CHAPTER 4

9 3 0
                                    

"Ayan na nga bang sinasabi ko. Darating ang araw na hahanapin niya ang ama niya. Ano na gurl? Ano ng gagawin mo ngayon?" nahihilo na ako sa ginagawa ni alliah kanina pa siya malakad lakad sa harap ko at kung ano anong sinasabi niya na mas lalong nagpapahilo at nagpapasakit ng ulo ko.

"pwede ba maupo ka naman gurl! At nahihilo na ako sa ginagawa mong palakad- lakad sa harap ko. Sumasakit lalo ulo ko sayo. Saka hindi ko alam kung anong gagawin ko"

"gaga ka kasi! Ngayon ano na? paano kapag biglang sumulpot ang totoong ama niyang si tricia anong gagawin mo? Tandaan mo gurl kahit anong gawin mo wala kang laban! Legal sa batas at papel na kamag-anak o ang ama niya ang may karapatan kay tricia."

"hindi ko alam. Natatakot ako ---" hindi ko na napigilang tumulo ang mga luha ka. Hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin na mawala ang anak ko. Hindi.

"Aalis kami ng bansa. Ilalayo ko siya dito" determinadong sagot ko

"gurl gaga ka talaga! Hindi ka makakalabas ng bansa dahil may kontrata ka dito! Paano ang trabaho mo aber? Kaya mo bang mamuhay sa isang bansa na wala ka pang alam doon. Ano ba! Mag isip ka naman! Baka may iba pang solusyon" . Tila na blanko na ang utak ko. Wala na akong makitang sulosyon kundi ang ilayo dito si tricia.

"paano kung sa liblib kami ng mga lugar sa pilipinas? Baka hindi na nila kami mahanap"

*pak* isang malutong na sampal ang natanggap ko kay alliah

"ANO BA? NAG IISIP KA BA TALAGA? MASYADO KA NG OBSESS KAY TRICIA!" napaiyak nalang ako sa mga sinasabi niya.

"oo andun na ako sa ikaw ang tumatayong ina niya. Ikaw gumastos sa lahat at nagpalaki. Pero kasi gurl wala tayong laban. At kapag tinago mo si tricia mas lalong mawawalan tayo ng laban pwede ka nilang sampahan ng kasong kidnapping! Isipin mo naman maigi bago ka magdesisyon. Hindi ka ganito dati. Grumaduate ka with flying colors tapos ano, sa ganito wala kang matinong pag iisip. Huwag mong hayaang kainin ka ng takot dahil ang kilala kong jolina hindi ganyan. Ayusin mo ang sarili mo at yang pag iisip mo"

Mas lalo akong napahagulgol sa balikat niya ng niyakap niya ako. Masyado na akong nilamon ng takot ko. Tama siya hindi ako ganito. Naging ganito lang naman ako dahil masyado kong mahal ang bata. Hindi ba pwedeng akin na lang siya?

"Hindi ba pwedeng huwag na siyang kunin kasi ako mahal na mahal ko siya eh. Hindi ko siya kayang iwanan katulad ng ginawa ni alez. Binigay ko lahat sa kanya kaso bakit ganito pa rin pala hahantong sa lahat?" hindi na siya sumagot pero ramdam ko ang mahigpit na yakap niya sa akin.

***

"hello baby!" salubong ko sa kanya. Dito na ako sa school nila dumiretso pagkatapos kong makapag out sa opisina. Dinala ko kasi ang mga mahahalagang report na kakailanganin bukas.

"mommy I cant breathe"

"ay sorry baby namiss ka lang ni mommy. Alam mo naman na ikaw ang enigizer ni mommy diba?"

"mommy did you cry? Sino po nagpaiyak sa inyo?"

"ay wala ito baby, masyado lang sumakit yung mata ko sa kakatitig sa laptop. Alam mo naman work ni mommy laging nakaharap sa laptop. Tara na?"

"mommy gusto ko po ng ice-cream" sabi nito at tinuro pa ang tapat naming na store.

"pero diba inuubo ka? Baka—" bago ko pa matuloy ang sasabihin ko ay nagpa-cute na naman ang bata. Sobrang rupok ko talaga sayo anak! Hayst natatawa nalang ako minsan kasi sa kanya ako kumukuha ng lakas pero kahinaan ko din ang batang to.

"okay pero isang cup lang ng ice-cream ah" tumango-tango naman siya bilang pagsang-ayon.

Minsan lang siya humiling ng ice-cream dahil hindi niya gaanong gusto ang matatamis. Tumawid na kami sa tapat ng school nila. Pagkapasok palang ramdam mo na ang ganda at aliwalas ng ice-cream shop na ito. May palaruan din para sa bata ang shop. Minsan lang kami pumunta dito ni tricia pero masasabi kong maganda at talagang trip puntahan ito ng mga bata at isip bata. Ang shop kasi na ito ay nahahati, sa gitna ang counter. Kapag bukas mo ng pinto nila makikita mo agad sa gilid ang mga palaruan para sa bata at sa kabilang gilid naman ay mga upuan na pwede kang tumambay para maghintay sa alaga, anak mo or pwede din gusto mo umalis sa toxic na lugar. Dito mo makikita ang mga batang masayang naglalaro at kumakain na tila ba walang problemang iniinda. Ang sarap bumalik sa pagkabata.

"mommy double dutch flavor po" sabi nito bago tumakbo sa palaruan. Kaya siguro gusto niyang mag ice-cream para maglaro dito. Nang makita ko siyng masayang naglalaro saka ako tumalikod at umorder na ng ice-cream naming dalawa.

"two double dutch please" nakangiti kong sabi at pagkabigay nito ng order ko naghanap na ako ng magandang pwesto. Medyo hindi punuan ngayon kasi mga kinder palang ang nag-uuwian. Mamaya pa lalabas ang ibang grade.

"mommy I'm done na po" pinunasan ko naman ang gilid ng labi nito at pisngi may ice-cream pa kasing naiwan.

"okay uwi na tayo baby" tumayo naman ito agad at kinuha ang gamit niya.

"ako na magbubuhat ng bag mo"

"no mommy, I can manage po" sabi nito.

Hindi naman mabigat ang bag niya dahil lapis, crayons at papel lang ang laman nito. Ayaw niya din talagang ibigay ang bag niya madalas, gusto niya kasing siya ang magbuhat dahil gamit naman daw niya yon at big girl na daw siya. Hinahayaan ko nalang siya sa gusto niya pero kapag may mga libro siyang dala ako na ang nagbubuhat ng bag niya kahit ayaw niya.

"mommy I'm going to change na po. Malagkit na po kasi natuyo na ang pawis ko. Mabaho na ako mommy" sabi nito aagd pagkadating na pagkadating naming sa bahay. Lumapit naman ako sakanya

"pa-amoy nga. Hindi naman mabaho ang baby ko ah" sabi ko at kiniliti pa ito.

"ihh HAHAHAH MOMMYYY STOPPP NAKIKILITI NA PO AKOOOO." napahagikgik ito at gusto ng kumawala pero mas lalo ko pa siyang kiniliti

"Mommyyy nooo!!" tawa pa ito ng tawa at pilit lumalayo sa akin kaya bago pinigilan ko na ang panggigigil sa kanya.

"HAHAHAHA ikaw talaga sige na magpalit kana sa taas okay? Ingat sa pagpanik at pag kuha ng gamit. Ayaw mo naman sigurong bumalik sa hospital diba?"

"yes mommy ayawwww!" sabi nito at dahan-dahang pumanik sa hagdan. Kami lang dalawa ngayon sa bahay dahil wala si nanay ineng, umuwi muna ito sa kanila dahil namimiss na daw siya ng mga apo nito at next week pa babalik. Pinayagan na niya dahil ngayon lang uuwi sa kanila si nanay ineng.

Papunta na sana ako sa kusina para maghanda ng hapunan ng biglang tumunog ang door bell.

"SANDALII! HUWAG MONG SIRAIN YUNG DOOR BELL NAMIN!" sigaw ko. Sino ba itong tao na ito at kung makapag door bell wakas.

Pag bukas ko ng pinto hindi ko inaasahan kung sino ang nasa harap ko.

"Hello jolina!"

~~~

How Love WorksWhere stories live. Discover now