EPILOGUE

5 3 0
                                    

Its been 5 years since the confrontation between the three of us, alez and kurt. After alez confessing the truth everything changed. Pinakilala ko na din siya kay tricia. Hindi niya pa gaanong naiintindihan ang lahat noong una dahil masyado pa siya bata ngunit habang tumatagal naunawaan naman niya ngunit alam kong sa puso niya may konti pa siyang hinanakit na dala. Masyadong naging mabigat ang katotohanan at mas magandang hanggat maaga malaman na nila dahil habang tumatagal mas lalong lumalalim ang sakit. At ayaw ko na kapag lumaki na siya at nalaman niya ang katotohanan ay mas lalo niyang hindi matanggap.

tricia come here kagising lang ni tricia, nauna nang umalis si kurt dahil may importante pa daw itong pupuntahan.

yes mommy? mabagal siyang naglakad papunta sa akin

are you hungry baby? napatango naman ito na pumikit pikit pa. Pinaghanda ko siya ng meryenda at pagkatapos ng alam kong okay na siya

Baby, mommy will tell something marahan kong panimula

hmmm hindi pa siya tumitingin sa akin dahil busy siya masyado sa mga laruan niya

come here tawag ko sa kanya. Lumapit naman siya sa akin at umupo sa hita ko.

hmm you love tita alez diba? tumango naman siya

ano baby, tita alez is not only your tita, bukod sa friend siya ni mommy. Tita alez is your mommy too halatang naguguluhan siya sa sinabi ko pero alam kong may ideya na siya. Matalino siyang bata at nag a-ahead sa mismong edad niya ang mga kaalaman niya

tita alez is my mommy too? tila naguguluhan niyang tanong.

yes baby, hmm you have two mommies. When you grow up I will tell you everytging, for now can you call tita alez , mommy or mama too? nakangiti kong tanong. Tumango naman siya at humarap ditto.

I already have mommy, so I will call you mama nakangiti niyang sabi. How I wish na kapag dumating yung time na masabi na namin ang tunay na dahilan hindi mawala ang mga ngiti sa labi at mga mata niya. Napayakap naman si alez kay tricia. Bakas ang kasiyahan sa mga mata nito pero sa kabila ng lahat alam kong may lungkot pa rin siyang nararamdaman.

Pagkatapos mag kakilala ng mag ina, nag bonding silang dalawa kaso sa sandaling panahon nalang. Sinubukan kong pigilan ang pag alis ni alez kaso wala na akong nagawa. Ayaw niyang iwan ulit si tricia pero kailangan para sa kaligtasan nito. Kami naman ni kurt, pagkatapos niyang malaman ang lahat, hindi naging madali para sa kanya. Kasi all this time ang isa pala sa mga pinapagawa ng papa niya ay mahanap si alez at ang anak nito. Iyon din ang isang naging dahilan kung bakit hindi siya nakabalik agad sa Pilipinas. Ngayon, kurt is already my fiancée. Nag propose siya last year. Hindi naman kami nagmamadali sa kasal dahil busy kami sa kanya-kanyang career at kay tricia. Sa ganitong paraan masaya na kami magkakasama.

"babe, wala ng atrasan next month ah. Masyado na tayong delayed" halata sa mukha niya ang pagod pero masaya pa rin siya. Yes next month na ang kasal. Dapat last year din noong nag propose siya kaso andaming naging pagbabago at mga sitwasyon na inuna muna naming asikasuhin bago ang kasal.

"kung tatakbo ako malamang last year pa" pabiro ko pa siyang inirapan. Napatawa naman ito sa inasal ko at niyakap ako.

"I love you. I really do. I cant wait to see you walking in the aisle and calling you by my surname too" madamdamin niyang pahayag.

Ramdam ko ang pagka sinseryo niya sa bawat salita at pangakong binibitawan niya. Simula ng nagkaayos kami, lahat ng mga problemang dumarating ay inaayos muna namin at pinag uusapan hindi na kami basta-bastang tumatakbo dito. At masyado na din akong natuto sa mga iyon, dahil hindi habang buhay kaya nating takbuhan at iwasan ang mga problema. Kailangan natin maging matapang at harapin ang bawat pagsubok na ibibigay sa atin.

"And I love you too" sabay tingin ko sa mga mata niya para maramdaman niya din kung gaano ako ka-seryoso sa kanya.

Hinalikan naman niya ako sa noo. Gustong gusto ko talaga kapag hinahalikan niya ako sa noo. Lagi akong kinikilig kasi its a sign of respect and hindi yun nawawala sa relationship naming kaya masaya ako. Masayang masaya ako na nasa tamang tao na ako.

"I wish when the right time comes, tricia will understand everything" napatingala naman ako sa mga bituwin. Nasa terrace kami ng bahay nakatingin sa mga bituwin. Naging paborito na naming itong dalawa dahil dito kami mas nakakahinga tuwing nakikita ang mga bituwin sa langit. Ang ganda nilang tignan. Parang mga tao lang din ang mga bituwin. At yung dilim yung mga hamon sa buhay. Sabi nga sa kasabihan ,stars cant shine without darkness.

"Alam ko mauunawaan niya yon. Gagabayan natin siya. Andito naman tayo para sa kanya. Ikaw at ako. Tayong tatlo laban sa mga taong gusto siyang saktan."

"Pangako, gagawin ko ang lahat huwag lang kayo mapahamak"

"Tara na sa loob at matulog" tinignan muna namin si tricia sa sarili niyang kwarto at ng masigurong tulog na tulog na siya ay hinalikan lang namin siya sa noo at lumabas na din ng silid nito.

"good night babe"

"good night, I love you "

END

~~~

How Love WorksWhere stories live. Discover now