v. c u r i o s i t y

10.1K 250 15
                                    


HE would remember her. Her voice. Her face. Her love for his aunt. And the way she protected what she mattered most, he would definitely remember her.

Kay tagal na rin siyang nangungulila sa ganitong senaryo. It felt more human. It gave him warmth from the inside.

Isang huling sulyap buhat sa malayo.
Nakita pa niyang paligon-lingon ang babaeng 'to sa iba't ibang direksiyon na para bang may hinahanap.

Malamang siya ang hinahanap nito. Mabuti na lang at nakatago siya kaagad bago pa man magsidatingan ang mga pulis. Magiging komplikado lang ang lahat sa oras na may isa na makakakilala sa kaniyang tubay na anyo.

Isa pang sulyap. Hindi pala huli ang nauna. Why can't he stop staring at her?

Matigas ang ulo. Wala sa hulog magdesisyon. Akala nito ay sobrang tapang na niya, pero iyakin naman.

Natawa nang bahagya si Nyx.
Maybe this would be the last that he would see her.

A slight of regret was there but it didn't make any sense. Part of him wanted to go back, another part of him wanted to go away. Pailing-iling pa siya habang paatras na naglalakad at tuluyan nang nagtago sa dilim.

It's time to leave this place. . .

Nagteleport siya papauwi sa kaniyang tinitirahang mansiyon. Una niyang napansin ang isang higanteng salamin na nakalagay sa may guest room. Mukha pa rin siyang teenager. Pwede namang patandain ang sarili niya ng ilang taon subalit mas gusto niyang makita anh kaniyang sarili na minor de edad. Halos okupado ng salamin ang kabuuan ng dingding. Sinadya niya talaga itong gawin, to remind himself that he was nothing but a curse.

He was almost 100 years old. Pero dahil isang demigod si Nyx, batid niyang hindi siya basta-basta tumatanda, hindi katulad ng mga ordinaryong mortal.

Makakilala siya ng mga kaibigan. But at the end of the day, they would leave him behind. Hindi dahil sa pagtatraydor kung 'di sa labis na katandaan.

Ang magmahal nang isang tao ay sadyang purong sakit lang ang maidudulot nito. Habang buhay na dadalhin ang bigat at sakit samantalang ang pinagluksaan nang matagal ay matagal na ring nakalaya sa pagmamahal.

Isang malalim na buntong hininga ang kaniyang pinakawalan habang nakapokus ang kaniyang paningin sa imahe ni Nyx, ang diyosa ng Gabi, na naka-display sa center point ng sala.

Maganda ang diyosang ito pero isa pa lang delubyo. Dito kinuha ang kaniyang pangalan. Parang katulad ng kaniyang tadhana na tila ba ay hindi niya matatakasan.

He went home for him to relax, if home really was the right word for that.

No family to talk to. No servants. No friend. Ito ba talaga ang sinasabing tahanan? Sa sobrang tagal na niyang namuhay mag-isa, hindi pa rin siya makapaniwala na isa lang siyang patapon sa Olympus. Pagala-gala sa kawalan, napaisip siya kung ganito na lang ba siya habangbuhay.

He was nothing.

Naupo siya sa sofa. Kailangan niyang magrelax at ituon ang kaniyang sarili sa kaniyang bukod-tanging misyon.

Iyon ay hanapin ang isang bata na minsan nang sinagip ang buhay niya noon. Mayroon sana siyang kakayahang mag-teleport, pero tinanggalan niya ng access ang sarili sa batang iyon dahil sa labis na pangamba na baka matunton ito ng mga immortal na naghahanap din sa kaniya.

N'andito si Nyx sa islang na 'to dahil sa isang pangakong binitiwan.  Pero sa sobrang tagal na noon, he wondered kung nandito pa ba ang taong hinahanap niya. Sa sobra niyang tagal na nakakulong sa kaniyang isla, ngayon lang siya nakalabas.

ADK I : A Secret Prophesy (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon