vi. p r o m i s e

9.2K 244 13
                                    

ANO ba ang mayroon sa babaeng iyon at parang hindi niya iyon matanggal-tangal sa kaniyang isipan?

Napailing-iling si Nyx nang makita niya ang kaniyang sarili sa labas ng ospital. Napatingin siya sa malaking building na pininturahan ng puti. Mas lumaki at gumanda ito kumpara sa huli niyang sulyap noon.

Mabuti naman at kahit paano ay may napala ang pera niya sa mundong ito. Ilang taon na rin siyang benefactor sa ospital na ito para magkaroon ng massive renovation. Maganda ang facility. High tech ang equipments. Lahat ng dalubhasang mga doktor ay nandito sa ospital na ito. Subalit, abot kaya lang ng mga mamamayan ang gamot at halos libre na rin ang serbisyo.

Ito rin ang naging dahilan kung bakit kilala ang isla na ito sa buong mundo.

Ganun pa man, mananatiling anonymous ang kaniyang identity dito at wala siyang planong magpakilala pa.

Malapit nang suminag ang Haring araw. Dapat ay wala na siya rito. Nahihibang na yata si Nyx. Unaware of his stupid actions, kailangan niyang ayusin ang takbo ng utak niya.

She was just a mortal.
Dagdag pa ang sakit iyon sa ulo.
Pero, bakit gusto niya pa ring masilayan ang babaeng iyon?

"I-Ikaw . . . " Pamilyar ang boses.

Napalingon si Nyx sa kaniyang likuran.

Her brown eyes met his. A feel of a sudden urge to touch her cheek, ngunit mas pinili niyang tumayo roon at huwag gagawa ng mga hakbang na pagsisihan niya sa huli.

May bitbit ang babaeng ito ng plastic na laman ay mga gamot. Sa kabilang kamay naman ay hawak-hawak niya ang plastic cup. Naamoy ni Nyx ang tapang ng kape.

"Bakit nandito ka?" pagtatakang tanong ng dalaga.

Bakit nga ba siya nandito? Kahit siya, gusto niya ring sagutin ito.

"Napadaan lang," pagsisinungaling niya.

She smiled shyly.

It was so odd to see her smiling like that. Siguro ay nasanay na siyang lagi itong nagtataray at nagsusuplada.

Still she could smile after what just happened to her.

"Nawala ka. Hinanap kita pero hindi na kita makita."

Nasa labas sila ng ospital. Nasa gilid ng kalsada, sa ilalim ng streetlight na may ilaw pa rin. Malamig pa rin ang simoy ng hangin. Subalit, pakiwari ni Nyx ay hindi na kasing lamig no'ng naglakad siya nang mag-isa.

Muli na namang nagtama ang kanilang mga mata. Nakatitig lang sa kaniya ang babaeng tinulungan niya.

"Kumusta ka na?" Nyx asked, hindi n niya mapigilan ang kaniyang sarili.

"O-okay. Okay naman ako." Parang nauutal pa yata itong sumagot.

"Are you sure?" paninigurado ni Nyx.

Tumango-tango ito sa kaniya na para bang namamangha o nagugulat sa kaniyang presensiya.

Umalis talaga siya nang sadya para makita lang ang babaeng ito pero hindi niya alam kung anong dahilan. Siguro dahil, nagi-guilty siya sa ginawa niyang pang-iwan kagabi.

He was glad he'd found her...safe.

"Akala ko di na makikita eh," sabi nito na may ngiti pa sa labi. "Akala ko, hindi ko na masasabi sa 'yo 'to," she looked at him with sincerity in her eyes, "Salamat. Utang ko sayo ang buhay naming dalawa ni tita."

Tahimik lang si Nyx. Pinagmasdan lang niya ang babaeng nagsasalita. Mas maganda pala siya tingnan sa liwanag ng umaga kaysa sa liwanag ng buwan.

It's time for him to go.

ADK I : A Secret Prophesy (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon