xvii. t r a p

6.8K 166 33
                                    


"Hey!  Hey!  Kalma ka lang,  Cassy. Hindi naman ako kumakain ng tao. Dito ka muna.  Makipagkuwentuhan ka muna sa akin. It's been a while since nagkaroon ako ng matinong kausap." Katotohanan ang lumabas sa kaniyang bibig,  but not in a million years he thought of having a long conversation with a mere human.

It felt strange.

"Cassy?" inulit nito ang nickname na ginawa niya.

Nanantiya ang bawat tingin ni Cassandra kay Ayden.  Binabalanse ang sitwayon kahit wala naman itong alam sa kung ano ang binabalak niya.  Smart woman,  ito iyong tipong babae na hindi basta-basta magpapaloko. Pero,  hindi siya ang tipong basta-basta rin magpapabisto.

"Mas mahaba ang Cassandra.  Mas cute ang Cassy." He smirked.

Kailangang maisakatuparan ang plano para sa mas ikabubuti ng lahat. Wala namang mawawala sa buhay niya kasi matagal na siyang walang-wala.

Ayden grinned at her -- proudly wearing his invisible mask -- to fool the universe, to fool her. Napailing-iling pa, pilit na inaalis ang tensiyon sa kanilang dalawa. He pretended that things were fine. At sanay na sanay naman siya sa mga ganitong sitwasyon.

Kailangan niya itong manatili rito.  Kailangan niyang gawin ang lahat upang magkaroon lang ng oras. 

"Promise,  ibabalik kita kay Nyx after this." He lied.  "Oh baka nga,  on the way na iyong si Kuya rito."

Mas lalong hindi na maipinta ang kalooban ni Ayden habang inaalala ang pagsugod ng kuya niya rito.

Ano pa kaya ngayon na mismong kinuha niya ang babaeng ito sa teritoryo ni Nyx? There was no turning back for the both of them.

May mga sarili rin siyang plano.  Batid niyang may posibilidad na mapapahamak si Cassandra but what choice could he make?  He would play fire by fire.

"May kakaiba sa ‘yo, Ayden.”  Hindi pa rin maalis ang tindi ng titig nito sa kaniya. 

Sign ito na hindi basta-basta maniniwala lang ang kaniyang kaharap. Mas maingat sa facial expression,  mas maganda.  She was too observant for a mortal. 

"Huwag kang paranoid diyan," mas lumapad ang kaniyang ngiti. Lumapit siya kay Cassandra at kusang tinulak-tulak ang likod nito.  "Ipagpatuloy mo ang paglalakad.  Mararating mo ang sala. Stay there."

Walang paalam na naglaho si Ayden at pumunta sa kaniyang kuwarto.  Nakalagay doon ang isang supot na punong-puno ng damit at undies ng babae. Mukhang hindi ito nakita no'ng isa. Kinuha niya ito at binalikan si Cassandra na kararating lang din sa sala.

He took a glance of her secretly.  May resemblance ito sa babaeng hinding-hindi niya malilimutan.  Iyong mga mata nilang dalawa -- parehong-pareho -- mula sa shape,  hanggang sa kulay, at pati na rin kung paano makatingin.

Coincidence lang ba ito?

"Heto,  mga damit,  tuwalya, undies,  at anu-ano pa. " Inabot niya ang supot na hindi rin naman kinuha kaagad ng kaniyang kausap.

 “Wow! Saan mo ‘yan ninakaw? Gamit ba iyan ng girlfriend mo? Baka naman hinablot mo lang yan sa store at nakalimutan mong magbayad."

Pati na rin ang pagka-witty nito ay kapareho. Too bad,  she was just his pawn for a better cause.  Kahit na ganoon,  nakakaramdam pa naman si Ayden ng guilt sa sarili.

Kung sana ibang babae na lang ang nasa deal, hindi siya siguro mahihirapan.

“Kunin mo na, " utos ni Ayden. "Binili ko ‘to kanina habang tulog ka. Maligo ka. Magbihis. Magpalit ka na ng damit.  Natuyuan ka na't lahat-lahat. Ayokong magkasakit ka at sisisihin pa ako ni Kuya.”

ADK I : A Secret Prophesy (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon