xxii. f o r g o t t e n

279 8 5
                                    

IT FELT LIKE a dead-end . . . 

Pakiramdam ni Nyx ay nakatayo siya sa isang mahaba at marupok na tulay na anumang oras ay guguho na ito at kakainin ng rumaragasang ilog, sa ibaba ng kaniyang paanan. Ganoon na ganoon ang kaniyang pakiramdam. He badly wanted to choose a path for both of them, not only Tamara or Cassandra, but he could barely help himself in the middle. 

He was stuck too. Sa kalagitnaan ng magandang pagsinag ng araw, ng samo't saring mga bulaklak, ng hanging malumanay ang simoy, damang-dama niya ang sariling mag-isa lang sa kawalan.

They were all stuck in a life that they never wished to have in the first place. It was designed by some stupid gods and their idiocy made them suffer a lot. 

Kung ito man ay masasabing obra ng Kalangitan, ito rin ang isa sa mga pinakapangit na art para sa kaniya.

"Wag ka lumapit sa 'kin! Utang na loob na loob, umalis na kayong dalawa dito!" hiyaw nito sa kaniya,na siyang naging kabaliktaran sa nais sana niyang matupad noon -- noong panahong gusto niyang agawin ang babaeng kaniya naman talaga sa umpisa. "Maawa ka. Hanggang diyan ka na lang."

Natauhan siya sa mahaba-habang niyang pagmuni-muni. 

Napabuntong-hininga si Nyx ng malalim. He looked at he closely. Its been decades since he last saw Tamara. It's been a while since his heart was improsoned by their own nightmares.

Nararamdaman niya ang takot sa mga mata ni Tamara pero imbes na magluksa, mas nanaig sa kaniya ang awa at simpatya para sa babaeng to. In order to have her, her family was slaughtered from her very eyes. Tandang-tanda pa rin ni Nyx ang lahat-lahat na para bang kahapon lang ito nangyari.

"Hindi kami naparito Tamara, para saktan ka," paliwanag niya. "Hinahanap lang naman si Cassandra. Pakiusap, kung nais mong umalis kami sa inyo, tulungan mo muna akong mabawi siya sa asawa mo."

"Hindi mandurukot ang asawa ako!" depensa pa nito. Nagpatuloy pa ring nagbibigay si Tamara ng distansiya sa kaniya.

The more he tried to step closer towards her, the more she stepped back. "Paano ka naman nakasisiguro?"

Napatigal si Tamara na para bang na-offend sa binibigkas niyang salita.

"Ano ho, Ginoo? Paano ako makasisiguro saan? Hindi ba nandito kayo para sa isang babae? Inaakusahan mo ang aking asawa na isang mandurukot. At ang iyong kasama ay naging halimaw kanina. Paano ko masisigurado na ikaw ang tama at ako ang mali? Kilala ko ang aking asawa. Hinding-hindi niya magagawa ang ganiyan."

Namumuo ang galit sa mga mata ni Nyx. He coudn't believe how she treat him. Maglalaho ba sa paglipas ng panahon ang isang matinding kasalanan?

May mali talaga rito.

"Paano ka naman nakasisiguro sa asawa mo? O kaya sa bawat desisyon ng asawa mo, nalalaman mo ba? Gaano mo ba siya kakilala?"

Gaano mo siya kamahal?

"Hindi ko kailangan ng interogasyon sa isang estrangherong katulad mo."

"Interogasyon?" sambit niyang hindi natutuwa.

Napatigil si Nyx. Pinagmasdan niyang maiigi ang babaeng kaha-kaharap niya ngayon. Seryoso ba 'to sa sinasambit?

Kailan pa naging isang interogasyon ang isang katotohanan?

Estranghero . . . 

Ganito lang palang kadaling kalimutan ang bawat alaala na mayroon silang dalawa. Habang sila, pakiramdam niya ay binabangungot pa rin siya sa bawat segundong nakalipas buhat sa trahedyang iyon.

ADK I : A Secret Prophesy (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon