xii. m a g n e t i c

8.3K 222 17
                                    

"Kaya mo namang mag-teleport,  bakit pa tayo sasakay ng kotse?" tanong ni Cassandra habang nagda-drive si Nyx. 

She was in his passenger seat. Natagalan pa sila dahil pinakain pa niya ang babaeng ito ng hapunan.  Human,  such a fragile body, mabilis lang magutom.

"Ayden already used his powers to you.  Kapag uulitin ko iyan,  baka manghina ka na lalo o baka madurog na ang mga buto mo sa impact.  Hindi sanay ang katawan mo sa gano'n.  Safe is better than sorry."

Nagnanakaw si Nyx ng tingin sa babaeng katabi niya ngayon habang nakapokus naman sa pagmamaneho.  Natatakpan ng mga makakapal na ulap ang buwan.  Walang liwanag.  Wala ring nadadaanang streetlights.  Walang bahay sa kalsada at mabuti na lang na hindi ito nagfi-freak out nang basta-basta.

"So how rich are you?" pag-iiba nito ng topic.  Bukas ang right window ng kotse.  Malayang nakakapasok ang malamig na hangin sa loob.  Sinasayaw ang mahaba nitong buhok.

"Excuse me?"

"This car is brand new.  Ito ang tipong hindi pa nai-ri-release sa market,  mayroon ka na.  Are you a billionaire?  My father can't afford such luxury as this.  Mayaman naman kami pero parang tuldok lang kami pagdating sa kayamanan mo."

Hindi siya sumagot.  Bukod pa sa matanong ang kasama niya,  observant pa.

Maya-maya pa'y huminto ang sinasakyan nila, malapit sa dalampasigan,  sa baba ng pampang na kung saan ay nandoon lang din banda ang bahay niya.  Naunang nagbukas si Nyx ng pinto at lumabas. Saka niya pinagbuksan ng pinto ng kotse si Cassandra.

"Kailangan nating magbiyahe sa dagat." He explained.

"Paano ang kotse mo?  Iiwan mo na lang?" takang pagtatanong nito.

Tinanguhan siya ni Nyx.  "Leave it behind. I can buy one when I want."

Nanlaki ang mga mata ni Cassandra sa labis na pagkagulat.  "No damn way!  Seryoso kang iiwan mo lang ito?  Alam mo ba kung magkano iyan?  Para ka lang nag-iwan ng mumurahing laruan! Wala ba sa bokabularyo mo ang pagtitipid?"

"Alangan namang palalanguyin natin iyan sa dagat."

She rolled her eyes over his sarcastic response.

Nagsimula na silang maglakad sa dalampasigan.  At dahil wala silang dinala na kahit anong ilaw,  hindi na napansin pa ni Casssandra na kusang nabubura ang kanilang footprints sa kanilang likuran. Leaving with no trace is safer than being stupid in the end.

Sa hindi kalayuan ay nakaparada naman ang private yacht na pininturahan ng puti at itim. 

"Iyan ang sasakyan natin,  hindi iyong kotse." He teased her again. "Kung gusto mo,  ikaw ang sumakay at magmaneho sa kotse tapos ako na lang sa yate. Kita na lang tayo sa kabilang isla."

Nagkasalubong ang mga kilay ni Cassandra sa sinabi niya. 

Kumuha ito ng mga buhangin sa magkaparehong palad at malakas na hinagis ito kaniya. 

"Bwisit ka!" sigaw pa nito. "Kung ikaw na lang kaya ang lunurin ko sa dagat!  Ang tino-tino kong kausap. Bwisit!" naninigaw na ito.

Patagong nakatawa si Nyx buhat sa dilim.  Namimiss niya ang ganito;  ang ingay ng taong nakakusap niya, carefree, may biruan,  at pakiramdam na hindi siya nag-iisa.

Walang paalam na kinuha niya ang kamay ni Cassandra at hinawakan iyon. Natameme ang isa sa kaniyang ginawa. 

"Hold tight," bulong nito, saka siya umangat at nagpalutang sa ere kasama si Cassandra.

Napansin niya ang mahigpit na pagpulupot ng sarili nito sa kaniyang katawan.  She was embracing him too tight,  afraid to fall. 

"Oh my god!  We're floating!" bulalas pa nito.  At saka siya tuluyang lumipad papalayo sa dalampasigan.

ADK I : A Secret Prophesy (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon