CHAPTER 6

5 3 0
                                    

"thank you. Thank you for giving me a chance" napalingon ako sa kanya

"wala yun. Ako d-dapat mag pasalamat s-sayo kasi binigyan mo ako ng chance makasama si tricia" pinipigilan kong huwag maiyak sa harap niya. Sa totoo lang para sa akin masakit itong ginagawa ko. Hindi pa ako handa pero wala akong magagawa at kahit ipagpaliban ko darating din ang araw na ito, kaya bakit ko pa papatagalin?

"No thank you for giving me a chance na makasama siya kahit saglit lang"

"anong ibig mong sabihin?" takang tanong ko sa kanya.

"I know masakit ito sayo. Pero huwag kang mag-alala wala akong balak kunin sayo si tricia. At mali ka na ako ang mas may karapatan sa ating dalawa. Sa tutuusin may karapatan ka rin. Mas may karapatan ka kaysa sa akin. Ako ang nagluwal pero ikaw ang naging ina sa kanya. Andun ka sa lahat ng mga pagkakataon. Mga pagkakataong gusto kong makita at maranasan kaso hindi pwede at hanggang ngayon kahit saglit lang sobrang nagpapasalamat ako sayo. Pinaramdam mo sa akin kung paano maging isang ina kahit sa saglit na panahon."

Nakita ko ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. Ramdam ko din ang sakit sa bawat salitang binibitawan niya. Pinunasan naman niya ito agad ngunit nagtuloy-tuloy pa rin ang agos ng luha sa mga mata niya.

Hindi ko alam. Akala ko kukunin na niya si tricia matapos niyang sabihin ang tunay niyang dahilan kaya kahit masakit sa akin hinayaan ko siyang makasama kahit papaano si tricia. Hindi ko alam na wala pala siyang balak kuhanin ito sa puder ko.

"Gustong gusto ko siyang makasama" napalingon ito kay tricia na naglalaro kasama ang ibang bata. Nasa isa kaming hindi kilalang amusement park kung saan naisipan naming dito mag picnic dahil sa pa-anyaya ni alez.

"Kaso alam ko sa sarili ko na hindi pwede kasi mas mapapahamak siya sa akin" malungkot na sabi niya. Hindi nakatakas sa mata ko ang muling pagtulo ng mga luha niya. Sunod-sunod itong umagos. At kung makikita mo lang siya, mararamdaman mo ang sakit na nararamdaman niya kahit hindi mo pa alam ang tunay na dahilan nito. Tumingin siya sa langit para siguro pigilan ang muling pagtulo ng mga ito.

"I wish I can hug her more. Kiss her more. Have bonding with her and etc. how I wish everything is okay but no, it can never be okay." Awang awa ako sa kalagayan niya. Kaya kahit masakit hindi ko pinag sisisihan na kahit papaano ay makasama niya si tricia.

"You are so lucky and I am thankful na sayo ko siya binigay. Kasi kung sa iba baka hindi niya nararanasan ang pagmamahal na meron siya." Madamdaming pahayag niya.

"You know what, I am thankful kasi dahil sayo binigyan mo ako ng pag asa muli. Tricia is my light in the darkness. Noong mga panahon na gusto ko ng sumuko sa buhay ko siya ang nagbibigay lakas sa akin. May mga pagkakataon na gusto ko na din siyang sukuan kaso hindi ko magawa. I lost my family when they learned about tricia. Gusto kong ipaunawa sa kanila na sabi ko babalikan mo siya kaso nagalit sila bakit ko daw ba aalagaan ang anak na hindi akin. To think na I am only 19 at that time. Then I lost my long time boyfriend. Still remember Chie? Noong una tanggap niya si tricia, masaya naman kami kaso ng mga tumagal doon siya biglang lumamig. Lagi nalang daw lahat ng atensyon ko ay na kay tricia. Hindi ko na daw siya nagagawang unahin dahil puro nalang daw tricia, tricia, tricia kaya iniwan niya na din ako. I lost my dream job ng mga panahon na nagkasakit si tricia. Nalaman na may maliit pala na butas sa puso niya at buti nalang naagawan ng paraan hanggat maaga. Pinapili ako ng manager ko, kung yung trabaho ko ba o ang anak ko. Kasi andami ko ng absent at hindi ko na nagagawa ang trabaho ko kaya sinabi nilang mag resign nalang ako. Wala akong nagawa kasi kailangan ako ni tricia, kaya nagresign ako at ng mga panahon na yon kulang ang perang pambayad ko sa hospital billsang laki ng nagastos naming para sa operasyon. Buti nalang may pinadala sa aming anghel. Hindi naming kilala ngunit siya daw ang nagbayad ng bills. Lahat binayaran niya. Gusto ko sanang personal na magpasalamat kaso private person daw at yung assistant lang ang nag abot ng bayad"

Napatingin ako dito at gulat na umiiyak na naman siya. Ano ba ito puro iyakan nalang (malamang drama duh!)

"hindi ako nagkamali na sayo ko talaga siya binigay. Sobrang swerte ni tricia sayo kumpara sa aking totoo niyang ina na iniwan nalang siya bigla" napalingon ito kung saan naglalaro pa rin si tricia kasama ang tatlong bata.

"gusto kong magalit sayo at hiniling ko rin na sana hindi kana bumalik pero pagkatapos kong marinig ang kwento sa likod ng pang-iiwan mo, naawa ako. Napaisip ako bakit ganon. And I am proud of you sa kabila ng lahat. Sa lahat ng sakit nagpatuloy kang lumaban---" bago ko pa matapos ang mga sasabihin ko bigla kaming nakarinig ng sigaw galing sa likod ni alez at gulat na gulat ako

"P-P-papaanong? Anong ginagawa mo dito!"

~~~

How Love WorksWhere stories live. Discover now