viii. a y d e n

8.6K 246 19
                                    


SHE could not forget his face, looking back at her.

Alam ni Cassandra na hindi maayos ang kanilang pag-uusap kanina, ngunit si Nyx lang ang nakakita sa kaniya na naglaho sa ospital. Pinagdidiinan na rin nito na ayaw siyang makita, but her silly heart wanted to had a hope for him.

She was so damn sure that she was abducted by some kind of magic. Worse, hindi niya pa alam kung sino ang may pakana nito. Daig pa niya ang pinaglalaruan ng tadhana. Wala naman siyang balat sa puwet para magkaroon ng sunod-sunod na kamalasan.

Nasa peligro na naman ba siya? May galit ba sa kaniya ang dumukot sa kaniya? Totoo bang naglaho siya sa ospital? Lahat ba ito ay nasa reyalidad pa rin?

Sa sobrang daming tanong na pumapasok sa isipan ni Cassandra, halos mabiyak na ang ulo niya sa matinding sakit at taranta. Hindi na ito kaya ng pain relievers. Pakiramdam niya ay mawawalan na siya sa katinuan.

She had to get a hold over herself. Kailangan niyang i-analyze ang sitwasyon, at makatakas.

Napunta siya sa madilim na silid. Walang maaninag na kahit ni katiting na ilaw. Kulob. At hindi siya nakakadama ng hangin papasok sa loob. Wala rin siyang madinig na kahit ano.

Nakatayo lamang siya roon.

Malalim ang iniisip. Pinapakalma ang sarili. Hindi ito oras para mag-panic. Malaki ang posibilidad na walang tutulong sa kaniya.

Kung mamatay man siya ngayon, at least man lang, lumaban siya para sa buhay niya. Kung ito man ay isang bangungot, kinakailangan na niyang magising.

Palinga-linga siya, at naghahanap ng options upang makaalis sa lugar na ito. Hindi siya pwedeng ma-stuck dito. Nasa ospital pa rin ang tiyahin niya.

Nyx.

Bigla na lang iyong naisip ni Cassandra. Kahit gaano pa iyon kalamig ang pakikitungo nito sa kaniya, he made her feel calm in an odd way. Kung sana n'andito si Nyx. Pero, mas alam naman niya ang malungkot na katotohan. There would be no Nyx to help her now.

Not this time.

“Don’t be afraid, Miss. Hindi naman kita sasaktan.” Boses ng lalaki ang nagsalita.

Dinig ni Cassandra ang mga yapak nito na papalapit sa kaniyang gawi.

She definitely knew that she was all alone. Saan naman kaya ito nanggaling. At dahil sa labis na dilim, ni anino ng taong ito ay hindi niya maaninag.

Paniguradong ito ang nagdukot sa kaniya.

“Hindi kita kilala," panimula niya. "Please, ibalik mo na ako sa kung saan mo man ako kinuha. Nagkamali ka ng taong kinidnap. I don't know you. And I'm pretty sure, I dont owe anyone."

Umaalingawngaw sa buong lugar ang tawa nito.  Ibig sabihin, hindi ganoon kalaki ang lugar na 'to, kagaya ng kaniyang inaakala.

"Interesante kang babae," pabulong nito sa kaniyang tainga. May baritono itong boses. Ang bilis nitong makarating sa kaniyang likuran. "I expected a crying lady asking for mercy, begging for her life. But you . . . " Nagpa-pause pa ito saka siya biglang hinawakan sa magkabilang braso. " . . .you remain calm."

Mainit ang mga palad nito na nakalapat sa kaniyang braso. Umiilaw ang mga kamay ng lalaki. At bago pa man siya mabigla nang tuluyan, napunta sila sa ibang lugar.

Kung anuman ang nilalang na ito, may alam ito sa mahikang teleportation. Such thing that she didn't know if it did exist, until now.

Hindi katulad ng nauna, nakikita na niya ang lahat sa kaniyang paligid. May liwanag na sa bawat sulok ng silid. At nasa harapan ni Cassandra ang lalaking salarin sa mga nangyayari. Their eyes met.

ADK I : A Secret Prophesy (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon