xx. c o n f u s i o n

222 11 2
                                    

IYONG PAKIRAMDAM na nananabik sa isang tao sa maraming kadahilan, gano'n ang pakiramdam ni Nyx sa mga oras na ito. Sa sobrang tagal na no'ng huli niyang nayakap si Tamara, halos ay hindi na niya ito maalala pa. She was his woman. But as he looked at her now, there's nothing left on them to look back to.

"Bitiw, Ginoo!" pagpupumiglas ni Tamara  sabay tulak sa kaniya papalayo. Napagitla rin si Nyx sa kaniyang ginawa. "H'wag mo akong mayakap-yakap! Hindi kita kilala! At bakit mo ako kilala? Magkakilala ba tayo? Kaibigan ka ba ng asawa ko?" sunod-sunod nitong patutsada.

Napangiwi si Nyx sa huli nitong tanong. Kailanman ay hindi sila magiging magkaibigan ni Luke. Sa lifetime na 'to, itinagpo na ang kanilang mga landas upang maging mortal na kaaway, at malabo ng maging magkaibigan pa.

"Oo, kaibigan ako ng asawa mo," he lied. Ito na yata ang isa sa mga kasinungalingan niya na masarap isuka, pero kailangan niyan lunukin para kay Cassandra. For the sake of that woman, he could pretend. "Nandito ako para bisitahin ang asawa mo."

Seryoso pa ring nakatingin si Nyx sa maamong mukha ni Tamara. His ideal woman. Their love was made of imperfect perfections. Kinumpleto nito ang mundo niyang hindi halos mabuo-buo ng maayos. She was his light, his world, and his future. Iyong pakiramdam na kaharap niya ngayon ang taong inakala niyang panghabangbuhay na sana subalit nauwi rin pala sa wala, hindi halos ma-explain ni Nyx ang kasalukuyan niyang nararamdaman. It was sad and tragic. Pero heto siya, nakangiti pa rin. Nakakagago ang pag-ibig, pero mas nakakabuang ang tadhana.

Ang awkward.

Ang masaklap pa, siya lang ang nakaramdam no'n.

"Is he a good husband to you?" tanong niya, out from his curiosity. Siya dapat 'yon kung hindi lang kinuha ito sa kaniya nang sapilitan. He even swore to the gods to love her for eternity but these gods gave her to Luke as a gift.

What a pity...

Matamis pa ang mga ngiti ni Tamara bilang pagtugon kahit batid ni Nyx na nasa ilalim lamang ito sa isang mahika. "Wala na akong maihihiling pa."

"Is that so?"

"Oo naman."

"That's good to hear," aniya. Makakahinga na siya ng maluwag. Hindi naman pala gano'n kasama si Luke. If he treated her well, then he guessed that he had still a soft spot in his heart. "Nasaan pala ang asawa mo? Hindi kasi ako magtatagal rito. May kailangan lang ako sa asawa mo."

"Nasa loob ng bahay," turan nito. Isa-isahang inaayos ni Tamara ang mga bulaklak sa basket. "Ano'ng pangalan mo, Ginoo? Para masabihan ko siya sa loob."

"Hindi na kailangan. Sasama na lang ako sa 'yo sa loob kung iyong mararapatin."

"Sige. Walang bisitang dumadalaw sa bahay namin kaya nakakatuwang magkaroon ng isa ngayon." Nagsimula na itong maglakad. Sinundan niya ito mula sa likuran.

Doon na siya hindi natuwa. Ibig sabihin ay ilang dekada na itong kinukulong ni Luke sa magandang lugar na 'to. Walang kausap. Walang nakikitang ibang tao o diyos. Walang sariling buhay. Walang kalayaan.

"Okay lang sa 'yo na dito ka lang?" Kailangang maniguro ni Nyx. "Hindi ka ba nakaramdam ng lungkot na ikaw lang ang mag-isa rito? Wala kang nakakausap? Ni wala kang nakikita?"

"Basta kasama ko si Luke, sapat na iyon Ginoo para sa akin."

"Ang liit ng mundong 'to, Tamara."

"Wala naman 'yan sa laki ng mundo, Ginoo. Inuulit ko, sapat na ang asawa ko. Siya lang ang mundo ko. Kung saan siya masaya roon ako."

Hindi siya makapaniwalang pinanindigan nito si Luke nang gano'n kabilis.

Iba talaga ang nagagawa ng kapangyarihan ng mga diyos sa Olympus. Kaya nilang paglaruan ang mga puso at isipan ng isang mortal ng gano'n na lang.

ADK I : A Secret Prophesy (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon