21. Who's the boss

29K 1.9K 115
                                    

WHO'S THE BOSS

[Xena]

Hindi ko mapigilan ang pag-init ng ulo at pagkulo ng dugo ko. Ngayon ko lang narasanang mainis ng ganito. Dati ay hindi naman ako madaling magalit sa mga bagay-bagay.

Pero iba ngayon. I can't believe that I was under a spell from someone without noticing it.

Isama mo pa na kinuha nila ang isa sa mga kaibigan ko. These guys really needs to know who's the freaking boss.

Hindi lamang ako ang naiinis kung hindi pati na rin ang mga kasama ko. Lalong-lalo na si Raze na hindi rin makapaniwala na nagamitan siya ng spell.

Napunta ang tingin ko kay Tana na nagsisimula ng umiyak. Napabuntong-hininga na lamang ako rito-inaasahan na ang reaskyon niya, bago ko pagmasdan ang mga tao rito sa silid. Napako ang tingin ko sa isang lalaki. The guy with the most dangerous aura among them.

Siya siguro ang tinutukoy ni Tana na isang myembro ng 12 Disciples. I guess, siya rin ang gumamit ng spell kaya hindi ko ito basta-basta napansin.

"We gave you a favor and we erased your memories. Bakit parang atat kayong mamatay at pumunta pa kayo rito?" walang kaemo-emosyong sambit ng lalaking kaharap ko, ang lalaking pinaka-malakas sa grupong nandito.

Napaismid si Raze sa sinabi nito at akmang lalapit na siya nang mabilis ko siyang pinigilan. Isang kamay ko ang humarang sa kaniya.

Even though I hate to admit it, this member of the 12 Disciples is really in a complete different level compared to him. Even Zairah who's a tría will also have a hard time with him.

"Jokes on you, you should've finished us when we didn't have our memories. Gano'n ba kayo atat mamatay?" balik ko sa kaniya.

"Ohhh-" Pasimpleng react ni Lei sa likod ko. Rinig ko rin ang pag-ismid ni Zairah at napasimangot si Raze.

Bakas ang pagkairita ng mga myembro ng grupong kaharap namin. Ngayong pinagmasdan ko sila, roon ko rin nakita kung ano ang lugar na napuntahan namin.

Isang abandonadong bodega. Puno lamang ng mga nakatambak na gamit ang lugar na ito. Semento ang pader at ang lapag ay may mga biyak-biyak pa.

"Hindi ko gusto ang tabas ng dila mo," sambit ng isang lalaking puno ng tattoo na mukhang kaedaran lamang namin.

"Sinabi ko bang magustuhan mo?" pabalang na sagot ko.

He gritted his teeth out of irritation. Mas lalo itong nairita sa sinabi ko. I won't lie, but I'm really having fun with this conversation. Ngayon ko lang naranasan na makipagsagutan ng ganito.

Nagsimulang maglakad papunta sa akin ang lalaking puno ng tattoo ngunit mabilis itong huminto nang itinaas ng lalaking kaharap ko ang kanang kamay niya.

"Don't act like a dog," walang kaemo-emosyong aniya.

Natigilan ang lalaking sinabihan niya nito at napayuko. Pasimpleng naningkit ang mga mata ko. That's how he treats them, huh?

"Since you're already here, I guess, pagkakakitaan na rin namin kayo," muling sambit ng lalaking karap ko.

Pare-parehong nagbago ang mga ekspresyon ng mga kasama ko sa sinabi niya.

"ékrixi," mahinang sambit ng lalaking myembro ng 12 Disciples.

Mabilis akong natauhan sa sinabi niya. Bago pa tuluyang lumabas ang mahikang ginamit niya ay mabilis akong nagbanggit ng spell.

"empódio," sambit ko.

Lumabas ang malakas na pagsabog na ginawa ng kaharap namin pero mabilis na humarang ang barrier na ginawa ko.

Patago akong napaismid nang maramdaman ang pwersa ng pagsabog, napaatras pa ako nang kaunti. Kung hindi dahil sa harang na ginawa ko ay paniguradong pare-pareho kaming tatalsik.

Tila nakuha ng ginawa ko ang atensyon ng lalaking kaharap namin. Napaangat ang dalawa niyang kilay nang tapunan niya 'ko ng tingin.

"How did you know that it was an explosion? Isang Rank S spell ang ginamit ko at bibihira lamang itong nakikita sa libro," tanong niya.

Kumurba ang labi ko. "Oh, I thought that was just a basic spell?" I answered, trying to get on his nerves.

Imbis na mairita ay kumurba rin ang labi ng lalaking kaharap ko.

"I guess you're not just an ordinary student, huh?" He gave me an unpleasant look, making my smirk fade and my expression change. "Then let me tell you this, I, Nine, the ninth member of the 12 Disciples of Astria, sees you as a true witch," pagpapakilala niya.

"Imbis na sumama ka sa mga nobles na katulad nila, bakit hindi ka sumama sa amin? Ipalaganap natin ang mga salita ni Astria," dagdag niya.

Humampas ang malakas na hangin sa amin. Nawalan ng buhay ang mga mata ko sa sinabi niya habang nanatiling nakikinig ang mga kasama ko.

"He's fucking nuts, I'm going to freaking kill him," inis na sambit ni Raze.

"Masyado na silang nabulag sa kapangyarihan ng mahika," dagdag ni Lei.

"Tsk. Astria is better than this," mahinang sagot ni Zairah.

Nasa sa akin pa rin ang tingin ni Nine at hindi pa rin nawawala ang ngisi nito sa labi.

"The old era is dead. Witches only wants power. And with the Grimoire of Astria, you can accomplish anything!" muling sambit niya. Unti-unting nagbabago ang tono ng kaniyang pananalita.

"Witches who were born with true talents can beat the nobles. Hindi na pera ang magiging basehan ng ranggo ng mga tao kung hindi ang kapangyarihan! Matutupad ang pangarap ni Astria! Tayong mga witches ang mapupunta sa tuktok. Mga makapangyarihan ang mananalo!"

Nagbago ang itsura at ekspresyon nito. Parang hindi siya ang seryoso at walang emosyon na lalaking naabutan namin. Hindi ako makapaniwala na iisang tao lang sila.

Ito ang naging kalabasan ng kasakiman sa kapangyarihan. Ang resulta ng libro ni Astria. Nabulag na sa mahika ang mga taong sumasamba sa kaniya at sa librong ginawa niya.

Humigpit ang pagkakasara ko sa kamao ko. I really need to find the Grimoire.

"A witch's dream has ended. There's no witch in this world that doesn't want power. Everyone works hard for their own goals, just for themselves," mariin niyang inulit, hindi naalis ang mga mata sa akin. "Everyone."

Napaismid ako sa sinabi niya at napakagat ako sa ibabang labi ko.

Para bang isang sirang plaka ang boses niya na nagpaulit-ulit sa tenga ko. As if it was a work of magic, that everytime I hear someone talks about dreams, I automatically sees myself when I was younger.

That's a freaking lie. A witch's dream never dies.

Just like mine.

Dito ko napagtanto na ayoko pang sumuko sa pangarap ko. Kahit alam kong hindi ko na ito matutupad ay gusto ko itong gawin.

No-

I will do everything to achieve it.

Napunta ang tingin ko sa lalaking kaharap ko at deretso ko itong tinignan.

"I'm sorry. I refuse your offer," walang ganang sambit ko.

Nagbago ang tingin sa akin ng lalaking kaharap ko dahil sa sinabi ko. Bago pa ito magsalita ay inunahan ko ulit ito.

"There is no one in this world who works hard for their own goals, just for themselves." May diin ang bawat salitang binitawan ko. "Everyone... everyone has 'someone' who gave them the reason to keep going."

Itinapat ko ang kamay ko sa lapag at huminga ako nang malalim bago magsalita.

"áthrafstes alysídes," bigkas ko.

Lumabas ang bilog sa lapag at ang mga simbolo. Nagkaroon ng pulang liwanag sa tinatapakan ng lalaking kaharap ko. Nabigla sila sa ginawa ko.

Lumabas ang mga bakal at pinalibutan nito si Nine. Ang mga bakal na walang makasisira. Red chains, that are also made from red chains. Like an infinite loop of chains, made from one another.

I used a Rank SS spell that only members of the council or a powerful witch knows.

Mageía High: Grimoire of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon