CHAPTER 2

19 3 0
                                    

"doc okay na ba ang anak ko? " umiiyak na tanong ko sa doctor.

Sinugod namin agad si tricia sa hospital matapos naming nadatnan ang nakadapa niyang ayos sa kwarto at ang walang hanggan niyang iyak na nagsusumigaw ng matinding sakit.

"ligtas na po siya misis, buti nalang at naagapan niyo siya agad ngunit kailangan pa ng matinding pagsusuri kung talagang walang naapektuhan na buto sa pagkakahulog niya. Binigyan na rin naming siya ng pain reliever na sapat sa edad niya"

Matapos kong makausap ang doctor ay agad ko ng pinuntahan ang kwarto kung saan naroroon ang anak ko.

"mommy!" sigaw niya pagkapasok ko ng kwarto.

"oh ang baby ko gising na pala, may masakit ba sayo anak? Sabihin mo kay mommy. Anong nararamdaman mo? Huwag mo ng pag alalahanin ng ganon si mommy mo okay?"Nabigla ako ng hinawakan ng maliliit niyang kamay ang pisngi ko at tila may pinahid na kung ano

"mommy dont cry please, Im okay now na po. Sorry mommy if napag-alala kita promise hindi na po mauulit"

Napahagulgol nalang ako ng iyak at niyakap siya ng mahigpit. God thank you for healing and saving my daughter, thank you for giving me reason to continue my life hindi ko siya kayang mawala sa tabi ko. Nakikiusap ako sa Iyo, parang awa mo na huwag mong ilayo ang anak ko hindi ko kakayanin. Sana sana hindi na siya kuhanin ni alez, hindi ko kakayanin

Napapikit nalang ako sa walang katapusang pag-agos ng luha ko. Natatakot ako hindi lang dahil sa na-ospital ang anak ko, kung hindi natatakot din ako na baka nga tama si alliah baka bumalik si alez at kuhanin si tricia. Hindi ko kakayanin kung magkataon man.

*****

"lets go baby kain na tayo." Kakatapos ko lang sunduin ang anak ko at kasalukuyan kaming nasa mall

"mommy I want jabeee pleaseeee" at nag pa cute pa nga.

"hmmm mag iisip muna si mommy" kunwaring sabi ko at pinantayan siya ng tangkad

"please mommyyy! Promise I will be a good baby girl na po" at hinalikan pa nga ako sa pisngi ng batang ito. Nakooo ang sarap talagang kurutin ng pisngi.

"how can I say no to my favorite baby?" nakangiting sabi ko at kinurot ng mahina ang kanyang pisngi.

"yehey!!! I love you mommy! You are the best mommy in this world!" Nakangiti niyang sabi at tumakbo na papunta sa Jollibee. How can I wish that I am your true mommy. Agad kong inalis ang kung ano mang negative na ideyang yon at mabilis ko siyang sinundan.

"mommy hereeee!"

Hay nako 'tong bata na ito sigaw nang sigaw hindi na nahiya sa madaming tao. napalingon naman ako sa kung nasaan siya at ang batang magaling nakatungtong pa sa upaan

"Tricia! Sit down! Huwag kang tumungtong!" nag alala ako agad naku talaga. Matigas din ang ulo ng batang ito

"hehehe sorry mommy. Para po kasi makita mo po ako. Effective naman po hihihihihi" at bumungisngis pa nga. Umorder na ako ng lunch at pagkatapos naming kumain ay nag aya pa ang bata maglaro sa timesworld. Hinila-hila pa niya ako para daw bilisan ko maglakad at makarami siya ng games.

"okay, 200 pesos worth of token lang ah" sabi ko dito. Tumango naman siya at ngiti hindi mawala wala sa labi at mga mata niya. Nagpalinga-linga siya sa paligid na parang may hinahanap ng matapos niya makita ay hinila niya ako doon agad, buti nalang tapos ko ng makuha ang mga token.

"mommy here, I wanna dance!" tili pa nito.

"okay pero huwag ka masyadong magpapagod ah? Baka matuyuan ka ng pawis niyan sige ka babalik na naman tayo sa hospital gusto mo yon?" Pananakot ko sa kanya

"No mommy! No. I dont like hospital!" iling iling pa nito.

"hmm so anong gagawin para hindi na bumalik sa hospital?"

"huwag masyadong magpapawis, then iinom ng tubig po. Saka magpapahinga bago umuwi" tumango tango pa na sagot nito.

"very good naman ang baby ko, pa kiss nga si mommy" kiniss naman niya ako sa pisngi bago pumunta sa machine kung saan ma step ka para sumayaw. Dahil napagod na sigiuro ang nauna sa amin kaya umalis na sila at pagkaalis na pagkaalis nila excited na excited sumayaw ang butwit na bata.

"mommy faster! Slide the card!"

"sshhh, dont shout okay" Inislide ko na ang card para manahimik na siya. Pagkatapos niyang magsayaw sayaw doon ay kung saan-saan pa siya pumuntang laro. Nakailan na siya sa claw machine pero wala pa rin. Ngunit pursigido talaga siyang makakuha.

"mommy can we buy more token please, I really want this stuff toy" pagpapa-cute niya at tinuro pa ang ang kulay pink na stuff toy. Si melody, sa hello kitty.

"no baby we can't, used that last token then we will go home after"

"but mommy—" pagmamaktol pa nito

"no tricia, what mommy said about stuffs?" pagpapaalala ko sa kanya. Ngumuso naman ito bago sumagot.

"don't buy stuff that you will not need and used. Its better to save money and buy it for foods"

Tumango tango pa ako. Bata palang tinu-turuan ko na si tricia ng mga bagay bagay na kailangan niya para sa hinaharap. Hindi siya dapat lumaki ng gastadora! Mamaya kapag laki niya at sale ang lazada at shopee eh maging marupok siya at kung ano ano ang bilhin. Mabuti ng advance.

"there is still a next time naman baby. Promise next week babalik tayo okay? For now gamitin mo na ang last token then uuwi na tayo. Malay mo swerte yan tapos makakuha ka diba?" pang-uuto ko pa sa kanya para hindi na niya ipilit ang gusto niya. Naka nguso pa rin siya ng ihulog na niya ang last token.

"OMO MOMMY! WAHH MELODY!" at nagsisigaw pa siya. Napatingin tuloy sa gawi naming ang mga tao. Ngumiti nalang ako sa kanila bilang paghingi ng pasensya. Yung iba ngumiti dahil nakikita yung kasiyahan ni tricia, yung iba naman walang paki at bumalik na sa ginagawa nila.

"yehey mommy. I got melody!" tuwang tuwa na sabi nito.

"oh diba sabi ko naman sayo eh. Tara na uwi na tayo" niyakap naman niya si melody ng mahigpit at nagpatalon talon pa sa tuwa. Nang mapagod siyang maglakad nagpabuhat na ito.

Ang bigat ng batang to. Sobrang lumaki na. Nakatulog na siya sa daan bago pa kami makauwi sa bahay. Maingat ko siyang nilapag sa higaan namin at pinagmasdan.

"I love you baby, I can't lose you. I cant. Dont leave mommy please." Pinagmasdan ko lang siya at hindi ko namamalayan nakatulog na din pala ako.

*****

KRINGGGGGG!!

Na gising ako sa tunog ng cellphone ko. Napatingin ako sa oras at saka ko lang namalayan na nakatulog pala ako. Mag aala-cinco na pala kailangan ko ng bumagon.

KRINGGGGG!!

Ay may tumatawag pala. Inabot ko ang cellphone ko sa mesa at walang tingin na sinagot ito.

"hello?" pambungad ko na tanong

"HI! Miss me?"

Natigilan ako bigla sa tumatawag. Tinignan ko naman kung sino at ganon nalang ang gulat ko.

~~~

How Love WorksWhere stories live. Discover now