CHAPTER 7

7 3 0
                                    

"P-P-papaanong? Anong ginagawa mo dito!"

"Miss me babe? I miss you too" hahalik sana ito sa pisngi ko kaya lang bigla ko siyang sinapak sa mukha.

"aray naman! Napaka bayolente mo talaga babe!" sabay himas sa pisngi niya.

"at anong ginagawa mo dito kurt? Paano mo nalamang andito kami?" inis na tanong ko. Paano ba kami natunton ng bwiset na lalaking ito.

"syempre, I have my ways" napairap nalang ako sa inis. Ano pa bang aasahan ko sa lalaking ito.

"mommyyy!! Come hereeeee!" napalingon ako kay tricia kasama pa rin niya ang mga bata at si alez naman ay biglang nawala sa tabi ko. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta o kung nagpaalam ba siya sa akin ng hindi ko napapansin dahil sa lalaking katabi ko ngayon.

Pinuntahan ko naman si tricia, hinawakan niya agad ang kamay ko at iniharap sa mga kalaro niya.

"mommy I want you to meet Shania, Kira, and Mira". Napadako ang tingin ko sa tatlong batang nasa harapan ko. Isang sobrang puting babae na singkit halatang may lahi, at ang dalawang magkamukhang magkamukha. Malamang kambal ang dalawang ito.

"Hello kids, nag enjoy ba kayo sa paglalaro?" nakangiti kong tanong sa kanila

"opo!" sabay-sabay na sagot ng tatlo.

"mommy, where is tita alez?" nagtatakang tanong niya. Oo nga kanina ko pa napapansin na nawawala siya simula ng sumulpot si kurt kung saan.

"Baka nag comfort room lang baby, play na ulit kayo. Lapit ka sa amin ni tita alez kapag gutom kana ah? Kayo din kids salo na kayo sa pagkain madami naman kaming baon" anyaya ko sa kanila. Bago sila bumalik sa paglalaro, pinunasan ko muna ang likod ni tricia. Pawis na pawis na pero hindi pa rin napapagod maglaro.

Naupo naman ako sa blanket na nilatag naming kanina. Dito tanaw na tanaw ang kasiyahan sa mukha ng mga bata. Ansarap bumalik sa pagkabata, walang problema at puro laro lang ang nasa isip. Kaso bigla kong naalala na hindi nga pala lahat ng bata ay ganon ang naging experience. May mga bata na hindi lumaki sa masayang childhood memories..katulad ko.

*beep* kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko at tinignan kung sino ang nag text sa akin.

"sorry I need to go. Emergency lang. take care of tricia. Ingat kayo sa pag-uwi."

Hindi ko mapigilan na hindi makaramdam ng inis at panghihinayang. Ngayon nalang ulit niya nakasama ang anak niya pero tinalikuran na naman niya baka nga mas mahalaga ang pupuntahan niya kaysa sa sarili niyang anak. Sabagay masyadong busy si alez. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa buhay niya. We are friends since high school pero noong bumalik siya madami ng nagbago, katulad ng pagkakaibigan namin.

"so she is tricia right?" napalingon naman ako sa biglang tumabi sa akin. Sino pa ba edi ang taong pasulpot-sulpot sa buhay ko.

"wala kang pakialam. At saka bakit ka nga ba bumalik ulit? Masaya na ako pwede ba!" hindi ko mapigilan ang inis na nararamdaman ko sa kanya. For past 2 years wala akong naging balita sa kanya, parang si alez lang.

"babe let me explain please" pilit niyang hinahawakan ang mga kamay ko pero iniiwas ko ito.

"for what? Para mapaasa mo ulit ako? Nakapag move on na ako. Tapos na yun at kung pwede huwag ka ng bumalik hindi na ako interesado sa kung ano na namang kasinungalingan o pag papaasang gagawin mo" pilit kong iniiwas ang tingin ko at tinatatagan ang bawat salitang lumalabas sa labi ko. Ayaw kong makita niyang mahina ako. Na hanggang ngayon may epekto pa rin siya sa akin. Ayaw ko na. Tapos na. Tama na ang ilang beses akong nagpakatanga sa kanya.

"Itatama ko na lahat ng mali ko please pakinggan mo muna ako" nakikiusap na sabi niya. Gusto kong malaman ang dahilan niya pero ayaw kong masaktan muli ang puso ko baka sa pangalawang pagkakataon hindi ko na kayanin. Bakit ba kasi siya bumalik at tinaon niya pa na andami kong problema dadagdag pa siya!.

"paano kung one day bumalik si kurt, tatanggapin mo pa rin ba siya?" hindi ko alam pero biglang bumalik sa alaala ako ang pag uusap naming ni alliah, 2 years ago.

"hindi ko alam sa totoo lang. mahal na mahal ko siya. Mas minahal ko siya kaysa kay james pero wala eh bigla siyang umalis ng walang paalam". Nandoon ang sakit sa mga tinig ko habang binibitawan ang mga salitang iyon. Kapag naaalala ko ang mga araw na magkasama kaming dalawa, hindi ko maiwasan na hindi umiyak. Napapatanong ako sa sarili ko kung ano nga ba ang kulang sa akin? Bakit niya ako iniwan?

"paano kung may dahilan siya?" curious na tanong niya

"lahat naman may dahilan. Lahat naman may sense pero hindi lahat valid napa-ngiti ako ng mapait."

Oo, alam ko may rason siya pero sapat ba talaga yon para mang-iwan siya ng walang sinasabi kahit man lang ang salitang paalam?

"sabagay. Pero tatanggapin mo pa ba siya kapag nalaman mo ang mga dahilan niya?" doon ako napaisip. Tatanggapin ko pa ba ang taong mahal na mahal ko pero hindi ako binigyan ng pagkakataon na malaman ang dahilan sa dalawang taong lumipas?. Sa totoo lang hindi ko alam. Nakakatakot malaman ang mga dahilan sa likod ng pang iiwan niya. Isa siyang ghosting pero mas masakit ito kasi nauna muna kaming naging magkaibigan bago niya ako niligawan. At kung kailan napag desisyonan ko ng sagutin siya doon naman siya nawala ng parang bula.

"Pero tanggap niya si tricia diba? Kahit na ang pagkakaalam niya anak mo talaga siya?" tanggap niya si tricia at sobrang saya ko nun. May mga panahon na siya ang nag aalaga kay tricia noong sanggol pa ito. Tinulungan niya ako ng mga panahon na tinakwil ako ng mga magulang ko.

"Oo. Mahal niya din ito. At ayun nga ang hindi ko maintindihan kung bakit nga ba umalis nalang siya bigla. Naghintay ako ng araw, linggo, buwan at umabot na ng taon pero ni isang balita wala akong narinig sa kanya!" may hinanakit na sagot ko.

"kaya nga, kung magpapaliwanag siya at isang araw sumulpot siya bigla sa harapan mo. Huwag kang matakot malaman ang totoo. Kasi baka ayun ang mag papalaya sa puso mo o mag bibigay sayo nang saya. Masyado ng matagal ang dalawang taon na sakit kaya kung sakali na magpaliwanag siya, pakinggan mo. Hindi para sa kanya, kundi para sa sarili mo"

Bigla kong naalala ang pag uusap namin dati ni alliah. Tama siya! Dapat hindi ako matakot malaman ang totoo kung ito ang magpapalaya o ang magpapatatag pa sa akin nang husto. Sapat na ang madaming taon na nasaya oras na siguro harapin ang problema. Hindi na ako tatakas o tatakbo muli sa mga hamon sa buhay.

"Sige pumapayag na ako."

~~~

How Love WorksWhere stories live. Discover now