vii. b o n d

8.4K 237 17
                                    

STILL couldn't believe what was really happening, Cassandra took a confusing glance with her Aunt Nimfa's brightened face, who was now sitting on her bed. Then she silently look at Nyx, who had the same facial expression with her aunt.

Alam niya na priceless ang moment na iyon sa isa't isa. She could feel how much the missed each other, just by looking through their eyes.

Para silang may kakaibang bond sa isa't isa. No doubt, they both knew each other. Alam ng bawat isa ang kani-kanilang pangalan.

Hindi niya alam ang nangyayari pero isa lang ang masasabi ni Cassandra. Ang pangalan ng lalaking ito ay Nyx.

At nando'n lang siya sa may sulok na halos ay hindi pinagkaitan ng liwanag, nakatayo. pinagmamasdan niya ang dalawang may reunion.

Habang siya, hindi niya alam kung paano o saan siya lulugar.

She had lots of things to articulate -- to ask a lot of questions running through her head-- yet, she was bewildered in silence.

🌜🌝 🌘 🌙

SMALL world.

Nyx froze at the sight of her little sister in front of him. Hindi niya bukod-akalain na makikita niya ang kaniyang kinakapatid sa ganitong kalagayan. Mabuti na lang at nailigtas niya ito sa tamang oras.

"Are you okay?" nag-aalala siya.

Ngumiti sa kaniya sa Cassandra. "Okay lang ako. Kahit kailan, savior ka. Kung hindi ka dumating, baka patay na ako."

Who would have thought, na ang kaniyang inaalagaan noon ay tumatanda na sa paglipas ng panahon?

He stared at her closely. Madami na itong uban sa mahabang buhok na medyo wavy pa. Halata na rin ang kulubot sa balat ni Nimfa. Nawala na ang pagkabata, pero ang mga mata nito ay hindi pa din natatanggal ang taglay nitong pagkaamo kung makatingin.

At isa pa, hindi rin niya aakalain na ang babaeng sinagip niya kanina sa peligro ay ang matagal na niyang gustong makita.

She was his beloved sister, not by blood, but by bond. Si Nimfa ay anak ng stepdad niya sa una nitong asawa. At may kakambal itong lalaki. Ibig sabihin, ama ni Cassandra iyon.

Gustong magbalik-tanaw ng utak ni Nyx. Those memories haunted him for years. Naalala pa niya ang lahat-lahat ng mga masalimoot na nakaraan. Nasunog ang buong mansiyon nila.

Tinulungan niyang makatakas sa sunog ang kambal niyang magkapatid. Pero, hindi lahat ay kaya niyang iligtas. Namatay ang ina niya sa sunog na iyon. After one month, sumunod na rin ang stepdad niya sa kanyang ina dahil sa depresiyon. Pinalayas siya ng mansiyon. At naging palaboy sa daan.

Sa isang iglap, nawala sa kanya ang lahat.

He was twelve years old back then.

Kapag ipipikit ang kaniyang mga mata, bumabalik ang mga salita nila noon.

"Ang batang 'yan ang may kasalanan!" sigaw ng isa sa mga tagaro'n. "Nasaksihan ko ang lahat!"

"Tama ka! Kailangan natin siyang hulihin at ipapataw sa kanya ang pinakamabigat na kaparusahan sa lahat"

ADK I : A Secret Prophesy (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon