CHAPTER 10

4 3 0
                                    

"ALEZ!?" napalingon naman ako sa pinanggalingan ng boses na iyon.

"KURT?" nagtataka at natatakot na tanong ni alez.

Halata sa mukha nila ang pagkakakilanlan. Ngunit hindi nakatakas sa mga mata ko ang takot na bumabalot kay alez. Bago ko pa matanong ito ay nagmamadaling itong umalis ngunit

"TITA ALEZ!" Agad kaming napalingon kay tricia na mabilis tumakbo patungo kay alez at niyakap ito. Kung dati nasasaktan ako makita sila, ngayon naawa ako para sa dalawa.

"Ah..eh.. hello baby girl" halatang hindi kumportable si alez sa sitwasyon.

Nakatingin naman si kurt kay alez at tricia na nag uusap. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba at takot. Paano kung tama pala ang hinala ni alliah? Paano kung si kurt nga ang tunay na ama ni tricia?. Paano na kaming dalawa? Hindi na kami pwede kung nagkataon. Mawawalan na naman ba ako ng mahal sa buhay? This time pati ba naman anak ko mawawala na din sa akin?.

Naguguluhan man ngunit pinili kong iwaksi kung ano man ang mga iniisip ko. Hindi nakakatulong sa sitwasyon ko ang pag o-overthink ng mga bagay bagay. Wala ng nagawa si alez kundi mag stay.

Nasa lamesa kaming apat. Kaharap ko si kurt at katabi niya si alez. Ako naman at katabi ko si tricia at kaharap naman nito si alez.

"Ahh kain muna tayo. Nag handa kami ni kurt ng tanghalian" awkward kong sabi at inaabot sa kanila ang mga pagkain. Tahimik lang kaming tatlo. Walang gustong magsalita at kung meron man kapag nagtatanong or kinakausap si tricia. Halata ko pa rin kay kurt ang pag tataka sa mga mata niya.

Natapos kaming kumain na nakatulog na din si tricia pagkatapos. Inakyat ko muna ito sa taas.

"ang laki mo na anak" habang pinagmamasdan ko siya mas lumilinaw ang pagkakapareho nila ni kurt. Bago ko iwanan si tricia, siniguro ko muna kung tama ang lamig ng aircon at ang mga gamit niya. Kinumutan ko na rin siya at hinalikan sa noo.

Malapit na akong bumaba ng may marinig akong pag uusap. Halatang hinihinaan ang boses pero hindi pa rin nakaligtas sa aking pandinig ang mga ito.

"anong ginagawa mo dito? Saka bakit ka nandito? Paano mo kami nahanap?" takot na tanong ni alez.

"ikaw ang dapat kong tangunin. Anong ginagawa mo dito? Saka magkakilala kayo ni jolina?" balik na tanong nito

"pwede ba tama na, tahimik na ang buhay ko saka--" bago niya pa matapos ang sasabihin niya lumabas na ako sa pinagtataguan ko. Kahit gustong gusto ko marinig ang pag uusap nila gusto ko pa rin sila bigyan ng privacy. At ayaw ko din na magpatalo sa kung ano-anong pumapasok sa isip ko.

"Ahh.. may problema ba?" tanong ko sa dalawa ng makarating ako sa pwesto nila.

Nakita ko din ang gulat sa mga mata nila at ang biglang paglayo sa isat isa. Gusto ko na umiyak at maghinala pero baka naman mali din ako kaya pilit kong inaalis sa isip ko ang mga kakaibang kilos nilang dalawa.

"Tara sa sala may sasabihin ako, saka diba may sasabihin ka din alez?" nakangiti kong tanong

"ahh maybe next time nalang—" pinutol ko kung ano man ang sasabihin nito dahil alam kong may mahalaga din siyang sasabihin bukod sa pagpapakilala ko sa kanila ni tricia sa isat- isa ngayon bilang totoong mag-ina.

"ngayon na, ano ka ba andito kana din naman saka mahalaga din yung sasabihin ko" binigyan ko pa sila nang tig-isang tingin bago ako tumalikod at nauna na sa sala.

"So.." panimula ko matapos nilang maupo, si alez ay umupo sa harap ko at tumabi naman sa akin si kurt.

"magkakilala pala kayong dalawa?" hindi ko napigilan na magtunog selos sa pagtatanong. Napabuntong hininga naman si kurt sa tabi ko at nag iwas ng tingin si alez.

"Yep. I knew her since years already. 8 years? I dunno. But I only met her 3 times" sagot naman ni kurt

"okay fine. Yes magkakilala kaming dalawa. Kapatid siya ng ex boyfriend ko" pag amin niya.

Nagulat ako sa mga nalaman ko. Noong una hindi ko ma proseso ang mga sinasabi nila ngunit kalaunan naging malinaw na ito. Nawala na din ang paghihinala ko kay kurt dahil dito. Kita naman sa mga mata nila na nagsasabi sila ng totoo. Huminga muna ako ng malalim bago sabihin at itama ang mga maling akala.

"kurt, I want to be honest with you. Hindi ko anak si tricia" kinakabahan man ngunit pinatatag ko ang boses ko. Nagtatakang napalingon naman sa akin si kurt

"then kanino siyang a—" bago niya pa matapos ang tanong niya sumabat na si alez

"sa akin" buong tapang na sagot nito, na binalewala na ang takot. Hindi ko alam kung para saan ang takot na nararamdaman niya.

"wait? Kaya pala. Siya na ba ng anak—"

"YES! " napaluha na si alez. Okay I get it now. Bigla din akong natakot sa reaksyon ni alez. Ito pala ang ibig niyang sabihin sa isa sa mga naging dahilan niya kung bakit niya iniwan ang sariling anak.

"anak siya ng kuya mo" at katahimikan ang namayani sa amin lahat.

~~~

How Love WorksWhere stories live. Discover now