CHAPTER 1

33 5 0
                                    

"Jolina sorry kung iiwan ko muna siya sayo ah, pangako babalikan ko siya".

Gusto kong tumanggi sa hiling ni alez pero hindi ko magawa dahil kaharap ko ngayon ang sanggol na biglang nagpatibok ng puso ko. Gusto ko siyang tanggihan pero hindi kaya ng puso ko.

"pero alez---" hindi na niya ako hinayang mag salita at dali dali niyang inabot sa akin ang hawak niyang sanggol.

"please! Promise babalik ako kailangan ko lang talagang ituloy yung kontrata kung hindi idedemanda nila ako. Nakikiusap ako sayo" wala na akong nagawa ng pagkatapos niyang sabihin iyon ay tinalikuran na niya ako kasabay ng pangtalikod niya ay ang pag iyak ng sanggol na hawak ko.

Napatingin ako dito, hindi ko alam ang gagawin ko. Wala akong alam sa pag aalaga at pagpapalaki ng bata. Im only 19! for pete sake. I dont know what to do.

*****

"mommyyyyyy!" matinis na sigaw ng isang bata.

"ohh shems baby!" napasigaw ako sa gulat sa kanya.

"mommy look oh! I have many stars! " pagmamalaki niya sa mga stars na nasa kamay at braso niya.

"wow baby good job! Pa kiss nga si mommy."

"mwahhh! " isang matunog na halik ang binigay niya sa pisngi ko pagkatapos ay binuhat ko na siya

"mommy put me down! I am a big girl na!" nagpupumiglas siya sa hawak ko kaya binaba ko na siya

"hay nako ikaw na bata ka, para kay mommy baby pa rin kita okay? Sige na magpalit kana sa taas sumunod naman siya agad.

"so ano ng balak mo?". napatingin ako sa nagsalita pagkatapos kong Makita na nasa kwarto na si tricia.

"anong balak? Anyway, salamat sa pagsunod kay tricia ah. Sorry kasi natambakan kasi ako ng trabaho." Alliah rolled her eyes at padabog na umupo sa upuan na nasa harap ko. Rinig ko pa ang malalim niyang buntong hininga

"anong gagawin mo kapag bumalik si alez? Its been 6 years already ni sustento ng anak niya wala syang binibigay! "

"pwede ba hinaan mo yung boses mo, baka marinig ka ng bata. Saka alam kong babalik si alez at kukunin niya sa akin si tricia pero kas-"

"napamahal kana sa bata at hindi mo siya kayang ibalik sa tunay niyang ina hindi ba? Huwag mo ng ibalik si tricia, tutal iniwan naman na niya ang anak niya ni mabigyan ka nga ng pambili ng gatas hindi magawa eh! " napangiti ako ng malungkot

"oo ako ang nagpalaki kay tricia, pero wala akong karapatan hindi ako ang tunay niyang ina so sino ang may karapatan si alez? Oo siya ang nagluwal pero hindi siya nagpaka-ina sa anak niya! Iniwan nalang niya basta basta. " kita ko na ang sobrang pagkainis niya sa akin na kung sinipag lang siyang tumayo sa tapat ko baka hinampas hampas na niya ako.

"may rason naman siguro siya—"

"huwag mon gang ipagtangol ang babaeng yun! Sobrang bait mo kasi kaya ka inaabuso ng mga tao saka rason niya mukha niya--- " hindi na natapos ni alliah ang sasabihin niya ng may narinig kaming kalabog galing sa taas at ang pag iyak ni tricia.

"mommyyyyy! "

-----

HI! Sobrang bilis lang ng transition nito, tinapos ko kasi siya before mag start yung online class naming. ^_^

If merong nagbabasa nito, kindly comment your thoughts so that I know what aspects should I improve. Hope you help me improve. thank you~.

How Love WorksWhere stories live. Discover now