagi akong pinapangunahan ng takot kaya sige, this time hindi na ako matatakot sumubok muli.

"Pumapayag ako. Magsimula tayong muli "

~~~

How Love WorksWhere stories live. Discover now